Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"

211 13 1
                                    

"Limang Espirito ni Arielle"

---------

Patihayang bumagsak sa lupa si Jansen. Hindi niya sukat akalain na malakas ang pwersa ng bata. Tumayo siya. May mga butas ang kanyang mga pakpak. Marahan niyang ikinampay at umangat siyang muli sa lupa. Napahiya siya sa kanyang mga alagad. Namuo ang matinding galit sa kanyang dibdib. Iba na ang kanyang tingin sa bata. Nakatalikod sa kanya si Arielle at kinaka-usap sina Yuri. Sinamantala niya ang pagkakalingat ng bata. Nagpakawala siya ng matinding pwersang sisira sa kaisipan ng bata.

"Lolo, mommy, daddy hindi na niya kayo magagalaw." Sabi niya at huminto ang pagdurugo sa ilong ng tatlo.

"Arielle anak. Hindi ka dapat pumarito. Masyadong delikado para sayo." sabi ni Nick.

"Oo nga apo. Kung kami nga ay nahirapan pero maraming salamat sayo!" sabi ni Yuri. Ngayon lang siya parang  umamin na malakas si Jansen kaysa sa kanya.

"Papa, mahal. Magtiwala lang kayo kay Arielle." sabi ni Mira. Yumakap ang bata sa kanilang tatlo.

"Lolo umatras muna kayo." sabi ni Arielle saka siya humarap kay Jansen na masama ang pagkakatitig sa kanya.

"Huh! Walang nangyari sa kanya. Parang hindi man lang niya naramdaman ang pwersa kong pinakawalan." Iniisip ni Jansen. Humarap na sa kanya ang bata.

"Bakit ka nagtataka? Ikaw pala si Jansen. Traydor ka pa lang kalaban." sagot ni Arielle sa isipan ni Jansen at narinig nina Mira.

"Alam mo ang ginawa ko?" tugon ni Jansen.

"Oo! Iniisip mo pa lang ang iyong gagawin ay alam ko na kaya hinarangan ko kahit hindi kita kaharap."

"Sino ka?"

"Hindi na mahalaga kung sino ako para malaman mo dahil ayoko sa isang katulad mo!"

"Para kang si Yuri kung magsalita. May kayabangan ka rin kay bata mo pa. Hindi ako nagpalakas para magpatalo lang sa isang katulad mo. Ngayon ay hindi na ako magpipigil ng aking lakas. Ibubuhos ko ng lahat sayo!" Sabi ni Jansen.

Pinalakas  niya ang pagkampay ng kanyang mga pakpak ng hindi umaalis sa kanyang lugar. Lumakas ang hangin na tumatama sa bata. Pumula ang mga buhok ni Arielle. Umangat siya sa lupa at lumalapit kay Jansen. Pumulang muli  na ang kanyang mga berdeng  mata.

Nanonood sina Yuri. Humanga siya sa kanyang apo. Tinitignan niya ang mga alagad ni Jansen at ang mga Russong asong lobo.  Baka traydurin nila ang kanyang apo na siyang iniisip rin nina Mira at Nick. Nakahanda silang tatlo.

Umatake na si Jansen. Nagpakawala siya ng mga sunod-sunod na pwersa. Parang mga bolang hangin na umiikot. Pero sumasabog lang ang mga ito sa harapan ng bata. Parang may isang malaking salamin na nakaharang sa harapan ni Arielle.

Gumawa ng dalawang bolang apoy si Jansen. Pinalaki niya na kasing laki ng mga lobo. Ibinato niya ng sabay kay Arielle. Tumama ang dalawang apoy sa bata at sumabog. Kinain ng dalawang bolang apoy na nagsanib si Arielle.

"ARIELLE!"  sigaw ni Yuri.

Napangiti si Jansen habang naglalagablab ang isang malaking bolang apoy. Nasa loob nito ang bata.

Nanlaki ang mga mata ni Jansen sa kanyang nakikita. Lumalabas sa malaking bolang apoy si Arielle. Naglalaro sa malakas na hangin  ang buhok ng bata. Walang nasunog kahit  man lang ang damit nito.

Sumugod si Jansen. Pina-una niya ang kanyang buntot na matulis ang dulo. Gusto niyang tuhugin ang dibdib ng bata. Biglang nawala sa harapan niya si Arielle. Lumipad na lang ng paitaas si Jansen. Tumitingin siya sa ibaba. Hindi niya makita ang bata kung saan nagpunta. Umiikot siya sa itaas.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now