Part 46 . . . "Corregidor"

177 13 1
                                    



"Corregidor"


-------

Isang malaking mansion sa Baguio ang nabili ni Gerald Von Hausler na may malawak bakuran. Sinimulan itong ayusin ng isang contactor araw at gabi. Araw at gabi ring salitang minamatyagan mula sa isang mataas na puno ng pine tree nina Vladimir at Ross ang kaganapan sa mansion. Sa likod ng mansion ay may itinayong tatlong villas. Nang matapos ayusin ang mansion ay nagdaratingan ang mga dark tinted na black vans. Bumaba sa mga ito ang mga banyagang may mga dalang mahahabang high powered na baril. Mula sa isang itim na van ay isang mamahaling ataol ang ibinaba at ipinasok sa loob ng mansiyon.

Sa Red Moon Enterprise ay pinipirmahan ni Nick ang ilang mga papeles sa kanyang opisina ng tumunog ang kanyang cp.

"Hello Pa!"

"Nick ipagkatiwala mo na muna ang pamamahala riyan sayong COO. Kailangan kita rito."

"Mahalaga ba talaga Pa?"

"Oo Nick."

"Isasama ko si Mira Pa."

"Huwag muna. Mas manganganib siya rito kaysa riyan."

"Okey Pa. Give me few hours nariyan na ako."

Okey Nick."

Tinawagan ni Nick ang kanyang COO at binilinan. Matapos maka-usap ay bumaba siya sa 4th floor. Pumunta siya sa opisina ni Mira. Tumayo ang sekretarya ng makita siya. Sinenyasan na lang niyang umupo.

" Tell Rona to follow me inside after three minutes." Sabi niya sa sekretarya na agad tumayo upang puntahan si Rona. Tuloy-tuloy na siyang pumasok ng hindi na kumatok pa.

Napatayo si Mira ng pumasok si Nick.

"Mahal, magbakasyon ka muna. Isama mo ang kaibigan mo. Pumunta kayo sa malayong lugar at huwag ninyong sabihin sa iba kundi sa akin lang kung nasaan na kayo roon." Bungad niya na pinagtaka ng dalaga. Lumapit si Mira sa kanya.

"Bakit kailangan kong pumunta sa malayong lugar? Anong problema mahal?"

"Bumalik si Jansen. Hindi kita pwedeng isama sa Baguio at ayokong iwanan kita rito na mag-isa."

"Sasama na lang ako sayo Nick!"

"Ayaw ni Papa mahal. Masyadong mapanganib para sayo sabi ni papa kaya susundin muna natin siya ngayon." Yumakap ang dalaga sa kanya. Hinalikan niya iyo sa mga labi.

"Oppps! Sorry" sabi ni Rona na biglang pumasok sa opisina ng hindi rin kumatok dahil sa pagmamadali. Naghiwalay ang dalawa.

"Rona pack your things. Aalis kayo ni Mira now. Magbakasyon muna kayo kahit sa Hongkong pa."

Tumingin si Rona kay Mira ng may pagtataka ang mukha.

"Sige na bess. Sumunod na lang tayo sa kanya."

"Okey! Kukunin ko muna mga gamit ko." Lumabas si Rona. Bumalik si Mira sa kanyang mesa. Kinuha ang kanyang bag sa ibabaw ng drawer na nasa likuran ng kanyang mesa. Sabay na silang lumabas ng opisina.

"Tell the Assistant Auditor to take over Mira's place." Utos ni Nick sa sekreyarya ni Mira na nagtaka na rin sa bilis ng mga nagaganap sa opisina. Nasa may pintuan na si Rona at hinihintay silang dalawa.

"Bess saan ba tayo pupunta?" bulong ni Rona nang nasa lobby na sila ng building.

"Hindi ko nga rin alam eh. Biglaan na lang ang gusto niyang gawin ko." Dumating ang kotse ni Nick sa tapat ng lobby na hinihintay nilang tatlo. Bumaba ang car boy. Sumakay silang tatlo.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now