Part 64 . . ."Lababan ng mga Nilalang ng Kadiliman"

226 14 1
                                    


"Labanan ng mga Nilalang ng Kadiliman"

-------

Gabi ng makarating ang dalawang yate sa isla. Nasa limang kilometro pa lang ang layo nila sa isla nang maghiwalay sila.

"Jansen hindi na ako makikipag kita kay Yuri. Sure ako hindi siya maniniwaka sa sasabihin ko. Ang mabuti pa ay salakayin  na natin sila ngayon habang wala silang alam sa pagdating natin." Mensahe gamit ang isipan ni Vitorio na nasa kabilang yate.

"Sige. Gawin natin ang  plano ko. Tahimik tayong lalapit sa isla para masorpresa sila. Hintayin ang hudyat ko."  tugon ni Jansen.

"Sige!"

Umikot ang isang yate para sa kabila ng isla sasalakay ang mga taong lobo at mga bampirang  alagad ni Vitorio. May dalawang daang metros pa ang layo ng yate ni Jansen ng nagtalunan na sa dagat ang kanyang  mga banyagang mersenaryo. Naka scuba diving suits silang lahat at sisisid sila palapit sa isla.  Mananatili sila sa ilalim ng tubig hanggang sa dumating ang oras na kanilang pinag-usapang pagsalakay sa isla.

Nagpalit ng anyo ang lahat ng mga bampira. Para silang hamog sa malamig na umaga na gumagapang sa ibabaw ng tubig hanggang sa makarating sa dalampasigan.  Kumalat ang hamog na parang puting manipis na usok palibot  sa buong isla. Nasa dalampasigan na ang mga Russong taong lobo na nag-anyong mga malalaking asong lobo. Nakadapa sila sa buhanginan at nagkukubli sa mga malalaking bato. Naghihintay sila ng hudyat ng pagsalakay.  Tahimik ang buong isla. May mga ilaw ang mga cottages. Isang malaking lantsa ang nakadaong sa pribadong pantalan.

"Nasa dalampasigan na sa norte ang mga asong lobo at nasa ilalim pa rin ng tubig ang mga divers, sir." Sabi ng operator ng computer at CCTV cameras kay Don Yuri. Tinitignan nila ang mga monitors na kuha ng mga nakatagong may night vision cameras ang buong isla pati na sa ilalim ng tubig.

"Papa mga bampira ang white mist. Nakapalibot na sila sa isla." Sabi naman ni Vladimir.

"Maintain silence. Nakapuwesto na ba ang grupo ni Kiel?" Sagot ng don.

"Oo Papa. Nasa norte sila sa mga nakabaong mga  kahon." sagot ni Ross

"Good! Activate ang mga land mines sa norte." Sabi ng don. Pinindot ng technician ang pulang pindutan at umilaw ang maliit na ilaw ng mga landmines na may silver pellets.

"Landmines are now active." Sagot ng technicians

Sa mga silid sa ikalawang level ng bunker ay nakahanda na ang mga kapanalig nina Yuri. Nakasuot na sila ng kanilang mga black suits. Hawak na nila ang kanilang mga armas.

Sa kabilang silid ng control room ay tahimik sina Sofia. Kasama nila ang mga katiwalang mga babae ng isla. Nasa isang silid sina Mang Benny at ang mga kasamahan niyang mga katiwalang mga lalake.  Naglalaro sa kama si Arielle. Kasama niya ang dalawang batang babaeng anak ng isang katiwala nila. Nasa silid sila ng kaniyang mga magulang.  Kasama nila si Michelle. Nasa control room naman sina Mira at Nick.

"Tignan natin kung ano ang gagawin nina Jansen. Activate ang mga gatling guns sa mga cottages." Atas ng don.

Pinindot ng technician ang isa pang pulang pindutan. Bumukas ang mga butas na nasa ibabang harapan ng mga cottages at umilaw ang mga 30 cal. na gatling guns. May motion sensors sila  na nakapokus sa labas. Bawat gatling  gun ay may 30,000 rounds na mga balang nasa malaking kahon. Nakatutok ang mga gatling guns sa pantalan at tabing dagat sa harapan ng mga cottages.

"Bulabugin ninyo ang mga divers!" atas ng Don.

"Yes sir!" Nakangiting sagot ng technician. Pinindot niya ang isa pang pulang pindutan. Umilaw ng berde ang mga underwater seamines na nasa ilalim ng dagat. May timers ang mga mina at nagsimulang umandar ang mga timers.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now