Part 11 . . . Bampirang Makadiyos

194 12 1
                                    

"Bampirang Makadiyos"

------------

Nakarating si Yuri sa kaparangan na nasa pagitan ng dalawang bundok. Malalago ang damuhan na namumulaklak na at nagbibigay kulay sa kapaligiran. Natatanaw na niya ang kanilang dampa ni Sofia. Malamig na ang simoy ng hangin tanda ng papalapit na taglamig.

Bumaba siya sa kabayo. Tinanggal niya ang renda ng kabayo at kanyang pinakawalan. Malayang tumakbo ito patungo sa ilang kabayong nangangain ng mga damo malapit sa kanilang dampa.

Pumitas si Yuri ng mga bulaklak na iba't ibang kulay. Nanggagaling ang simoy ng hangin mula sa dampa kaya tiwala siyang hindi siya maamoy ni Sofia.

Nakikita niya ang kanyang mahal na nakatalikod sa kanya at nagpapakain ng mga alagang usa. Marahan ang kanyang paghakbang. Walang ingay o kaluskos. Ilang hakbang na lang at nasa likuran na siya ni Sofia.

"Hihihi! Kailangan mo pa ba akong sorpresahin Yuri mahal ko?"

"Ha? Alam mong narito na ako? Paano?" Laking gulat niya.

Humarap si Sofia sa kanya.

"Kanina lang! Naramdaman ko at narinig ang tibok na iyong puso mahal ko. Kaya alam kong nasa malapit ka na!"

"Oh Sofia, aking mahal! Kakaiba ang iyong kapangyarihan." Niyakap niya ang dalaga.

Pumasok sila sa dampa at humiga sila sa isang papag na nilatagan ng makakapal na balat ng tupa.

"Magpahinga ka na muna aking Yuri. Pagal pa ang iyong katawan. Nabasa ko kanina sayong isipan kung anong ginawa mo sa mga angkan ni Boris. Nakatakas pala siya."

"Oo, nakaligtas siya sa ating paghihiganti pero makikita pa rin natin siya ngayon alam na natin kung saan siya nagtago. Magpapalipas muna tayo rito ng ilang linggo at pupunta tayo sa siyudad ng Vladivostok. Malapit na ang pagbagsak ng niyebe magiging napakalamig na ang lugar na ito para sa atin."

"Hindi ka ba nagsisisi mahal at ginawa kitang bampira?" Humarap siya kay Sofia.

"Hindi at wala akong pagsisihan pa. Basta't kasama kita aking Yuri hanggang sa walang hanggan!"

"Oo mahal. Hanggang sa walang hanggan ay makakapiling mo rin ako!" At hinalikan niya ang asawa.

******

Sumapit ang taglamig. Halos nababalutan ng makapal na niyebe ang buong Rusya maging ang mga karatig na bansa sa buong Europa.

Vladivostok, isang progresong syudad na nasa malapit sa hangganan ng Rusya at Ukraine. Mahigit sa limang daang libong mamamayan ang naninirahan na pinaghalong mayayaman at pinakamahirap. Sentro ng kalakalan sa timog ng Rusya dahil sa malawak na ilog Kiev.

Maraming mangangalakal ang dumadagsa sa syudad. Araw-araw ay may mga barkong dumadaong sa pantalan sa ilog. Kahit taglamig ay patuloy ang datingan ng mga barko na galing pa sa ibang bahagi ng Rusya at Europa.

***

Sa tapat ng isang mansiyon na may malawak na lupain sampung milya mula sa siyudad ay huminto ang isang malaking karosa.

Bumaba si Yuri at nilapitan siya ng isang katiwala.

"Magandang hapon po Ginoong Yuri. Ako ho si Ivan nangangasiwa rito sa bago ninyong biling manor." Bati ng katiwala habang sinasabayan niya sa paglalakad si Yuri.

"Magandang hapon din Ivan. Sino-sino ba ang mga kasamahan mo rito?"

Sagot niya at binuksan ng katiwala ang pintuan sa likod ng karosa. Bumaba si Sofia na inalalayan ni Yuri.

"Ivan, ito si Sofia ang aking asawa."

"Magandang hapon po madam. Ginoo, kasama ko po ang aking asawa na nasa loob ng mansiyon at apat na tauhan kasama ang kanilang mga pamilya dito ho sa manor. Wala ho kaming anak na mag-asawa. May maliliit po kaming mga bahay sa likuran ng mansiyon. Kung gusto ninyo ay tatawagin ko silang lahat para makilala ninyo."

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now