Part 54 . . . "Morfori"

184 15 1
                                    

"Morfori"

--------

Tahimik na naglalakad si Nicolo sa pasilyo ng isang malaking hotel sa Milan. Nilalaro ng kaniyang mga daliri ang susi ng kanyang suite. Masaya ang pakiramdam niya at iniisip na makakatikim na rin siya ng sariwang dugo ng tao na matagal na niyang inaasam. Iniisip niyang nanawa na siya sa dugo ng mga hayop. Pagsapit niya sa pintuan ng kanyang suite ay hindi muna ipinihit ang susi sa susian. May naamoy siyang kakaiba sa loob. Hindi niya mabasa ang isipan ng nasa loob. Sumingasing siya at pumula ang mga mata. Lumabas ang kanyang mga pangil. Ipinihit niya ang susi at biglang binuksan ang pinto saka mabilis na sumugod sa loob. Bigla siyang huminto at umurong ang kanyang mga pangil.

"Kumusta ka na Nicolo!"

"Nick! Kailan ka pa dumating?" Nasa harapan niya si Nick na nakatayo at katabi ang isang babaeng nakatingin sa nakabukas na pinto ng suite. Kusang sumara naman ang pintuan at naglock ang susian.

"Kahapon pa Nicolo. Bakit ka naririto sa Milan. Kumusta ang Paris?"

"May inaasikaso ako rito sa Milan tungkol sa negosyo natin sa Paris." Tugon niya at isinara niya ang kanyang isipan dahil alam niyang mababasa ni Nick ang kanyang iisipin.

"Nagsisinungaling ka Nicolo. Paprangkahin na kita. Ayoko ng paligoy-ligoy pa. Bakit ka sumapi kina Stefano at Vitorio?

"Nick dati naman tayong kasapi nila at isa si Yuri sa ating mga pinuno."

"Nicolo alam mo ang tinutukoy ko. Alam na namin ni Papa na binago na ang mga batas ng kapatiran at itinuring kaming kaaway nina Stefano at Vitorio. Sino pa ang mga kasama mong naging mga hudas."

Umatras si Nicolo. Nakikita niyang nagbabago ang anyo ni Nick. Hindi niya pinapansin ang babae na nakatingin sa kanya ng kakaiba.

"Wala akong alam sa sinasabi mo Nick! URGHHHHH!"

Biglang sumakit ng matindi ang kanyang ulo. Muli siyang napatingin sa babae na naging kulay berde ang mga matang nakatitig sa kanya. Yumuko siya upang umiwas sa titig ng babae. Biglang dumilim at  nakikita niya mismo sa kanyang isipan ang mukha ng babae. Lumalaki ito at nilalamon siya ng buong-buo.

"Ayaw mong magtapat ipakikita ko sayo ang iyong nakaraan." Ang sabi ng babae.

Nagflash back sa isipan niya ang kanyang nakaraan mula ng siya ay isilang, lumaki at nang maging bampira. Nagpapasalamat siya kina Yuri sa pagligtas sa kanya sa kamatayan at nangakong gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa pagtulong sa mga tao at pagpuksa sa mga masasamang bampira at taong lobo. Patuloy ang mabilis na flashback ng kanyang nakaraan hanggang sa himukin siya ng isa sa mga alagad ni Vitorio at pumayag siyang  sumanib sa kanila. Pinuntahan niya ang iba niyang mga kapanalig at hinimok. Pumayag din sila. Nagkaroon sila ng  pagpupulong. Mahigit silang limampung mga bampira na ipinapakita ang bawat mukhang kaharap niya.  Dumating si Vitorio. Pinangakuan sila ng kakaibang lakas at kapangyarihan dahil sa pagpanig nila kina Stefano at Vitorio. Nagbunyi sila sa tuwa. Sumama siya sa mga alagad ni Vitorio at dinukot nila ang ilang mga palaboy sa mga tunnels. Dinala sa bulwagan at nagsaya ang mga bampirang kasamahan niya sa pagpatay sa mga inosenteng palaboy. Dalawang birheng babae ang kinakagat nina Stefano at Vitorio. Pero hindi siya sumali dahil gusto pa niyang makapaglakad sa ilalim ng  liwanag ng araw.  Ang huling flash back ay nasa loob siya ng bulwagan sa ilalim ng lupa at kausap ang dalawang pinuno. Nawala ang pangitain. Bumalik ang sarili niyang isipan.

Tumingala siya at nakita niyang magkahawak ng kamay sina Nick at ang babae.

"Hindi na kita kailangan pang tanungin Nicolo. Nakita ko na kung sino-sino ang mga kasama mong mga hudas. Binigyan kita ng pagkakataong magtapat at magbago. Pinili mo pa rin  ang saglit na ligayang dulot ng dugo ng mga inosenteng tao."

Red Moon (Complete)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ