Part 21 . . . Jansen Ang Bagong Halimaw

169 11 1
                                    

"Jansen ... Ang Bagong Halimaw"

--------

Nakarating na ang Duke sa hangganan ng bayan ng Bolstok. Nagtayo sila ng isang malaking kampo. Mula sa karatig na kagubatan ay nagputol sila ng mga puno. Binakuran nila ng matataas na kahoy ang paligid ng kampo. Nagtayo sila ng barraks na gawa sa mga makakapal na kahoy. Nang matapos na ang kampo ay nagsanay na ang mga mandirigma. Hinasa nila ang kanilang mga armas na espada, pana at sibat.

Sa main headquarters nila ay pinulong ni Duke Charles Croft ang kanyang mga piling ayudante. Sinabi niya sa kanila kung anong mga salot ang kanilang makakalaban, ang mga bampira at taong lobo. Sinabi rin niya kung paano nila malalabanan ang mga salot ng lagim. Inatasan niya ang mga ayudante na sabihan ang mga mandirigma na gumawa ng mga krus at isuot huwag huhubarin. Pinatunaw niya lahat ng pilak para gawing pana at espada panlaban sa mga taong lobo. Sinabìhan din niya na huwag magtitiwala sa mga estranghero lalo na sa pagsapit ng dilim at magtalaga ng mga pang gabing gwardiya sa malaking pintuan at sa palibot na bakod ng kampo. Matapos ang pulong ay lumabas na ang mga ayudante para isagawa ang utos ng Duke. Pagod na naupo siya sa isang silya. Nag-aalala sa kanyang mga tauhan at sa anak na dalaga. Pumasok si Arianna. Nakita ang ama na matamlay. Lumapit siya sa ama.

" Ama, alam kong makakayanan mo lahat iyan. Tulad ng dati na masaya kang umuuwi dahil nanalo kayo sa labanan."

" Alam mo anak ay iba ang kalaban ngayon. Mga sugo ng demonyo kaya labis akong nag-aalala para sa aking mga tauhan at higit sayo. Kung hindi sana kita kasama ngayon ay maaaring nabawasan ang pag-alala ko. Mahal na mahal kita anak. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina. Kung hindi sana siya namatay ay hindi na ako makikipaglaban pa."

"Ama, mahal na mahal din naman kita. Kaya ayokong mawalay sayo. Hindi ko matatanggap kapag may nangyari sayo. Alam kong mananaig ka pa rin ama ko. " Yumakap ang dalaga sa Duke.

Sa karatig na kagubatan ay may mga matang nagmamatyag sa kampo. Pinagmamasdan niya ang mga nangyayari sa loob ng kampo.

"Kailangang masabihan ko si Malec na dumating na ang mga dayuhang mandirigma. Kailangan ng maghanda. " bulong ng nagmamay-ari na mga mata.

Maingat siyang umalis at pumasok sa loob ng kagubatan. Ilang kilometro ang kanyang nilakad ng sapitin niya ang mga kabahayan sa liblib ng gubat. Pumasok siya sa isang malaking kubol. May mga lalaking nag-uumpukan sa loob. Nasa gitna si Malec.

" Ravec, hindi mo man lang nagawang iligtas ang aking kapatid na si Novak?"

" Malec, nahuli siya sa isang bitag ng isang mandirigma. Mahusay ang mandirigma. Dalawa agad sa alagad ko ang napatay niya ng sabay. Ililigtas ko sana si Novak, dumating ang isa pang mandirigma. May mga kasamahan siya. Kaya alam kong wala ng pag-asang pang iligtas ang kapatid mo kaya tumakas na ako. "

"Kilala mo ba ang mandirigma?"

" Hindi pero mamumukhaan ko siya kapag nakita ko siyang muli. "

" Sige Ravek magpahinga ka na." Lumapit ang kapapasok na alagad ni Malec.

" Malec, may mga dayuhang dumating sa hangganan ng Bolstok. Nagtayo sila ng kampo na binakuran ng mga matataas na kahoy.

" Hmmm. Dumarami ang mga kalaban natin. Ilan sila?"

" Marami sila. Hindi ko mabilang at mga sanay sila sa pakikipagdigma. Matatalas ang kanilang mga sandata. " sabi ng impormante.

" Sige, bumalik ka at matyagan mo silang mabuti."

" Masusunod Malec." lumabas na siya sa kubol.

***

Sa Lisbon, Espanya, ilang araw ng nakaalis sina Nick at Jansen ng lumikas na rin ang pamilya Ivanoff. Sakay ng tatlong malalaking karuhawe ay naglakbay sila papuntang Bolstok, Rusya. Kailangang mapigil nila si Gustav.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon