Finale . . . " Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

364 39 5
                                    

"Arielle v/s Konde Drakul Huling Laban"

---------

Hinahanap ni Mira ang kanyang anak. Hindi niya ito maramdaman. Tinignan niya ang malaking sawang nakatayo. May naka-umbok sa tiyan nito. Namula ang kanyang mukha dahil sa matinding galit. Lumitaw ang mga ugat sa kanyang noo at nagbaga ng kulay berde ang kanyang mga mata. Humahakbang siyang papalapit kay Borgel ang dambuhalang sawa.

"Kinain mo ang anak ko?" sabi niya kausap ang sawa gamit ang kanyang isipan na naririnig ng lahat ng mga bampira.

"Oo! Pinatay niya si Estefano ang aking kaisa-isang anak kaya dapat lang na buhay niya ang kabayaran!"

"Iyan ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo! Ibang antas ang kapangyarihan ni Arielle. Kahit kaming lahat ay hindi na namin maabot ang kanyang kakayanan."

"Ha ha ha! Kahit anong sabihin mo pa ay huli na. Ano ang magagawa niya ngayong nasa loob na siya ng tiyan ko!"

"Hark! Hark! Hark! Oo nga naman. Kung malakas nga ang anak mo bakit hinayaan niyang kainin siya ni Borgel." sabi ni Konde Drakul na nang-uuyam pa.

Sumingasing si Mira dahil sa galit kay Borgel. Lalong nagbaga ang kanyang mga mata. Nabuo ang mga bolang apoy sa kanyang mga kamay.

"Babae huwag kang magkakamaling salingin si Borgel at ako ang makakalaban mo!" sabi ng konde at sumingasing na rin siya. Sumenyas siya at mabilis na humarang ang kanyang mga alagad sa pagitan nina Borgel at Mira.

"Subukan mong galawin si Mira konde at tayong dalawa ang magtutuos!" Pumulang bigla ang mga mata ni Yuri.

"Hark! Hark! Hark! Nilikha lang kita Yuri Ivanoff kaya kaya kitang durugin." Sumingasing ang konde. Uminit ang hangin sa paligid niya. Nagkulay pula ang buong paligid tanda ng lakas ng kanyang isipan. Nagbabagang pula na ang kanyang mga mata. Ngumanga siya at lumabas ang mga mahahabang pangil. Iniikot-ikot niya ang kanyang ulo at naglilitawan ang mga namumula niyang mga ugat sa buong katawan lalo na sa kanyang mukha. Nanlilisik ang tingin niya kina Mira at Yuri. Isang malakas na pwersa ang lumabas sa kanyang katawan. Kakaibang enerhiya na uminit bigla.

Itinaas ni Yuri ang kanyang mga kamay at isinangga sa kanyang mukha ang mga brasong naka-ekis. Sapol siya ng pwersa. Napaatras siya. Nawarak ang kanyang suot at gumuhit sa kanyang balat ang mga hiwa.

"PAPA!" Ibinato ni Mira ang mga bolang apoy sa tatlong bampirang nasa harapan ni Borgel. Lumiko ang mga ito at tumama sa dingding ng mansion. Sumiklab ang malaking apoy nang masunog ang mga makakapal na kurtina. Ibinaba ng konde ang kanyang isang kamay. Siya ang nagpaliko sa mga bolang apoy. Muling lumabas sa katawan niya ang mainit na pwersa. Sinangga ito ni Mira na gamit ang isa ring pwersa. Sumabog ang dalawang pwersa sa pagitan nila ng konde. Kapwa sila napaatras.

Hindi napansin ni Mira na sabay-sabay na nagpakawala ng mga pwersa ang tatlong alagad ng konde. Nasangga niya ang dalawa pero nakalusot ang pangatlo. Tumilapon siya. Katulad ni Yuri ay nasugatan siya pero hindi natumba.

"Ahhhhhh! Malakas ka babae!" Itinaas niya ang kanyang kanang kamay. Umiikot ang mainit na hanging nabubuo sa kanyang palad pero hindi ito kumawala. Bigla itong sumabog. Tumalsik si konde pero hindi natumba. Warak ang kanyang damit at umagos ang dugo sa mga sugat sa kanyang kamay at dibdib. Napatingin siya kay Yuri.

"Patas na tayo konde." Muling gumagawa ng pwersa si Yuri sa kanyang kamay.

Sumugod ang tatlong alagad ng konde kay Yuri. Kasing bilis sila ng hangin. Nauuna ang isang babaeng bampira. Nailagan ni Yuri ang suntok ng naunang bampira at lumampas sa kanya ang kalaban. Sinalubong niya ang ikalawa sabay ikot ng buong katawan at isinampal niya sa mukha ng ikalawang bampira ang pwersang nabuo sa kanyang palad. Sumabog ang ulo nito at biglang nagliyab ang buong katawan. Mabilis na nabunot niya ang kanyang matalas sabay yuko. Pag-ikot niya ay gumuhit ang matalas sa katawan ng ikatlong bambira. Nahati ang baywang nito. Natumba at naghiwalay ang katawan pagbagsak sa sahig. Biglang nasunog ang bangkay at naging abo. Hinarap niya ang naunang bampira. Isang wasiwas ng kanyang matalas ay tumilapon ang ulo nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon