Part 22 . . . Pagtatagpo ng Dalawang Puso

170 11 1
                                    

"Pagtatagpo ng Dalawang Puso"

-------

Lihim na sinusundan ni Nick ang dalawang alagad ni Malec. Habang sa mga eskinita dumadaan ang dalawa ay sa itaas naman siya ng mga gusali. Patalon-talön siya sa mga bubong. Pagdating sa kapatagan ay naghintay muna siya na makalayo ang dalawa bago siya sumunod. Sa gubat sa itaas ng mga puno siya nagpalipat-lipat. Nang tumigil na ang dalawa ay tumigil na rin siya. Nakita niya ang kampong sinabi ng dalawa. Mataas pa ang araw kaya halos hindi siya kumikilos na nakatayo sa isang sanga.

May batis sa tabi ng kampo. Nakikita niyang umiigib ang mga mandirigma sa batis. Pinagmamasdan niya ang mga ginagawa ng mga mandirigma sa loob ng kampo. Maya't maya ay may nakikita siyang mga babaeng lumalabas na naglalaba sa ilog na binabantayan ng ilang mga mandirigma. Nagtiis siya sa paghihintay hanggang sa lumabas ang isang babae sa malaking pintuan ng mataas na bakod at kasunod ang tatlong mandirigma. Pumunta ang babae sa batis. Binaybay niya ang batis. Lumusong. Maliligo. Nakatayo sa hindi kalayuan ang tatlong mandirigma. Napansin ni Nick na tumayo ang dalawang alagad ni Malec.

Gumagapang ang dalawa papunta sa batis. Bumaba sa puno si Nick. Inamoy ang hangin. Sumunod siya ng pagapang din. Lumusong ang dalawa. Lumalapit sila sa dalaga. Hindi na nag-aksaya ng oras si Nick tumakbo na siya. Nakita ng dalaga ang dalawang alagad ni Malec na papalapit sa kanya at ang isang lalaking tumatakbo na papalapit naman sa dalawa. Nabigla rin ang tatlong mandirigma pero may kalayuan sila kay Arianna. Naabutan ni Nick ang dalawang alagad bago pa man sila makalapit ng husto kay Arianna. Sumalubong ang dalawa kay Nick na nakataas ang kanilang mga matatalas. Tumaga ang una. Yumuko si Nick at lumampas ang matalas sa uluhan niya. Mintis. Sinakyod ni Nick sa tiyan. Tumusok ang matalas niya. Lumusot ito sa likod ng alagad. Hindi binunot ni Nick nilaslas niya ng matalas. Nahati ang katawan ng alagad.

" Aaaarrgghhh!" patay na bumagsak sa tubig na hanggang tuhod ang alagad.

Tumaga ang isa. Sinangga ni Nick ng matalas niya. Pinadausdos niya ang matalas na ang puluhan ang tumama sa ilong ng alagad. Sabog ang ilong. Bumulwak ang dugo. Muling tumaga ang alagad. Umilag si Nick ng patagilid sabay ikot niya at nakatayo na siya sa likuran ng alagad. Sinipa niya ito sa likod. Subsob ang alagad sa tubig. Nabitiwan ang hawak na matalas. Nilapitan ni Nick. Tinapakan niya ang likurang ulo ng alagad. Lumubog sa tubig ang ulo. Diniin ni Nick ang pagkakatapak. Nagwawala ang alagad. Hindi makahinga at nang hihina na. Dinakma ni Nick ang damit sa may batok. Inangat niya ito sabay pinukpok ng puluhan ng matalas niya ang likurang ulo. Tulog ang alagad. Hinila niya ito hanggang sa pampang ng batis.

Naglabasan sa kampo ang maraming mandirigma kasunod ang Duke. Nakatayo pa rin sa pampang si Arianna. Nakita niyang lahat ang ginawa ng lalaking nagligtas sa kanya. Nilapitan si Arianna ng Duke.

" Arianna, nasaktan ka ba?"

" Hindi po ama. Nailigtas ako ng lalaking iyan." Itinuro ni Arianna si Nick na hila-hila pa ang tulog na alagad ni Malec.

Lumapit ang ilang mandirigma kay Nick. Dinampot nila ang tulog na alagad at binuhat. Dinala papasok sa kampo. Nilapitan ng Duke si Nick. Nakita ng Duke na kakaiba ang hawak na matalas ng binata. Mahabang makitid lamang at nangingitab.

" Maraming salamat ginoo sa pagkakaligtas mo sa aking anak. Ako si Duke Charles Croft ng Britanya." Iniabot ng Duke ang kanyang kamay sa binata. Kinamayan ni Nick.

" Wala hong ano man. Ako ho si Nicholai Ivanoff."

" Halika sa loob Nicholai. Gusto kong pasalamatan ka sa ibang paraan. Siya si Arianna, ang aking anak na dalaga. " sabi ng Duke.

" Ikinagagalak kitang makilala Arianna!" bati ng binata.

" Maraming salamat sayo Nicholai" Tinanggap ng dalaga ang nakaabot na kamay ng binata at kinamayan niya.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now