Part 50 . . . "Ensayo"

173 12 1
                                    

"ENSAYO"

-------

Unang gabi ng dalawa sa isla. Sa masasarap na pagkain na nakahain sa hapag kainan ay parang walang ganang kumain si Mira. Alam ito ni Nick dahil ganito rin siya noon. Patikim tikim lang ang dalaga sa bawat putahe at tumitigl na. Napapangiti lang si Nick.

"Bakit ganyan kang makangiti mahal! Hindi pa naman ako naglilihi ah!" Sabi niya na medyo sumimangot pa.

"Ha ha ha! Sorry! Teka lang!" Tumayo si Nick at pumasok sa kusina. Pagbalik ay may dalang tray na may dalawang bote. Kinuha niya ang dalawang bote sa loob ng palamigan. Umupo siya sa tabi ni Mira at binuksan ang takip ng isang bote. Ibinuhos niya ang laman sa baso ng dalaga na kumislap ang mga mata ng makitang pulang dugo.

Kinuha niya kaagad ang baso ng mapuno at nilagok ang laman na parang uhaw na uhaw. Said ang laman ng baso. Muling nilagyan ni Nick at muling mabilis na nasaid ang laman. Naubos ni Mira ang laman ng dalawang bote at parang gusto pa.

"Tama na muna yan mahal. Bukas naman. Mauubusan tayo ng stocks kung ganyan ka kalakas uminom. Ha ha ha!"

Kinurot siya ng dalaga. Sabay na silang tumayo at lumabas sa balkobahe ng cottage. Umupo sila sa isang mahabang sofa na nakaharap sa dagat. Umakbay si Nick kay Mira. Pinagmamasdan nila ang laot na sa dulo ay ang maliwanag na bilog na buwan at ang larawan nito ay nasa ibabaw ng dagat at nilalaro ng mga alon.

"Ngayon ko lang nakikita ang kagandahan ng buwan mahal. Para siyang nagbibigay sa akin ng ibayong lakas. " Bulong ni Mira.

"Hindi ko alam kung ano ang sikreto ng buwan. Pero tama ka mahal ko. Nagbibigay siya sa atin ng kakaibang lakas lalo na kapag kabilugan niya."

"Mahal ikwento mo sa akin kung sino si Arianna." Tumingala siya kay Nick na tumingin din sa kanya.

"Si Arianna ang kauna-unahang babaeng minahal ko. Wala kayong pinag-kaibang dalawa. Para kayong kambal. Kung anong bango ang naamoy ko ngayon sayo ay siya ring bangong naamoy ko sa kanya noon. Kayo lang dalawa ang may taglay ng ganyang bango." Sabi ni Nick at nagkwento na siya mula ng makilala niya si Arianna hanggang sa kamatayan nito.

"Napakaswerte naman niya mahal ko. Hindi kaya siya at ako ay iisa?"

'Sana nga aking Mira. Kung minahal ko noon si Arianna na aking nakaraan ay lalo naman kitang pakamamahalin ngayon na aking pangkasalukuyan. Hindi na si Arianna ang nakikita ko sayo kung hindi ikaw na aking Mira." At hinalikan niya sa mga labi ang dalaga.

"Alam mo bang noong hindi pa tayo magkakilala ay madalas akong managinip? Na ako raw ay nabuhay noong unang panahon at nakita na kita. Kaya nang makilala kita ay naramdaman kong parang matagal na tayong magkakilala." Sabi niya kay Nick.

"Ako man aking mahal. Noong unang makita kita ay naramdaman ko na kaagad na ikaw na nga ang matagal ko ng hinihintay."

"Gusto ko siyang makita mahal. Papayagan mo ba akong pumasok sa isipan mo?"

"Sige aking Mira. Gawin mo!"

Pumikit ang dalaga at nagsisimulang mabuo sa isipan niya ang mga nakaraan sa buhay ni Nick. Pinagmamasdan siya ni Nick. Humawak si Mira sa kamay ni Nick. Nagulat si Nick ng may naramdamang may nabubuo rin sa kanyang isipan at napapikit siya. Pareho nilang nakikita ang mga nakaraan ni Nick.

Nang matapos ay sabay silang dumilat.

"May pulang nunal si Arianna sa tapat ng kanyang puso."sabi ni Mira. Binuksan niya ang kanyang damit sa harapan at ipinakita kay Nick kung ano ang nasa tapat ng kanyang puso. Isang pulang nunal na kapareho ng kay Arianna.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon