Chapter 13

42 1 0
                                    

Posted on: 12/26/2019
Chapter 13


Dumating ang Sabado at sinundo ako ni Lander sa hotel. Celebration ng birthday ng Dad niya at ito 'yung napasubo akong umoo sa kanya sa pagpunta at pagsundo niya sa akin nang dahil sa mga titig ni Brix nung nasa Vikings kami.


I covered my showing tats with a concealer. Kahit na wala naman sa akin itong pagpapakilala sa akin ni Lander sa kanyang parents, ayoko naman mapahiya siya o ako ang mapahiya. I want to be cautios and conscious around his parents. Sa pagkakakilala ko kasi kay Lander sa sandaling panahon, matino silang pamilya dahil matinong tao si Lander. Pakiramdam ko para silang pamilya ni Love na strikto kaya naman may narating na si Lander sa murang edad.


Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpunta na ako sa lobby. Binati ako ng mga tao sa front desk, sinuklian ko naman ng ngiti.


Nililibot ko ang paningin ko sa lobby nang mahagilap ko ang mga seryosong tingin sa akin. Muli kong naramdaman ang sampung libong kabayo na tumatakbo sa dibdib ko. Why is he here?


Biglang nawala sa paningin ko ang lalakeng iyon dahil napalitan ng napakalaking ngisi ni Lander sa harap ko. Mapakla akong ngumiti sa kanya saka sinilip ulit si Brix sa kaninang pwesto niya pero wala na ito. O baka namamalik-mata lang ako at wala naman talaga siya doon? Wala naman dahilan para nandito siya. Unless, naka check in ulit sila ng babae niya.


"Is there any problem, Therese?"


Napabalik ang tingin ko kay Lander na sobrang gwapo sa kanyang suit. "Ha? Wala naman."


He offered his arms at wala sa sariling kinuha ko iyon. I wouldn't bring my Romeo dahil nga sa napa-oo akong sunduin ni Lander ngayon. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. For the first time, naging tahimik kaming dalawa. Tahimik ang biyahe namin. May iilang tanong siya pero hindi napupunta sa kwentuhan. Is it because of the aura that I have right now?


Pagkarating namin sa isang hotel, nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung para saan. Tinago ko naman ang mga tattoo ko, pati ang mga piercings ko tinanggal ko. Iniwan ko lang ang sa tainga ko.


Nakakapit ako sa braso ni Lander habang papasok kami. I was not informed na bongga pala ang celebration na ito ngayon ng Dad niya. Nakalagay sa poster na ika-50th birthday pala niya. Now I understand.


Pagkapasok namin sa venue, masyadong makinang ang buong lugar. It's not a typical theme for an elder guy. Sinong lalake ang gugustuhin ang sparkling theme?


Giniya ako ni Lander sa pinaka-unahan. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makita ang lalakeng nasa poster kanina sa labas. Siya ang birthday celebrant at Daddy ni Lander. Sa tabi naman niya ay ang girl at older version ni Lander, obviously it's his Mom.


Mas lumapit kami sa kanila at hindi mawala ang mga tingin nila sa akin. May iilan pang tao sa table na ito. Humalik si Lander sa kanyang mga magulang saka ako pinakilala.


"Mom, Dad, this is Therese. She's the one I'm telling you." Ngumiti si Lander sa akin. He's flashing those charming dimples. "Therese, my Mom and Dad. Also, my elder sister and her family."


Ngayon ko lang nalaman na may ate pala siya. Ngumiti ako at nagpakilala ng maayos. Pagkatapos ay umupo na kami sa tabi nila.


Nag-start ang party at palaging nasa table namin ang spotlight. Nahihiya na ako sa pwesto ko. Feeling ko girlfriend ako ni Lander at bahagi ng pamilyang ito. Bakit ba kasi ako umoo dito?


"Are you okay?" Tanong ni Lander sa akin.


I'm not okay. "Y-Yeah..."


"You look beautiful, Therese. Huwag ka sana ma-intimidate sa mga tingin nila sayo." Mabibigat ang mga tingin niya sa akin.


Therese's Forlorn Love (TFL SERIES #3)Where stories live. Discover now