Part 33 . . . "Tagisan ng Lakas"

160 12 1
                                    

"Tagisan ng Lakas"

--------

Walang kamalay-malay si Mira sa nangyayari sa balkonahe. Himbing na himbing siya sa pagtulog.

Nakatayo ang taong lobo sa tapat ng pinto. Sumisingasing ito. Handa na na siya para buwagin ang pinto. Muli siyang tumingala sa langit.

"Awwoooo!"

Nang akmang susugod na ay may mga malalakas na kamay ang pumigil sa kanya. Dinakma siya sa balikat at binuhat. Inihagis siya sa ibaba kasunod ng pagtalon ng nandakma sa kanya. Bumagsak ang halimaw sa lupa na una ang dalawang paa at lumapag naman sa tabi niya ang lalaking nanlilisik rin ang mga mata.

Sumisingasing rin ang lalaki at nakalabas ang mga pangil. Sinuntok ng lalaki ang halimaw sa mukha. Napangiwi ito sa lakas ng suntok. Pero malakas ang halimaw. Mataas ito. Mahigit na 6 na piye ang tangkad. Binigwasan niya ang lalaki at tinamaan ito sa dibdib. Tumalsik ang lalaki pero nakatayo pa rin. Lalong nanlisik ang mga mata ng taong lobo. Bumuka ang bibig at umungol. Lumabas ang kanyang mga malalaki at matutulis na pangil.

Tinignan niya ang lalaki at tumalon. Nadakma niya ito sa balikat. Bumaon ang mga kuko ng halimaw sa laman. Napa-ungol ang lalaki sa sakit na naramdaman pero hindi siya natinag sa pagkakatayo. Hinawakan ng lalaki ang kamay na nakadakma sa balikat niya. Pinilipit ito. Nanlisik na rin ang mga mata ng lalaki. Kakaiba rin ang lakas niya. Bumulwak ang dugo mula sa sugat sa balikat ng lalaki ng mabunot ang mga kuko ng halimaw. Nagpambuno sila. Kapwa sila sumisingasing. Labas ang kanilang mga pangil. Higit na malalaki at mahahaba ang mga pangil ng taong lobo. Mukha itong asong ulol na naglalaway. Muling sinuntok ng lalaki ang halimaw.

"Arggh!"

Sapol sa panga at napa-atras ito. Dahil sa kanilang labanan ay nagtatahulan na ang mga aso. Kumapal ang malamig na ambon. Mainit ang away ng dalawang halimaw. Muling tumalon ang taong lobo at nadakma ang lalaki. Sinakmal ng mga kamay niya ang magkabilang balikat ng lalaki. Muling bumaon ang kanyang mga mahahaba at matutulis na kuko.

" Arrghhh"

Naramdaman ng lalaki ang mga sugat pero hindi siya nawawalan ng lakas ng loob para lumaban sa higit na malaki sa kaniyang taong lobo. Bumuka ang bibig ng halimaw para kagatin ang leeg ng lalaki habang pinagmamasdan ng mga nanlilisik niyang mga mata ang mukha ng lalake.

Nahawakan ng lalake ang magkabilang bibig ng halimaw. Lalong ibinaon ng halimaw ang kanyang mga kuko. Umaatungal ito.

Nagtahulan ang mga aso sa mga karatig na kabahayan. Humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa magkabilang panga ng taong lobo. Ibinubuka niya ang bibig ng halimaw kahit nakabaon sa magkabilang balikat niya ang mga kuko ng halimaw. Nagpapambuno sila. Pilit na inilalapit ng halimaw ang kanyang bibig sa leeg ng lalake. Papalapit ng papalapit.

Nag-ipon ng lakas ang lalaki. Pilit na ibinubuka ang bibig ng halimaw na isang piye na lang ang layo sa kanyang leeg. Sumigaw ang lalake kasabay ng pagbuka niya sa bibig ng halimaw.

" Ahyeeeiii!"

"Arkkkhhh"

Napirat ang balat sa magkabilang bibig ng taong lobo. Palaki ng palaki. Umatungal ang halimaw sa sakit.

"Gwwaarrrrkkk!"

Bumulwak ang dugo at papalaki ang pirat. Hanggang sa naibuka ng husto ng lalaki ang bibig ng halimaw. Napunit ang mga laman. Naputol ang mga ugat. Natanggal ang buong panga ng halimaw at lumaylay ang mga kamay. Binitawan ng halimaw ang lalaki. Umagos ang dugo mula sa nawarak na bibig ng halimaw. Naging mahinang ungol na lamang ang lumabas sa kanyang bibig. Napaluhod ito sa lupa.

Hinawakan ng lalaki ang ulo ng halimaw. Pinilipit niya ito ng dalawang beses pakaliwa at pakanang ikot. Lumagutok ang mga buto sa leeg ng halimaw. Biglang hinila ng lalaki ang ulo. Napirat ang balat at sumama ang mga laman. Naputol ang leeg at natanggal ang ulo ng halimaw. Bumulwak ang dugo mula sa katawan ng taong lobo. Nakadilat pa rin ang mga nag-aalab niyang mga mata. Sumigaw ang lalaki ng malakas.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now