Part 47 . . . "Cruiser Yacht"

180 16 1
                                    

"Cruiser Yacht"

-------

Baguio, mag-aala-una na ng madaling araw ay bumababa sa taxi sina Mira at Rona. Mahamog ang gabi at sobra ang lamig. Parang nangatog ang mga tuhod ni Mira pagkababa niya ng taxi dahil hindi siya sanay sa lamig. Nabuksan ang ilaw sa ibaba ng bahay nina Rona at bumukas ang pinto.

"Mano ho Pang!"sabi si Rona na nagmano sa matanda. Sumunod na nagmano ay si Mira.

"Bigla yata ang pag-uwi ninyo Rona?" Pumasok ang dalawa hila ang kanilang mga maleta.

"Oho Pang. Ilang araw lang naman po kami rito at babalik na sa trabaho." Napansin ng matanda na hindi kumikibo si Mira.

"Ihahanda ko muna ang silid sa itaas. Nasa kusina ang mamang mo at nagtitimpla ng kape ninyong dalawa."sabi ng matanda at umakyat sa hagdanan.

"Bess hindi kaya magalit si bossing sa pag-uwi natin ng hindi niya alam?"

"Hindi bess. Nasaan na kaya siya ngayon? Bess nag-aalala ako. Pakiramdam ko nanganganib siya!" Sabi ni Mira.

--------------

Ilang milya sa Corregidor ay pabalik na ang cruiser yacht ni Jansen. Natutuwa si Igor ng tawagan siya ng kanyang mga tauhan sa isla na nahuli nila sina Yuri. Tinawagan niya si Jansen na nasa Baguio na natuwa rin. Kaya inutusan siyang bumalik na sa isla. Papunta na sana sila sa parte ng Ilocos dala ang kalahati ng kanilang mga alagad para sa paghahanda nila sa pagsalakay sa mansion ni Yuri sa Baguio. Nagbago ang plano ng malaman nilang nahuli sina Yuri sa isla.

Sa loob ng tunnel sa isla ay nakatayo pa rin ang tatlong bantay sa bukana ng maliit na tunnel. Tinitignan nila ang apat na bampira na nakahandusay sa semento.

"Masarap na ang tulog nila. Pabuksan mo na para matalian natin sila." Utos ng nakasuot na pulang ski mask. Sumenyas ang nautusan at bumukas ang sliding door na salamin. Pumasok silang tatlo sa loob ng tunnel.

Nilapitan nila ang apat at payuko na sila para damputin ang mga armas nina Yuri ng bigla dumilat ang mga ito.

'Huh!" "Tsak" "Ugh! Arkhh"

Mabilis na binunot ni Nick ang kanyang matalas at sa isang wasiwas lang nito ay tigpas ang ulo ng dalawang bantay. Nagulat naman ang ikatlong nakapulang ski mask ng nakatutok na sa leeg niya ang matalas ni Ross. Muling sumasara ang sliding door na salamin kaya dinampot ni Vladimir ang isang bangkay at iniharang sa bukana ng tunnel. Inipit ito ng salamin kaya hindi ito gaanong nasarado.

"Hindi kayo tinablan ng pampatulog?" Tanong ng bantay sa wikang Russo.

"Nalimutan ninyo yata na mga bampira kami at kaya naming hindi huminga kahit na ilang daang taon pa!" Sabi ni Yuri na ikinagulat ng bantay.

"Nasaan si Jansen?" Tanong niya.

"Hindi ko alam!" Pagmamatigas niyang sagot.

"Maghintay lang kayo at paparating na si Igor!" Iniisip niya na naririnig ng apat.

"Hindi mo rin lang sasabihin kung nasaan si Jansen kaya hindi na rin kita kailangan." Sabi ni Yuri at tumango siya kay Ross na nakita ng bantay. Gigilitin na sana ni Ross ang leeg ng bantay ng magsalita ito ng pasigaw pa.

"Nasa Baguio si Jansen at naghahanda sa pagsalakay sa inyo!"

"Kakanta ka rin pala nagmatigas ka pa!" Sabi ni Ross.

Bumukas bigla ang kakaibang pader sa dulo ng tunnel. Lumitaw ang mga mahigit sa dalawangpung banyagang bampira na sumisingasing. Halo sila, mga babae at lalakeng mga bampira. Napalingon sa kanila ang apat na sinamantala ng bantay. Bigla niyang itinulak si Ross sabay takbo palabas ng tunnel pero hindi siya umabot sa salaming pintuan.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon