Chapter 2: Emerald Academy

Start from the beginning
                                    

"Tito? Is everything okay?" Napalingon agad sila saakin at bigla nalang ngumiti. Teka nga parang may mali kanina seryoso sila tapos ngayon nakangiti na.

"Yes Vish okay lang ang lahat. hahahaha ito kaseng si Tita Astrid mo nagugutom na daw. Hahahahah." Pagpapaliwanag ni tito kaya naman napatawa nalang ako. Hay nako talaga basta pagkain ang pinag-uusapan ibang klase talaga tong si tita Astrid. Pero hindi naman tumataba.

"Sorry Baby Vish ha. Nagugutom kase ako." Saad ni tita pero napatawa naman ako. Naalala ko na may pinadala pala si manang sakin na pagkain sabi nya malayo daw ang byahe tiyak ay magugutom kami.

Nagsimula naman ulit magmaneho si tito Clyde at naka focus na sa daan samantalang si tita Astrid ayun parang pinag sakluban ng langit at lupa at nakasimangot na.. hay nako.

"Here oh tita Astrid, I guess nagwawala na yang mga cobra mo sa tiyan!" Natatawang inabot ko sa kanya ang tuper ware na may lamang pagkain.

"Ohhhhh my gash, may dala ka pa lang pagkain baby Vish bakit di mo agad sinabi. Hay nako kang bata ka." Pagmamaktol nya na parang batang inagawan ng candy.

"Teka di ko naman kasalanan tita eh, isa pa did you ask me?" Pagtataray ko sa kanya pero hindi na ako pinansin dahil kain lang sya ng kain. Hay nako pagkain nga naman.

Ilang oras na din kami sa byahe kaya parang ang sakit na nga pwet ko kakaupo.

"Tito Clyde malapit na ba tayo?" Pagtatanong ko sa kanya dahil inip na inip na talaga ako gusto ko sana matulog pero di ako inaantok.

"Yes sweety malapit na tayo, ayun na ohhh papasok na tayo ng portal." Wika niya sabay turo sa dalawang puno na magkatabi at sa tingin ko ay kasya lang ang isang sasakyan.

Nang makatapat kami sa harap ng puno ay nagcast na si tito Clyde ng spell upang buksan ang portal. Wala namang makakakita saamin dito dahil nasa loob na kami ng gubat.

"a quamplurimis adquisuit potentia sit aperta ianua"

Sa pagcast ni tito ng spell ay agad namang bumukas ang portal na kaniyang ginawa. Biglang nagliwanag ang dalawang puno kasabay nito ang pagbuo ng parang salamin sa gitna ng dalawang puno. Nang makapasok kami sa loob ng portal ay kaagad naman itong sumara. Biglang umikot ang paligid at sobrang nakakahilo, at makalipas ang ilang sandali ay nasa harapan na kami ng isang malaking gate.

Emerald Academy yan ang nakalagay sa harapan ng gate. Biglang bumukas ang pinto at kaagad namang pumasok ang aming sasakyan. Tinanguan lang ng lalaki si Tito Clyde kaya naman nagdiretso na kami. Ipinark ni tito ang sasakyan kaya naman nagsibaba na kami. Kinuha ni tito Clyde ang dala kong maleta at nagsimula nang lumakad kaya't sinundan lang namin siya ni Tita Astrid.

"Baby Vish, this is it." Excited na sabi niya saakin habang hawak hawak ang aking braso. Nginitian ko lamang siya at itinuon ang aking tingin sa aming dinadaanan.

Hindi ko maipagkakaila na maganda ang school na ito att katulad na katulad pa rin ng dati. Malawak ang grounds nila, matataas ang mga building at sobrang magical. Habang naglalakad kami ay nakakasalubong namin ang ilan sa mga estudyante dito. At tila pinag-uusapan kami or if not ako lang talaga ang pinag-uusapan nila.

Tumigil si Tito Clyde sa paglalakad ng may lalaking bigla siyang kinausap. Ngunit hindi ko nalang yun pinansin. Iginala ko ang mata ko at napansin kong may grupo ng babae na tila nagtatawanan at pinag-uusapan ako. Kaya naman ginamit ko ang ability ko para pakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

"Newbie?" Saad ng isang babae.

"I guess so at mukhang lalampa lampa" matapos nyang sabihin yun ay nagtawanan lang sila.

"Girl siguro yan naman ang bago mong bibiktimahin ano? Bully ka na naman." Turan ng isa pang babae at tila nagpipilit ng pagtawa.

"Hay nako, hayaan mo. Nagkamali sya ng school na pinasukan nya"

"Tingnan nyo para syang ewan kung saan saan nakatingin"

"Another thing look nerdy? Hahahaha weakling."

Nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi nila. Akmang hahakbang na ako ng pigilan ako ni tita Astrid.

"Baby Vish, hayaan mo nalang sila. Wag mo na patulan".

Wala na akong nagawa kaya naman tumigil na lang ako at isinara ang aking ability.

Matapos makipag usap ni tito Clyde sa lalaki ay dumaretso na kaagad kami sa office ng headmaster para masettle na ang mga kailangan ko at makapagpahinga na rin.

Tumambad sa amin ang isang malaking pinto na kulay pula. Agad kumatok si tito ng tatlong beses at bumukas ang pinto. Nakita namin ang isang babaeng siguro naga mid 30's ng edad nya. Ngumiti lang ito sa amin at nagsimula ng magsalita.

"Good Morning Mr. Light. I thought mamaya pa kayo makakadating." Pagbati nya kay tito Clyde.

"Headmistress Jem, its nice to see you again." Pagbati naman ni tita Astrid at nakipagbeso pa ito sa kanyan.

"So you are?" Pagtatanong nya saakin kaya naman sumagot nalang ako.

"I am Krishzel Vish Amethyst." Simpleng pagpapakilala ko sa kaniya.

"Oh great, Miss Krishzel welcome to Emerald Academy". Pumunta siya sa isang table at may kinuhang file iniabot niya ito kay tita Astrid at sinimulan na nya itong ifill-up.

"What is your magic? And your special ability miss Krishzel?"

"I am a healer, and my S.A is earshot"

Yun lang ang sinabi ko tulad ng napag usapan namin ni tita Astrid. Let me just explain what is Earshot. In simple words it is a special ability wherein the distance within which someone's voice or sounds can be heard. Higher level na ang SA ko. I can hear anything with the radius of 1000 kilometer away from me.

"Ohhh, that's great so we have a new healer here in the academy." Ngumiti lang siya saakin.

Nakita kong iniabot ni tita Astrid ang form na kaniyang finill up.

Nag abot saakin si Headmistress Jem ng isang papel at tiningnan ko lang ito.

"That would be your dorm number and also the class you will attend." Saad niya sabay iniabot saakin ang susi ng dorm ko.

Nalaman ko na may kasama ako sa dorm, 2 other girls to be exact.

Muli kong tiningnan ang papel na inabot nya saakin and I was surprise sa nakita ko.

"S-class???" Pagtatanong ko sa kanya.

"Yes, may problema ba?" Takang tanong niya saakin kaya naman di na ako nagdalawang isip na itanong ang gusto kong malaman.

"I thought S-class is the section where certain students already reach the high level magic? And I am one of them? Pero kakapasok ko palang dito at hindi pa ako nakakapagleveling?" Sunud sunod kong tanong sa kanya pero ngumiti lang sya.

"According dito sa form na sinagutan ni Astrid eh qualified ka naman sa S-class kaya dun na kita nilagay."

"But....." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng putulin na ito ni tito Clyde.

"No more buts sweety okay?"

Naglakad na kami palabas ng dorm at nagpaalam nadin ako kayna Tita Astrid at Tito Clyde. Simple goodbye lang ang ginawa namin, hug then kiss in my forehead.

Habang naglalakad ako papunta sa dorm ay hindi ako makapaniwala na dito na talaga ako mag-aaral haiist. This is it.

Nang makarating ako sa tapat ng dorm na may number 127 ay kumatok nalang ako sa pintuan dahil mukhang may tao naman sa loob.

EMERALD ACADEMY: THE LEGENDARY PRINCESSWhere stories live. Discover now