Part 40 . . . "Kiel"

157 11 1
                                    

"Kiel"

----------

Madilim ang gabi. May kaliitan  lang ang bagong buwan. Makapal ang ambon sa gubat na nahahawi sa mabilis na takbo ni Verna. Kailangang maka-uwi siya kaagad para maibalita kay Jansen ang sinapit ni Nirvana. Aninag niya ang dadaanan kahit pusikit ang kadiliman. May napansin siyang hugis taong papalapit sa kanya. Nabuhayan siya ng loob. Si Igor! Nagtagpo sila sa madawag na gubat. Yumakap agad siya sa higante.

" Igor! Igor! Wala na si Nirvana!" aniya.

" ANO? Anong nangyari sa kanya? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ng higante.

" Nagpunta kami sa mansion. Magmamatyag lang sana pero may nakitang tao si Nirvana sa loob. Gusto niyang dukutin namin at iregalo kay Jansen. Nagkamali kami! Alam nila ang pagpasok namin sa mansion. Lumaban kami. Napatay si Nirvana nung Nick. Pinakawalan nila ako para iparating kay Jansen ang mensahe nila! " kwento ni Verna.

" Magagalit tiyak si Jansen. Tara na! " tumakbo na sila. Ilang minuto pa ay nasa guhong gusali na sila.

Naghihintay sa harap si Jansen. Bakas sa mukha ang galit at pagtataka kung bakit hindi nila kasama si Nirvana. Nang makalapit na si Verna ay sinabi niya ang nangyari sa kanila, ang pagpatay ni Nick kay Nirvana at ang mensahe ni Don Yuri.

" AHHHHHHH! NIRVANA! NIRVANA! Mahal ko! AHHHHHH!"Sinampal niya si Verna dahil sa galit niya. Bumagsak ito sa lupa. Lalapitan pa sana pero humarang ang higante.

" Jansen! Tama na! Wala na tayong magagawa. Patay na siya. Gaganti na lang tayo. Sugurin na natin sila ngayon din. Tiyak ako hindi sila nakahanda! " sabi ng higante.

" Ahhhh! Igor! Talagang wala kang isip! Ilang oras na lang ay magbubukang liwayway na. Hindi makakakilos ang ating mga alagad kapag may araw na! Ilang araw mula ngayon ay bilog na ang buwan at magiging malalakas ang mga alagad ko. Nirvana, mahal ko gaganti ako para sayo. Dalawa na ang kasalanan mo sa akin ni Nick! " sabi ni Jansen.

"Igor bumalik kayo sa yate ni Verna ngayon din. Tawagan mo lahat ang mga tauhan natin sa Europa. Maghanda sila at pumunta dito sa yate.

" Masusunod Jansen?" Lumabas sila ng gusali ni Verna at sumakay sa close van.

Nasa roof deck si Jansen. Niladlad niya ang kanyang pakpak.

" Nirvana! Ipaghihiganti kita! Papatayin ko silang lahat. Ipapalasap ko sa kanila ang pinakamasakit na paghihiganti ko!" Sigaw niya at lumipad siya ng mataas.

Wala silang kaalam-alam sa hindi kalayuan sa itaas ng puno ng pine tree ay nakakubli sina Ross at Vladimir. Alam na nila kung saan nagtatago sina Jansen. Marahan silang umalis.

****

Kinabukasan ay maagang ginising ni Nick si Mira sa kanyang silid. Luluwas muna sila ng Maynila. Ngayong alam na ng pamilya ang banta sa kanila at kung sino ang kalaban ay maghahanda na sila ng husto. Kailangang ilayo muna niya si Mira ng walang kaalam-alam sa gagawin ng kanilang angkan. Kaligtasan ng mahal niya ang kanyang  nasa isip. Pumayag ang dalaga. Lumuwas sila at inihatid niya sa apartment ang dalaga. Dahil araw na ng linggo ay nasa apartment na rin si Rona.

" Hoy best! Nag honeymoon kayo ni White? " salubong bati ng kaibigan. Hindi niya napansin na kasunod ni Mira si Nick sa pagpasok.

" Ay! Kasama mo pala! Sorrreey! SIR!" niyakap niya ang best na mukhang hapo. Naupo sila sa sala.

" Mahal ko. Hindi na ako magtatagal. Tatawagan na lang kita mamaya."

" Sige mahal ko. Mag ingat ka ho!"

"Oo mahal ko. Para sayo ay mag-iingat ako lagi. Ingatan mo rin ang sarili mo."

" Opo. Hindi mo na kailangang sabihin pa! " tumayo silang dalawa.

Nagyakapan at ginawaran ng halik sa mga labi ang dalaga ni Nick.

Napapikit si Rona sa nakikita. Inihatid nila ang binata sa gate. Hinintay na makaalis ito bago sila pumasok. Nang wala na ang kotse ng binata ay kinurot ni Rona sa baywang ang best niya.

" Ay! Bakit best" sigaw ni Mira.

" Best, ang tindi mo pala! Kailan mo lang nabingwit, honeymoon na agad. Hi hi hi !"

" Best, wala pong honeymoon na naganap. Hindi pwede sa akin iyun. Kasal muna bago nya matikman si Ligaya! Hi hi hi! " bigla siyang natigilan sa pagtawa.

" Oo nga pala ano? Paano hga ba kami magpapakasal ng mahal ko sa simbahan e halimaw siya. Bahala na!" sa isip ni Mira.

Papasok na sila sa apartment nang lumabas si Kiel.

" Mga beauty kong kapit-apartment, kumusta na kayo? May dala akong mamemeryanda natin. Baka pwedeng lumipat ako." sabi ni Kiel.

" Makakain ba gwapo? Halika ka para naman may mabingwit ako, ehe! May makausap akong matino pala! " sagot ni Rona.

Dagling lumipat si Kiel. Tuwang-tuwa sa pagkakataon. Pumasok ang tatlo sa loob. Bitbit ni Kiel ang mga kakanin. Sa sala sila naupo. Naamoy ni Kiel ang mga bakas na naiwan ni Nick.

" Naparito ka pala hayop ka. Magkikita pa rin tayo. Ang maganda mong kaibigan muna ang uunahin ko. Ahhhhh! Kakaiba ang iyong amoy!" Sa isip ni Kiel.

" Ano ba yan pogi? Wala bang pantulak man lang? Sige na nga. Kape gusto mo? "

" Pasensiya na at nasira ang ref namin kaya hindi kami nakakabili ng pang tulak. Pwede na rin ang kape. Walang gatas, black ang sa akin. " sagot ni Kiel.

" Sige maiwan ko na muna kayo ni Mira. hoy best! Kumibo ka naman! Kanina ka pa nanahimik diyan! " bulyaw ni Rona.

" Ha! Wala lang. Pagod ako kasi sa biyahe!" aniya.

Tumayo si Rona para magtimpla ng kape. Wala ang kasambahay nila. Day off niya tuwing Sunday.

" Kumusta ka na Mira.? Kararating mo pa lang yata. Saan ba kayo galing ni Kano? " tanong ni Kiel na kunwari ay hindi niya alam. Natawagan na siya ni Berong na nakita na si Nick umuwi sa mansion na may kasamang babae.

" Ha! Wala. Namasyal lang kami sa Olongapo." pagsisinungaling niya.

" Boyfriend mo na ba siya?"

" Ha? Oo! "

" Parang wala ka yata sa sarili Mira!"

" Pasensiya ka na. Pagod lang talaga ako. Maiwan ko na muna kayo ni Rona. Magpapahinga na muna ako." tumayo si Mira.

Umakyat sa itaas at pumasok na sa silid niya. Naiwan si Kiel na inis na inis. Pumasok si Rona na may dalang tray.

" O, nasaan na ang best ko? Tanong niya kay Kiel."

" Ewan ko! Bigla na lang umakyat. Aalis na rin ako. May lakad nga pala ako. Sige! Sori sa abala!" tumayo siya sabay labas sa apartment, bubulong-bulong.

" Ano ba namang mga taong ito. Nilayasan ako. Paano itong mga kape. Sayang naman, kamahal pa naman! Ako na nga lang ang uubos " naupo si Rona. Kinuha ang pocket book na kabibili pa lang niya.

" Mga Gintong Pahina ng Pag-ibig. Pahina 3 : Wooden Ring. " ang title ng book. Umupo siya sa sofa at nagsimulang magbasa.

Sa labas ay inaamoy ni Kiel ang hangin. Naiwan pa rin ang bakas ni Nick. Naglakad siya. Pagdating sa labasan ay nag-abang siya ng taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa Makati, sa gusali ng Red Moon Enterprise ang kompanya nina Nick.

Bumaba siya sa kabilang kalsada sa tapat ng gusali. Tinignan niya ang lobby. Sarado ang malaking pintuang salamin. May security guard sa harap. Tumingala siya. Matayog ang gusali pero kaya niyang akyatin.

"Dito ka pala nagtatago. Bilang na ang mga sandali mo Nick! Hark! Hark! Hark!" Sa isip niya.

Naglakad siya at pumasok sa isang park na maraming puno. Maraming tao ang namamasyal. Nagpapalamig sila dahil sa kainitan ng panahon. Mahangin sa park. Umupo siya sa isang sementong bench. Maghihintay siya ng pagdilim. May masama siyang balak laban kay Nick.

**********

Red Moon (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant