Part 34 . . . "Ang Lihim "

167 11 1
                                    


"Ang Lihim"

--------

Baguio, sa loob ng mansion ng mga Ivanoff. Dumating ang mga angkan ni Berong kasama si Kiel. Inaasahan ni Don Yuri Ivanoff na darating sila. Nakapaghanda ang buong pamilya kung may masama mang mangyayari sa kanilang usapan.

" Magandang umaga Don Yuri. " unang bati ni Berong. Walo silang magkakasamang pumasok sa loob ng mansion. Malilikot ang kanilang mga mata. Nasa sala rin ang buong pamilya ni Don Yuri maliban kay Nick.

" Magandang umaga rin Berong. Napasyal kayo ng mga kasamahan mo. Ano ba ang sadya ninyo?" sagot ng Don.

" Siguro naman ay alam mo ang naganap na patayan ng nakaraang gabi. Isa sa mga ankan ko ang napaslang. Matagal na tayo sa ating sinumpaang kapayapaan. Wala kaming ginalaw o pinatay na tao. Kung may kasalanan ang kaanak ko, kami ang magpaparusa sa kanila at hindi ibang nilalang o tao." sabi ni Berong.

" Alam ko na ang sinasabi mong patayan. Pero wala sa pamilya ko ang pumaslang sa kaanak mo. Maaari kayong magtanong o maghanap dito kung gusto ninyo. Bukas ang pamamahay ko at makikipagtulungan ang mga kasambahay ko. " sagot ng don.

Kumalat ang walo kataong kasama ni Berong. Inaamoy nila bawat kasambahay at kapamilya ng don. Pagkatapos ang buong bahay at paligid. Umakyat sila sa itaas at pinasok ang mga silid. Isang silid ang hindi nila mapasok. Ang silid ni Nick. Tinawag nila ang don kung pwedeng buksan ang silid.

" Mga kaibigan, dito sa pamamahay ko ay iginagalang namin ang bawa't isa maging ang kaniya-kaniyang pag-aari. Wala rito ang may ari ng silid na yan. Nasa ibang lugar siya. Matagal na siyang hindi nakakauwi." pagsisinungaling ng don.

" Papaano namin malalaman na wala kayong itinatago sa loob ng silid na yan?" tanong ni Kiel.

" Sige para sa inyo ay pabubuksan ko. Mang Damian. Pakibuksan po ang silid ni Nick. " atas ng don.

Binuksan ng matanda ang pinto. Pumasok sina Kiel. Tumingin sila sa buong paligid. Inaamoy-amoy bawa't sulok. Binuksan ang mga closets, ang banyo at inamoy ang mga kagamitan ni Nick pati toothbrush at shaver. Wala silang nakitang kahina-hinalang amoy. Lumabas sila ng silid. Bumaba silang lahat sa sala.

" Siguro naman Berong satisfied ka na at ng mga kasamahan mo na wala kaming kinalaman sa pagkakapaslang sa kaanak mo." sabi ng don.

" Sa ngayon, oo. Pero kapag nalamam namin na nagsisinungaling kayo ay dadanak ang dugo sa lugar na ito. Magkukulay pula ang buwan. Aalis na kami Don Yuri. "

"Sige Berong. Patnubayan sana kayo ni Satanas ninyo!" sagot ng don.

At umalis na ang angkan ni Berong.

Sa may gate ng mansion ay may isang matanda ang nagdadamo. Nilapitan ito ni Kiel.

" Manong, pahinga na muna kayo. Kanina pa yata kayo riyan. Heto ho, manigarilyo muna kayo. "

Iniabot ni Kiel ang isang kaha ng sigarilyo sa matanda. Kinuha ng matanda. Naglabas ng isang stick at ibinabalik ang kaha kay Kiel.

" Huwag na ho manong. Sa inyo ng lahat yan. Nagkamali ako ng biling brand. Hindi ko ho gusto ang lasa. Maiba ako, nasaan na ho ba ang kababata kong si Nick. Gusto ko ho sanang makita at mabati man lang. " pagsisinungaling ni Kiel.

" Ay naku amang. Naka-alis na noong nagdaang Lunes. Nagmamadali pa nga." sagot ng matanda.

" Ganoon po ba.? Saan naman po siya pumunta? Para naman mapasyalan ko?"

" Sa Maynila amang. Pero hindi ko alam kung saan doon. Hindi ko pa nakikita ang Maynila kasi sapol pa ng bata ako." sagot ng matanda.

"O sige po. Salamat na lang. Tutuloy na ho kami." lumakad na sila.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon