Part 70 "Asul na Apoy"

233 13 1
                                    

"Asul na Apoy"

Tumayo si Arielle sa tabi ng bakal na rehas ng kulungan. Matibay ang rehas. Hindi basta mababaluktot o mapuputol. Tinignan niya ang mga kabataan. Nanganganib sila ang inisip niya. Tinignan niya ang lock ng rehas na pinto. Nabuksan ito. Lumabas siya ng kulungan. Walang bantay ang pasilyo. May iba pang mga kulungan pero walang nakakulong. Hinawakan ni Arielle ang rehas na pinto. Lumabas ang asul na apoy sa kanyang kamay at gumapang. Binalot ang buong bakal na rehas.  Nagsimulang  umusok at nagbaga ang buong bakal na rehas. Dumikit ang pintong rehas na parang nawelding. Wala ng pintuang mabubuksan pa. Ngumiti ang bata. Hindi na nila mapapasok ang mga kabataan sa loob ng kulungan. Maaari na niyang iwanan muna ang mga ito.

Nagmamadaling bumaba sa basement ang kanang kamay ni Aleksin upang kunin ang batang nadukot nila. May malaking hall sa basement. May dalawang pasilyong may pintuan ang konektado sa malaking hall. Nagising na ang mga bampira ng pumasok ang tatlong taong lobo. Gumagabi  na kaya nagtatayuan na sila. Sa isang malaking kabaong ay tumayo na rin si Igor ang higanteng bampira. Nilapitan siya ng kanang kamay ni Aleksin.

"Igor nasa bulwagan si Aleksin. Gusto ka niyang maka-usap tungkol kina Mikhail."sabi ng taong lobo.

"Sige aakyat na ako sa itaas. May naamoy akong mga tao!" sagot ni Igor.

"May ikinulong kaming walong kabataan at isang batang babae. Mamaya ay ilalabas namin  silang lahat para sa ating hapunan ngayong gabi."

"Sige maghihintay ako sa itaas. Uhaw na rin ako!"sagot ng higanteng bampira. Paalis na  siya ng biglang ....

"BLAG!"

"HUH!"

Tumilapon ang sumabog na malaking pintuan ng isang pasilyo. Nagulat ang mga bampira at tatlong taong lobo. Napatakbo ang ilang bampira patungo pasilyong nasira ang pintuan. Pumasok ang tatlo sa pasilyo.

"Whooommmmp!" "Argh! Ughh! Arkhh!"

Tumilapon palabas sa pasilyo ang tatlong bampira. Bumagsak sila sa hall. Butas ang kanilang mga dibdib na umuusok pa. Bigla silang nagliyab at nasunog. Nabulabog na ang mga bampira.  Ang ibang nakahiga pa ay nagtayuan ng lahat. Sumingasing na silang lahat. Lumabas si Arielle sa pasilyo. Namumula ang naglalarong  mahabang buhok. Nagliliyab ang mga berdeng mata. Nakalabas ang dalawang pangil at sumisingasing na rin.

"ANG BATANG BAMPIRA SA ISLA! PAANO SIYA NAKARATING DITO!" sigaw ni Igor.

"Anong bata sa isla?" tanong ng Russong kanang kamay ni Aleksin.

"Iyan ang tumalo kay Vitorio! Naging gulay si Vitorio dahil sa lakas ng kapangyarihan ng batang iyan!" sabi ni Igor. Bigla siyang nawala. Tumakbo na siya paakyat sa bulwagan ng kastilyo.

"AWOOOOOOOO!"

Umalulong ang isang taong lobo ng malakas para bigyan ng babala ang kanyang mga kasamahan na may panganib.

Sumugod ang dalawang Russo. Nagbago ang kanilang mga anyo. Naging malalaki silang asong lobo. Sabay silang tumalon. Bigla ring lumabas ang dalawang espirito ni Arielle at nag-anyong malalaking asong puti. Sinalubong sa ere ang dalawang asong lobo. Sabay nilang kinagat sa leeg ang dalawang asong lobo. Hindi na binitawan. Iwinasiwas ng malakas ang mga katawan ng mga asong lobo  habang bumabaon  ang kanilang nga kagat sa leeg  at tumilapon ang mga katawan ng dalawang asong lobo. Naiwan ang kanilang mga  ulo na kagat pa ang leeg ng dalawang asong puti. Natakot ang kanang kamay ni Aleksin at napatakbo na rin siya paakyat sa bulwagan. Atrasan ang ibang mga bampira. Nabuksan ang malaking pintuan ng isang pasilyo at naglalabasan ang iba pang mga bampira at asong lobo.

--------

Sa labas ng kastilyo ay napalibutan na ng grupo ni Yuri ang buong kastilyo. Narinig nila ang malakas na alulong ng taong lobo na  nagmula sa loob ng kastilyo.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now