Chapter 24

26 0 0
                                    

Posted on: 05/09/2020
Chapter 24


""I didn't know nagmomodel ka na rin pala." Sabi ko nang lapitan ko si Alira sa dressing room. Kaming dalawa lang dito dahil break time.


"Because I'm pretty." Maarteng sabi niya.


I wonder kung kanino niya namana ang ganyang ugali? Well, mayabang din naman si Brix.


I smirked. "You know modelling is not just about being pretty."


Pinagtaasan niya ako ng kilay. Tumayo siya sa kinauupuan at hinarap ako nang nakahalukipkip. "Bakit kayo magkasama ni Lexus?"


Hindi mawala ang ngisi ko. "He's my best friend."


"Alam mong may gusto siya sayo."


Tumawa ako. "Does that hurt you, Alira? You know, kahit hindi ako ang gusto ni Lexus, he will never choose you."


Akma niya akong sasampalin pero mabilis kong nahagip ang kanyang kamay. Alam ko wala naman siyang ginagawang masama sa akin at hindi okay na magpa-bad shot sa kapatid ng taong mahal mo, pero may gusto akong ioffer sa kanya na hindi niya matatanggihan.


"I see you're head over heels with Lexus. I wonder why? Palagi kang may ibang lalake diba?"


"Like you're not?"


"I was... before I met your brother."


Binawi niya ang kanyang kamay saka tumawa. "You know I can make Brix avoid you."


"He's already avoiding me from the start kaya sanay na ako."


"That's not what I meant. You're important to him but he never admit that."


Nalaglag ang panga ako. Importante ako kay Brix? Paano niya nasabi iyon?


"Hindi naman ako magsisinungaling kung hindi ganun ang napapansin ko lalo na ngayong alam kong ikaw ang Temptation na naka-save sa phone niya."


"W-What are you talking about?"


Ako dapat ang nagli-lead ng usapan na 'to kaya nga iniinis ko siya. Pero mabilis na nabaligtad ni Alira ang usapan dahil sa sinabi niya. Ngayon hindi ako makakatulog hangga't hindi nasasagot ang mga tanong ko.


"Do you remember answering my call using Brix's phone?" Dagdag ko pa.


"I didn't know it then. Hindi naman kita kilala saka wala naman akong nakikita sa mga babae ni Brix. Pero ikaw ang unang babae niya na nakita ko. At nakita ko kung paano ka niya tratuhin nung sa sinehan."


"You also remember that?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Naalala ko kasi iyong panahon na 'yun na inakala ko siyang girlfriend ni Brix.


Tinanggal niya ang pagkahalukipkip saka sumandal sa vanity table. "What do you want?" Seryoso niyang sabi.


Kumuyom ang kamao ko. I didn't know she's quick witted. I composed myself.


"Tulungan mo ako mapalapit sa kuya mo."


She smirked. "What's in it for me?"


"You'll be with Lexus."


Tumawa siya ng malakas. "Ikaw na nagsabi kanina. He will never choose me. And I already know that."


"But you never want to give him up, do you?" Nanliit ang mga mata ko.


Nakita ko sa mga mata ni Alira kanina nang makita si Lexus na gustong-gusto niya ito. I wonder how Lexus made her fall in love with him. Saka noong sa High Soc noon, hindi ko inakala na magkakilala sila at mukhang may past pa. And I think it's just like what Brix and I have. We just have a connection in bed. No feelings should be involved but we, girls, have fallen for them.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now