Chapter 45

40 1 0
                                    

Posted on: 06/14/2020
Chapter 45


Nakaalis na kami ng isla na hindi ko man lang nakausap si Ellie. Iniwan ko na lang ang camera ko kay Aling Ester para ibigay kay Ellie. Iniwan ko ang mga pictures namin at mga pictures na kuha niya. Malungkot na iwan ko siya nang hindi ko man lang nakakausap, mabigat sa loob ko na aalis akong alam kong may sama siya ng loob sa akin.


Pagkarating namin sa penthouse, nagpaalam na agad si Brix. Hinayaan ko na lang, ni hindi man siya tumuloy sa penthouse, hanggang sa labas lang siya. Sinalubong ako ni Manager Say at para bang alam niyang darating ako. Kinuha niya ang luggage na dala ko at siya ang nanguna sa elevator.


Nagpaalam din siya agad pagkarating sa penthouse. Pagkapasok ko, nagulat ako nang makita sina Tita Cza, Tito Matt, at Love na naghihintay sa sala. Bakit alam nilang uuwi ako ngayon? Sinabihan ba sila ni Brix o ni Lander?


Bumaba ang tingin nila sa tiyan ko. Napahawak agad ako rito na para bang sa tuwing may tumitingin sa tiyan ko ay kailangan ng proteksyon ng baby ko. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mga mata nila. Kinabahan ako.


Unang lumapit si Love sa akin at niyakap ako. "You made me worry."


"Sorry." Iyon lang ang sabi ko.


Nagsabi naman ako, diba? Sinabihan ko naman sila na lalayo muna ako. Hindi ko lang inaasahan na makakabalik ako agad. Ilang buwan pa lang naman akong wala.


"Therese..." tawag ni Tita Cza.


Lumayo ng kaunti si Love at sumunod na lumapit si Tita Cza sa akin. Nakikita ko ang nagbabadya niyang pag-iyak. Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ganun? Bakit may inis pa rin ako sa kanya?


"Totoo ba? Totoo bang binuntis ka nung lalaking iyon?"


Nalaglag ang panga ko. "Walang kasalanan si Brix."


"How can you say that? Binuntis ka niya at hindi kayang panindigan kaya nakuha mong lumayo sa amin at ilihim ang nangyari."


Lumayo ako sa kanya. "It's my fault. Walang kasalanan si Brix."


"Therese, stop defending that guy. Paanong walang kasalanan kung siya ang Ama niyan?"


"Stop it." Napayuko ako. HIndi ko magawang sabihin sa kanila na ako talaga ang may kasalanan. HInayaan kong may mangyari sa amin ni Brix.


"Therese, I'm so sorry. Napabayaan kita. Hindi ko natupad ang pangako ko sa mga magulang mo." Umiyak na si Tita.


Nagpigil ako. Kumuyom ang mga kamao ko. Naiinis ako. Bakit ganun? Bakit hindi ko matanggap na nagsosorry siya sa akin? Wala naman siyang kasalanan. Saka sa pagsosorry niya, parang pinapamukha lang talaga niya sa akin na hindi ako napalaking tama at kasalanan ang nangyayari sa akin ngayon.


TInalikuran ko na sila at nagkulong sa kwarto ko. Hindi ko pansin ang katok nila. Naiinis ako. Oo, kasalanan ko ang nangyari, kasalanan kong nabuntis ako. Pero naiinis ako dahil kapag nababanggit ang kasalanan, para bang kasalanan ng baby ko na nabuhay siya. Ayoko ng ganun. Ayokong madamay ang baby ko. Kaya mas gusto ko pang manirahan sa isla nang kami lang dalawa.


Hindi ako lumabas ng kwarto maghapon. Hindi ko alam kung nandiyan pa sina Tita. Hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko. Nang icheck ko ang orasan sa pader, napansin kong maghahapunan na pala. Kung dati, kinakaya kong walang kain. Ngayon hindi na. Pinagsabihan ako ni Aling Ester na huwag kong pabayaan ang sarili ko kung ayaw kong mapabayaan ang baby ko. Hindi na lang ako mag-isa ngayon. Sa bawat desisyon ko, dapat kong alalahanin na kasama ko ang baby ko sa bawat desisyon na gagawin ko.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ