Part 28 . . Paghihiganti ng Duke

162 12 1
                                    

"Paghihiganti ng Duke"

------

Magbubukang liwayway na. Nasa ilalim ng matarik na bangin ang tatlong magkakapatid na Ivanoff. Nagpaiwan si Yuri para samahan ang Duke sa pag-atake sa harap ng kastilyo. Dumaan ang mga mandirigma sa daan sa gilid ng bundok. Sumisikat na ang araw ng nasa tapat na sila ng malaking pintong kahoy. Nakita sila ng bantay sa ibabaw ng tore ng bakod na bato. Hinipan niya ang isang tambuli. Naglabasan ang mga katiwala sa kanilang mga tahanan. Umakyat sa pader ang isang namumunong lalaki.

" Sino kayo? Anong kailangan ninyo rito?" sigaw ng bantay.

" Ako si Duke Charles Croft ng Britanya. Buksan ang pintuan. Papasok kami. " sigaw ng Duke.

" Maghintay kayo. Sasabihin namin sa aming Duke!" sagot ng bantay.

Isang katiwala ang pumasok sa kastilyo. Lumabas ang Duke na kagigising pa lang.

" Mahal na Duke. May mga dayuhang sandatahan po sa harap natin at gustong pumasok sa kastilyo. " sabi ng katiwala.

" Ano? Sino raw sila?"

" Siya po raw si Duke Charles Croft ng Britanya."

" Sabihin mong maghintay sila." umalis ang katiwala.

Pumasok naman ang duke sa isang silid. Isang ataol ang nasa loob. Bukas ito at walang laman. Tumingin ang duke sa paligid ng silid ng biglang may magsalita sa likuran niya.

" Huwag mo silang papasukin. Narinig ko ang usapan ninyo. AHHH! Walang hiya ka Croft! Pinuntahan mo ang kamatayan mo rito! " sigaw ni Gustav na ikinagulat ng duke.

" Ngunit Gustav. Hindi mga mandirigma ang mga katiwala ko. Mamamatay silang walang kalaban-laban! "

" Inutil ka duke. Sundin mo ang utos ko kung hindi ay papatayin ko ang asawa mo sa iyong harapan. Sulong! Lumayas ka sa harapan ko!" sigaw ni Gustav.

Lumabas ang duke na takot na takot.

" CARL! CARL! " pumasok ang bampirang si Carl.

" Gisingin ang lahat. Pakawalan ang mga alagad ko. Maghanda sila. Patayin lahat ang mga taong papasok sa kastilyo! " atas ni Gustav. Agad na lumabas si Carl.

" Ang walang hiya. Papaano kaya niya nalaman na narito ako. Kailangan umabot ang dilim bago sila makapasok. Wala kaming laban sa labas. May araw pa." bulong ni Gutav.

Lumabas ang duke sa kastilyo. Sinabihan niya ang mga katiwala na huwag papasukin ang mga dayuhan. Lalaban sila kahit sa anong paraan. Tumututol ang mga katiwala.

" Kailangan pumayag kayo. Sundin ninyo ang utos kung hindi ay mamatay ang mga anak ninyong lahat. " sigaw ng Duke.

Nag-iyakan ang mga babae. Umakyat sa pader ang ibang mga lalaking katiwala.

" Umalis na kayo! Ayaw ng duke namin na makipag-usap sa inyo!" sigaw ng bantay.

" Hindi kami aalis. Buksan ang pintuan kung hindi ay gigibain namin ito. " sagot ng duke.

Lumapit ang ilang mandirigma sa pintuan. Umulan ng mga bato mula sa itaas ng pader. Atras ang mga mandirigma. May pumana sa itaas ng pader. Walang tinamaan. Nagsisimula na ang labanan.

****

Habang nagkakagulo sa harap ng kastilyo ay umakyat na ang magkakapatid sa matarik na bangin. Naglalakad lamang sila na parang naglalakad sa kapatagan. Mataas ang bangin at mataas pa rin ang pader na bato. Nang malapit na nilang marating ang ibaba ng pader ay may nakita silang isang imburnal na daluyan ng tubig mula sa loob na kastilyo. May rehas na harang ang bukana nito. Binaluktot ni Nick ang rehas na bakal. Pumasok sila.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon