Chapter 21

38 2 0
                                    

Posted on: 05/06/2020
Chapter 21


"Mommy, I want to come."


Pinapanood ko ang isang batang babae na nagmamakaawa sa kanyang ina na sumama sa pag-alis. Nararamdaman ko kung gaano siya kasabik na sumama sa kanyang mga magulang dahil ang inakaala niya ay bakasyon ang mangyayari. Nararamdaman ko rin ang sakit sa ina na gustong-gusto rin niyang isama ang kanyang anak pero hindi pwede. It's like she knew what will happen kaya hindi niya sinama ang kanyang anak.


"I promise na pagbalik namin ng Daddy mo, magbabakasyon tayong tatlo wherever you want. For now, laptop and check where you want to go. Okay, baby?" Hinalikan niya sa ulo ang kanyang anak at sinuklay ang mahaba nitong kulay itim na buhok.


"Pwede ba natin isama si Love? And Tita Cza and Tito Matt?"


"Of course, baby! Magbabakasyon tayo kasama sila!"


Ngumiti 'yung bata at niyakap ang kanyang ina. Kahit na nagtatampo siya sa kanyang magulang dahil parating walang oras sa kanya, hindi naman niya magawang magalit nang tuluyan dahil sa isang yakap at halik lang ng Mommy niya, nakakalimutan niyang parati siyang mag-isa sa napakalaking bahay nila.


Oo nga pala. Hindi siya mag-isa. There comes her Nana. "Mag-iingat po kayo, Ma'am. Ako na po ang bahala kay Tere."


"Thank you."


Isang halik at yakap ang muling binigay ng ina sa kanyang anak. Pagkatapos ay biglang nakita ko na lang na umiiyak ang bata sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang. I felt the pain again. Para bang iisa kami ng nararamdaman ng bata. Iyak lang siya ng iyak at hindi alam ng kanyang yaya kung paano siya patatahimikin.


Pero makalipas lang ang halos isang oras, bigla na lang natulala ang bata. Wala siyang sinasabi, hindi siya gumagalaw, at nasa kawalan ang kanyang mga tingin.


I woke up with my alarm. Hindi ko maintindihan kung bakit napapanaginipan ko ngayon ang mga nangyari noon. Noong una ay iyong araw na muntik na kaming makidnap ni Love. Ngayon naman ay 'yung araw na nagpupumilit akong sumama kina Mommy pero hindi ko alam na iyon na pala ang huling araw nila. Bumigat ang dibdib ko. Why am I becoming emotional lately? Ibig bang sabihin nito ay tao pa rin ako?


Nag-ayos na ako at nagpunta sa university. Last day ng pasok ko for this week. 4 days lang ang pasok ko every week. Wala pa akong plano bukas dahil may pasok din naman si Love. 5 days kasi siya. Baka magmukmok na lang ako sa penthouse? O kaya ay magpunta sa High Soc sa gabi?


"Therese! Walang pasok bukas, anong balak mo?" Tanong ni Clare sa tabi ko.


Wala pa si Adrian sa klase. May 10 minutes pa naman bago mag-start ang klase pero hindi ko rin naman siya hinahanap.


Napalingon ako sa babaeng katabi ko. Unusual na nagtatanong siya ng plano ko bukas. Kailan ba ako masasanay na ngayong 2nd year ko ay may mga kasama na ako sa university?


"Hindi ko nga alam e. Baka sa bahay lang ako?"


"Nag-aaya kasi sina Adrian. Hindi mo ba nabasa sa group?"


Nagawa na rin niya ang group chat namin pero hindi ko pa binubuksan. Kahapon pa lang naman niya nagawa kaya hindi ganun nakakahiya kung sabihin kong hindi ko nabubuksan 'yung group chat.


"Saan?"


"Sa apartment daw ni Ty. Inom lang."


Kung iinom, mukhang first time ko na hindi sa bar. I guess, wala naman masama kung susubukan ko. Masaya naman sila kasama saka wala rin akong balak talaga bukas. Ayoko naman magmukmok sa penthouse. Baka kung anong maalala ko at magawa ko.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon