Part 19. . . Langit at Lupa

210 15 1
                                    

IKALAWANG YUGTO

"Langit at Lupa"

Buhay at Pag-ibig nina Nicholai Ivanoff at Arianna Croft na magka-iba ang daigdig na pinagtagpo ng tadhana!

----------------------

Isang daang taon ang lumipas sa siyudad ng Rome, Italy taong 1695 ay may paparating na mga mandirigma. Kumakalat na ang lagim sa buong Europa na kagagawan ng mga bampira at mga taong lobo kaya nagpalabas ng lihim na kautusan ang Santo Papa sa lahat ng mga Obispo na magtatag ng mga brigadang sundalo na pupuksa sa mga salot ng lagim.

Isa sa mga pinuno ng mga brigada ang ipinatawag ng Santo Papa para lihim na makausap. Siya ay isang mayamang Duke ng Britanya si Duke Charles Croft isang mahusay at matalinong Kristiyanong mandirigma na namuno na sa maraming labanan. Mula Britanya ay naglakbay ang Duke patungong Roma. Kasama niya ang kanyang kaisa-isang 17 gulang na dalagang anak na si Arianna. Nakasakay sila sa isang malaking karuwahe. Kasama rin niya ang kanyang mga piling mandirigmang ayudante at 500 beteranong mandirigma.

Tatlong buwan silang naglakbay. Tumawid ng dagat at ng mga kabundukan at kapatagan bago nila narating ang siyudad ng Roma. Kasama ng Duke ang dalawang ayudante ay pumunta sila sa St. Peter Cathedral. Sinalubong sila ng isang pari at sinamahan sa isang lihim na lagusan hanggang makapasok sila sa isang lihim na silid. Sa loob ng silid ay naghihintay na ang Santo Papa.

Lumapit ang Duke at yumuko sa Santo Papa. Hinalikan niya ang singsing ng Papa at saka siya umupo sa isang silya katabi ng Papa.

" Mabuti at maaga kayong nakarating dito sa Roma ginoong Duke. Alam mo na siguro kung bakit kita ipinatawag." sabi ng Papa.

"Yes your Grace. Malaking karangalan po sa akin at sa aking angkan ang mapagsilbihan ang simbahan. Nasabihan na ho ako your Holiness na magdala ng mga mandirigma para puksain ang mga napabalitang mga salot."

" Alam mo na ba kung anong mga salot ito?"

" Hindi pa ho aking Holiness."

" Sila ay mga bampira at mga taong lobo. Marami na sa mga mamamayan ang napapaslang nila. Alam mo na ba kung papaano mo sila mapupuksa?"

" Kung sila ho ang aking makakalaban ay alam ko na ho kung papaano sila mapapatay."

" Ang usapan nating ito ay lihim. Walang dapat na maka-alam. Labag sa Diyos ang pinag-uutos ko pero kailangang kumilos na tayo bago pa mahuli ang lahat. "

" Opo your Holiness."

" Humayo kayo aking mandirigma! Tanggapin mo ito. Patnubayan kayo ng ating Panginoong Diyos. " Iniabot ng Papa ang isang pilak na kwintas na may palawit na malaking krusipiho. Isinuot ito ng Duke.

" Maraming salamat po aking Holiness. Aalis na ho kami. "

" Sige anak. Pumunta ka sa siyudad ng Vladivostok sa Rusya. Laganap na rito ang isang salot! Doon ka magsimula. Kailangang ubusin mo silang lahat! Sige humayo ka na!" Muling yumuko ang Duke at hinalikan ang singsing na may krusipiho ng Papa.

Lumakad na siya. Pagsapit niya sa kaniyang mga mandirigma na nasa labas ng siyudad ng Roma ay inatasan niya ang kanyang mga ayudante na maghanda na sila sa isang labanan. Nagpabili siya ng maraming pagkain, mga kabayo para sa isang malayo at mahabang paglalakbay patungong Rusya. Dala rin ang mga salaping pilak at ginto na bigay ng Santo Papa para pansahod sa mga mandirigma.

Kompiyansa ang Duke na mapupuksa niya ang mga salot sa dami ng kaniyang mga mandirigma.
Nagsimulang maglakbay ang brigada. Umiwas sila sa mga malalaking siyudad at mga bayan para hindi kapuna-puna ang kanilang paglalakbay. Dahil mga beterano na sa pakikipagdigma ang mga tauhan ng Duke ay naging mabilis ang kanilang paglalakbay. Sa loob ng karuwahe ay nag-uusap ang mag amang Duke at anak niyang dalaga.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon