Part 12 . . . Vladimir at Lucia

183 12 1
                                    


"Vladimir at Lucia"

---------

"Yuri, kailangan pa bang pumunta tayo sa Maldev?" Tanong ni Sofia.

Sakay sila ng karuwaheng at si Ivan ang nagmamando ng mga kabayo sa labas.

"Oo mahal ko. Gusto Kong malaman mismo kung sino sina Assov at Petrovich. Ayokong basta na lang sumusugod ng hindi ko alam kung sino ang aking mga kalaban."

Biglang huminto ang karuwahe. Binuksan ni Yuri ang bintanilya.

"Ivan, bakit tayo huminto?"

"Ginoong Yuri, may sirang malaking karuwaheng nakahambalang sa ating daraanan." Sagot ng katiwala.

Bumaba si Yuri. Nakita niya ang warak na karuwahe. Naamoy niya ang mga dugo. Iba't iba ang amoy. Lumapit siya. Sa hindi kalayuan ay mga dugong nanigas na sa lamig ng nyebe. Nagkulay pula ang dating puting nyebe sa paligid ng warak na karuwahe. Ngunit walang makitang bangkay si Yuri. Naamoy niya ang bakas ng mga taong lobo at marami sila.

Bumaba sa karuwahe si Sofia at sumunod siya kay Yuri. Nakita niya ang mga dugo at may naramdaman siya habang papalapit sa sirang karuwahe.

"Yuri, may naririnig akong dalawang puso mahihina ang mga tibok!" Aniya.

"Saan?"

"Nagmumula sa karuwahe!"

Tinignan ni Yuri isa-isa ang mga kompartamento ng karuwahe. Wala siyang nakitang tao kahit bangkay man lang.

"Walang tao dito mahal."

"Mayroon Yuri. Mahinang mahina na ang kanilang mga tibok."

Hinawakan ni Yuri ang parteng bubong ng karuwahe at iniangat niya ang buong karuwahe.

"Yuri nasa ilalim sila!"

Ubod lakas na iniangat ng todo ni Yuri ang karuwahe at napatayo niya ito. Tumambad sa kanila ang dalawang taong magkayakap, duguan at kapwa naghihingalo na. Isang kahoy ang nakatarak sa likod ng lalake at tumagos ito patusok sa tiyan ng babae.

Pinaghiwalay nila ang dalawa at binunot ni Yuri ang kahoy. Lalong dumugo ang kanilang mga sugat.

" Yuri hindi na sila magtatagal. Kawawa naman. Kay bata pa nila para lisanin ang mundong ito sa ganitong paraan."

Nag-iisip si Yuri. Nakaramdam siya ng awa sa dalawa. Hinawakan niya ang kamay ng lalake at kasunod ang kamay ng babae. Nakita niya ang kanilang mga nakaraan.

"Ivan, tulungan ko ako. Buhatin mo ang babae at isakay sa ating karuwahe. Babalik tayo sa mansion." Atas niya.

Dagling bumaba mula sa karuwahe si Ivan. Binuhat ni Yuri ang lalake at isinakay sa karuwahe kasunod si Ivan buhat-buhat ang babae. Sumakay na rin si Sofia.

"Ivan bilisan mo pa."

"Opo Ginoong Yuri."

Pinatakbo ni Ivan ang apat na kabayo ng mabilis.

"Yuri, anong binabalak mo para sa kanila?" Tanong ni Sofia.

"Bibigyan ko sila ng ikalawang buhay. Buhay na walang kamatayan mahal"

Lumabas ang kanyang mga pangil. Kinagat niya ang lalake. Ginaya na siya ni Sofia. Kinagat din niya ang babae.

Nanatiling walang malay tao ang dalawa. Pinakikiramdaman ni Yuri ang kanilang mga pulso hanggang sa mawala ang pintig ng kanilang mga puso.

Isinara ni Yuri ang mga tabing ng mga bintanilya ng karuwahe kahit mahina ang sikat ng araw.

"Buhay na muli sila Yuri. Dinig ko na ang mahinang tibok ng kanilang mga puso."

Red Moon (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن