Part 20 . . . Nicholai

191 11 1
                                    


"Nicholai"

------

Naubos ng pamilya Ivanoff ang mga bampira sa kastilyo. Isa-isa nilang itinatapon ang mga bangkay sa labas ng kastillo. Bawat bangkay na nasisinagan ng araw ay nasusunog ang katawan at nagiging abo. Hinalughog nila ang buong kastilyo. May isang silid sa ilalim ang nakasarado. May malaking lock ang pintuang bakal. Hinawakan ni Yuri ang lock. Hinila, nasira ito. Binuksan nila ang pinto. Nakita nila sa loob ang ilang kababaihan at mga bata. Walang lalaki. Nilapitan ni Yuri ang pinakamatanda.

" Sino kayo at taga saan? Nasaan ang mga kalalakihan?"

" Ako ang asawa ng may-ari ng kastilyong ito. Ang tatlo ay mga anak kong dalaga at may asawa ang ika-apat. Mga apo ko ang mga bata. Ang natitira ay mga kasambahay ko. Pinatay ng mga bampira ang aking asawa, dalawang anak na lalaki at mga manugang ko. Isa-isa nilang inilalabas gabi-gabi kung minsan ay araw. Hu hu hu! Maraming salamat po at nailigtas ninyo kami kay Gustav. Siya ang kanilang pinuno. Napakalupit niya!" sagot ng matanda.

" Nasaan na ang sinasabi mong Gustav?"

" Dalawang gabi na ngayon ng lumisan siya kasama ang ilang bampira. Narinig ko ang usapan nila na pupunta sila sa Rusya. Sasalubungin daw nila ang isang batalyon na mga mandirigmang patungong Rusya. Maghihiganti raw siya sa Dukeng namumuno sa mga mandirigma at gagawin niya silang mga bampira lahat para lalo siyang lumakas. "

" Papa, manganganib ang buong Europa kapag nagtagumpay si Gustav. " sabi ni Nick.

" Kailangan natin siyang mapigilan. Pupunta tayo sa Rusya. " sagot ni Yuri.

" Ginang, alam ba ninyo kung saan sa Rusya pupunta si Gustav?"

" Ang pagkakarinig ko ay sa siyudad ng Vladivostok. "

" Maraming salamat po. Ross dalhin sila sa itaas, bigyan ng tubig at makakain. " atas ni Yuri.

" Papa, kaya kong habulin sina Gustav kung dalawang araw lamang silang nakaka-alis. Sa gabi ang lakad nila. " sabi ni Jansen.

Mahusay siyang hunter. Bago siya naging bampira isa siyang bihasang hunter ng mga usa at baboy ramo. Hinuhuli niya ang mga ito ng walang dalang pana o matalas. Isang lubid na pantali lang ang dala. Kapag nakakita siya ng usa ay dahan-dahan niya itong nilalapitan. Kapag naamoy siya ay kaya niya itong habulin kapag kumakaripas ng takbo. Mas mabilis at maliksi pa siya sa usa.

" Kayong dalawa ni Nick ang mauna. Magkita tayo sa munting bayan ng Bolstok. Huwag kayong kikilos hanggat hindi kami dumarating."

" Pero Papa, kaya ko nang mag-isa. "

" Makinig ka Jansen. Hindi ka makatatawid ng mabilis sa malawak na lawa ng Ural. Kailangan mo si Nick. Kung iikot ka pa ay hindi mo na sila maaabutan. Sige mauna na kayo ni Nick." galit na atas ni Yuri.

Walang nagawa si Jansen kundi ang sumunod sa utos ng kanyang ama. Lumabas sila ni Nick at pumunta sa kural ng mga kabayo. Pumili sila ng apat na matitikas at malalakas. Sinakyan nila ang dalawa at ang dalawa ay may renda para pamalit nila kapag pagod na ang sinasakyan nilang dalawa .

" Hiyaaaa! Hiyaaaa" Lumisan na ang magkapatid para habulin si Gustav ang pinakamalupit na bampira!

Araw at gabi ang paglalakbay ng magkapatid na Jansen at Nick. Paminsan-minsan ay humihinto sila para pakainin at painumin ang mga kabayo. Pumapasok sila sa mga kagubatan para manghuli ng usa at maibsan ang pagka-uhaw nila ng dugo. Hanggang sa sapitin nila ang baybayin ng malawak na lawa ng Ural. Pinakawalan na nila ang apat na kabayo. Pinagmasdan ni Nick ang lawa. Tahimik ang tubig. Walang gaanong mga alon. Mahina ang ihip ng hangin.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now