Part 67 . . ."Preso"

222 16 1
                                    


"PRESO"

--------

Limang itim na limousines ang pumasok sa gate ng malaking villa sa Molino Grande. Isang bayang karatig ng Milan. Nasa labas ng villa ang karamihan sa mga katiwala. Alam nila ang pagdating ni Yuri at natutuwa silang makita siya. Yumayakap sila kina Yuri at Sofia ng bumaba sa sasakyan ang dalawa. Lalo silang natuwa ng makita nila si Arielle. May magandang batang maliit na ang villa ang sabi nila. Masaya si Arielle ng makita ang malawak na taniman ng ubas na abot tanaw sa villa.

"Mommy punta tayo roon." sabi ng bata.

"Mamaya anak pupunta tayo." tugon ng ina.

"Gusto mo ba talagang pumunta roon apo?" sabi ni Yuri.

"Opo lolo!"

"Tara! Sasamahan kita." Sabi ni Yuri at magkahawak kamay na naglakad ang maglolo pababa sa taniman ng ubas.

"Hayyy! Iyang Papa ninyo talaga basta para kay Arielle hindi siya makatiis. Pumasok na muna tayong lahat." Sabi ni Sofia.

"Sir Nick! Mam Mira! Good morning po!" Si Gino na paparating at may dalang isang kahong pulang alak. Si Gino ang iniligtas nina ni Mira sa tunnel ng mga palaboy.

"Ahhh! Gino! Kumusta ka na?" tugon ni Nick.

"Kumuha ho ako ng mamahaling alak mula sa ating cellar. Sir Nick may problema ho sa tunnel." sabi ni Gino. Hindi na muna pumasok sa loob ng villa ang grupo ng marinig nila ang sinabi ni Gino.

"Anong problema Gino?" Si Mira ang nagtanong.

"May nawawalang sampung kabataang babae ho mam Mira. Nalaman ko ho kahapon ng pasyalan ko ang aking kaibigan doon." tugon ni Gino.

"Sige Gino. Mamayang hapon ay papasyal kami roon." Sagot ni Nick na mukhang nabahala.

Sa loob ng lihim na lumang simbahan sa ilalim ng lupa sa siyudad ng Milan ay kausap ni Estefano ang kanyang kanang kamay na si Ivano.

"Anong masamang balita ang sinasabi mo Ivano?" tanong ni Estefano. Nakapaligid ang mga alagad niya sa loob ng bulwagan.

"Pabalik na rito si Igor ang kanang kamay ni Jansen sa ikatlong araw mula ngayon. Tumawag siya kagabi at ang sabi niya ay natalo nina Yuri sina Vitorio at Jansen. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa ating dalawang pinuno. Napatay lahat ang mga taong lobong ipinadala ni Aleksin." sabi ni Ivano. Tumayo si Estafano na naka-upo. Nag-iisip siya.

"Malalakas sina Jansen at Vitorio. Hindi sila basta matatalo ni Yuri."

"Sinabi ko na sayo noon may kasama silang babae na napakalakas ng isipan. Baka siya ang tumalo kina Vitorio at Jansen. Isama mo pa si Yuri sa kanya. Anong panalo nina Jansen?"

"Tawagan mo si Aleksin. Sabihin mong magkita kami. Isama niya ang lahat niyang mga alagad. Sabihin mong patungo na si Yuri dito sa Milan. Sabihin mong natalo lahat ang mga unang ipinadala niya rito. Pupupunta naman ako mamaya sa Transilvania. Kakausapin ko ang aking ama. "

"Sige Estefano. Tatawagan ko siya mamaya."

"Kilala ko si Yuri. Alam na niya tiyak ang bagong batas ng bagong kapatiran. Pupunta siya rito kaya kailangan maghanda tayo. Ang mga birheng babae nasaan na Ivano?"

"Nasa kulungan sila sa sector G21. Marami silang mga bantay."

"Kumuha pa kayo. Dagdagan sila. Bubusugin muna natin aking mga alaga bago natin sila gutumin. Sila ang ihaharap natin kina Yuri. Ha ha ha! Masosorpresa si Yuri sa kanila. Ang mabuti pa ay puntahan natin ang aking mga espesyal na alaga."sabi ni Estefano at lumakad sila papasok sa isang tunnel.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now