Part 5 ... Dugo ng Taong Lobo

267 17 3
                                    


"Dugo ng Taong Lobo"

Dumaong ang barko malapit sa baybayin ng Pransiya. Sa liwanag ng buwan ay nababanaag ang dalawang maliliit na bangkang papalayo sa barko na nagsisimulang masunog. Nagkahiwalay ang dalawang bangka. Dumaong sa dalampasigan ang isa. May bibit na malaking bag ang lalaking nagsimulang maglakad at binaybay ang dalampasigan. Nakarating ang lalaki sa isang maliit na pamayanan. Pumasok sa isang taberna. Kumuha ng isang silid sa itaas. Naghabilin sa may-ari na magpapahinga siya hanggang sa buong araw kinabukasan at ayaw maabala. Nagbayad ng malaki na ikinatuwa ng may-ari. Inalok siya ng babae. Umayaw ang lalaki. Nagpabili na lang siya ng kabayo at nagbigay ng malaking halaga na lalong natuwa ang may-ari. Pumasok na sa silid ang lalaki. Tinakpan ng makapal na kumot ang bintanang may salamin.

Magbubukang liwayway na kaya nahiga ang lalaki at nagpahinga na.

Tumayo lamang siya ng magtatakip silim na. Kailangan na niyang maka-alis kaagad. Pagbaba niya sa taberna ay marami ng tao. Nilapitan siya ng may-ari.

" Ginoo, nakahanda na ho ang kabayo ninyo sa harap ng taberna. " Aniya sa lalaki.

" Salamat ginoo. Heto tanggapin mo! " Isang pirasong gintong salapi ang binigay ng lalaki.

" Salamat ginoo. Hindi ka ba iinom o kakain man lang?"

" Hindi na ginøo at ako ay aalis na. Nagmamadali ako. May negosyo ako sa Paris na dapat asikasuhin. Salamat ginöo! " At lumabas na siya.

Tuwang-tuwa ang may ari. Ipinagyabang ang gintong salaping natanggap sa mga nag-iinuman. Tatlong lalaki ang nagkainteresado. Kina-usap nila ang may-ari. Ikinuwento nito na galante ang lalaking umalis. Nang naging abala na ang may-ari ay lumabas ang tatlong lalaki para sundan ang lalaking galante. Alam nila ang pasikut-sikot ng lugar kaya nauna pa sila sa hangganan ng pamayanan. Hinintay nila sa dilim ang lalaking galante. Maliwanag ang buwan kaya nakikita nila malayo pa lang kung may daraan sa daan. Mayamaya ay narinig nila ang mga yabag ng kabayo. Naaninag nila sa kalayuan ang lalaking galante. Pag lampas sa isang malaking puno ay nawala ang lalaking galante. Kabayo na lang ang tumatakbo ng dahan-dahan. Nagtaka sila. Hinarang nila ang kabayo. Huminto ito. Bumaba ang tatlo sa mga kabayo nila. Nagtataka pa rin sila. Isang malaking bag ang nakasabit sa kabayo. Mabigat. Hindi kayang buhatin ng dalawang tao. Binuksan ng isa ang bag. Lumaki ang mga mata niya. Mga alahas, gintong salapi, pilak at mga mamahaling hiyas ang laman ng bag. Napatawa ang lalaki!

" Ha ha ha! Mayaman na tayo! Tignan ninyo! Malaking kayamanan ang laman ng bag! Ha ha ha! "

Nagtatawanan sila ng biglang may sumakmal sa leeg ng isa at nagulat.

" Ako ba ang hinahanap ninyo mga ginoo?" sabi ng lalaking galante.

Bumunot ng espada ang dalawa. Hindi makagalaw ang kasama nila dahil sakal siya sa leeg ng lalaking galante. Biglang nagbago ang kulay ng mga mata ng lalaking galante. Naging pulang-pula. Sumingasing. Ibinuka ang bibig. Lumabas ang mahahabang pangil. Kinagat sa leeg ang hawak na lalaki.

" Aahhyeeii!" Lupaypay na nang bitawan. Patay na nang bumagsak sa lupa.

Umulos ang ikalawang lalaki. Nawalang bigla sa harap niya ang lalaking galante. Nasa likuran na niya kagad. Dinaklot ang buhok niya at ipinaling ang ulo. Bigla siyang kinagat sa leeg. Naramdaman niya ang sakit ng bumaon ang mga pangil sa malaking ugat sa leeg. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at bigla ring huminto. Wala na siyang alam. Hindi man lang nakasigaw sa pagkakabigla. Patay na siya ng bitawan ng lalaking galante. Natakot ang ikatlo. Tumakbo siya ng matulin.

Malayo-layo na siya at palingun lingon sa likuran. Tinitignan niya kung sumusunod sa kanya ang lalaking galante. Wala! Nang biglang bumangga siya. Napa-upo sa lupa. Lumaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking galante na nakatayo sa kaniyang harapan. Nakanganga at litaw ang mga pangil. Dinakma siya at napasigaw siya sa takot. Huli na! Kinagat na siya sa leeg.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now