Chapter 17

45 1 0
                                    

Posted on: 01/27/2020
Chapter 17


I woke up with a real headache. Damn! Sobrang sakit ng ulo ko. Parang hinihiwa, tinutusok, at pinipiga sa sobrang sakit. Chineck ko agad ang oras at sigurado na akong hindi ako nakapasok sa school. Sht! I missed one day of school.


I checked my phone. No messages. Then, I remember that I got a new number. Wala pa akong sinasabihan kaya sigurado akong sa kabilang number sila kumokontak.


Pinilit kong makatayo para uminom ng tubig. Binasa ko rin ng tubig ang mukha baka sakaling magising ako ng tuluyan. I can't cook anything right now kaya tumawag na lang ako para mag-order ng soup. I just badly need soup right now and sleep again. Where did I go last night?


Ilang sandali lang ay narinig ko ang doorbell. Sobrang bagal ko maglakad dahil kulang na lang sapuin ko ang ulo ko. Nakasuporta rin ako sa wall habang naglalakad. Binuksan ko ang pintuan and I was expecting my soup but it was a person.


"Lexus?" Nanliit ang mga mata ko. "What are you doing here?"


"You were not answering my call. Hindi ka rin pumasok sa school." Galit ang kanyang mukha.


Hindi na niya ako hinintay papasukin siya. Tinulak niya ang pintuan at nilagpasan ako. Pero nang mapansin niyang nakasandal ako sa pader, lumapit ulit siya sa akin at inalalayan ako makaupo sa couch.


"Naglasing ka kagabi?" It was a question but almost a statement.


Tumango na lang ako.


"You never let yourself get drunk too much, Therese. What happened to you?"


Napayuko ako. Hindi ko alam. Ayokong magsabi kay Lexus dahil si Brix ang dahilan. Alam ko naman na may ideya siya pero ayokong kumpirmahin. Natatakot akong pagsabihan niya ako. Pakiramdam ko palalayuin niya ako kay Brix na para bang siya ang ama ko.


Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Kinagat ko ang labi ko. Ang sakit talaga ng ulo ko. Wala pa akong matandaan sa mga nangyari kagabi at kung paano ako nakauwi. I'm not sure if my Romeo is at the parking lot. Baka pinagtawag ako ng taxi ng mga waiter doon sa restobar at naiwan pa ang sasakyan ko roon. But how did I end up in my room? Hotel staff? Sht! I should never get drunk again. Hindi ko alam na ganito pala. Akala ko hindi legit na kapag nalasing ka ay wala kang maaalala. I have some part remembered pero parang mga panaginip.


"Aren't you going to talk to me? Estatwa lang ba ako dito? Or do you want me to call your Tita or your bestfriend?"


Napaangat agad ako ng tingin sa kanya. Fck! Tangina mo, Lexus! Why do you sound like a dad to me? Ang sakit pa ng ulo ko!


"Wa-" I was cut off with the buzzer.


Ginulo na lang ni Lexus ang kanyang buhok dahil sa frustration. Shocks! He ruined his well-waxed hair!


Nagpunta siya sa pintuan at kinuha ang order kong pagkain. Siya lahat nag-asikaso. Kinuha niya ako ng maiinom na tubig. Hindi na ako naghintay pa at sinimulan ko ng kumain. I was not even able to offer him to eat. Gutom na gutom din kasi ako. Pakiramdam ko gusto ko ng mahabang bakasyon dahil sama ng pakiramdam ko. Pero may pasok pa bukas at hindi ako pwedeng mag-absent ulit.


Pinapanood lang ako ni Lexus habang kumakain. Para bang gusto niya akong sawayin dahil ang bilis kong kumain, para bang hindi na ako ngumunguya. Dahil doon, nasamid na ako. Inabutan niya agad ako ng tubig. Kinuha ko iyon.


"Thank you!"


"Now you are speaking." He crossed his arms to his chest.


"Anong ginagawa mo rito?" Let's try to change the topic.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz