Part 61 . . . "Arielle"

201 18 1
                                    


"Arielle"

-------

Kinabukasan ay nasa cottage ang pamilya at pinag-uusapan pa rin nila ang himalang pagbubuntis ni Mira. Natutuwa silang lahat. Nang may mensaheng kanilang narinig sa kanilang isipan.

" Sir may malaking lantsang patungo rito sa isla. May sampung kilometro pa ang layo niya." Sabi ng nag-ooperate na kapanalig nila sa mga monitors at radar.

" I-zoom mo ang long range na camera natin at i-patch mo ang video rito sa cottage." Sagot ni Yuri.

"Yes sir."

Binuksan ni Vladimir ang monitor sa sala ng cottage. Lumabas ang kuha sa lantsa na lumalaki hanggang sa nakikita na ang mga taong nakatayo sa ibabaw ng lantsa.

"Si Kiel at ang mga kasama niya." Sabi ni Nick.

"Ang mga taong lobo."sabi ni Sofia.

"Sabi ko kay Nick na papuntahin dito si Kiel. Pero hindi sila titira sa bunker. Sabihin kay Mang Benny na ihanda ang ibang mga cottages. Doon sila titira at walang babanggit sa inyo tungkol sa bunker. Sabihin sa ating mga kapanalig na simula ngayon ay sa loob muna sila ng bunker. Lalabas sila sa takdang panahon. "Atas ni Yuri.

"Papa ipapasyal ko muna si Mira sa Palawan. Malapit na lang naman dito. Gagamitin namin ang yate." Sabi ni Nick.

"Bro ano yan second honeymoon?" Tukso ni Ross.

"Ha ha ha! Siguro!" Sagot ni Nick.

"Sige Nick. Ingat lang kayong dalawa lalo na buntis yang kasama mo!"

"Oo papa!"

Lumabas sila upang salubungin ang grupo ni Kiel sa pantalan. Nakasalubong nila si Mang Benny na may dalang isang bungkos na singkamas. Kumislap ang mga mata ni Mira at napatakbo siya. Nagtinginan ang pamilya.

"Mam Mira ito lang po ang nabili ng kasama ko sa malaking pulo." Bungad ng matanda at ibinigay ang mga singkamas sa dalaga.

"Maraming salamat po Mang Benny. Sapat na ho ito!" Kaagad na tinanggal ng dalaga ang isang malaking singkamas. Binalatan gamit ang mga ngipin at kinagat. Sarap na sarap siya sa pagnguya.

"Iyan ba ang mga sinasabi mong singkamas mahal?" Tanong ni Nick at natutuwa habang pinagmamasdan ang dalagang kumakain.

"Oo mahal ko. Gusto mo?" Kumuha ng isa si Nick at ginaya si Mira sa pagbalat. Natuwa ng matikman ang singkamas.

Nakadaong na ang malaking lantsa sa pantalan. Bumaba sina Kiel at ang mga kasama niya. Sinalubong siya ni Don Yuri.

"Maligayang pagdating Kiel!" Sabi ng don.

"Ahhh! Don Yuri malaki rin pala itong isla ninyo! Kailan darating sina Jansen dito?" Tanong ni Kiel na inaayos ang takip ng isang mata niyang bulag.

"Kapag handa na tayong lahat Kiel. Magpaparamdam ako sa kanya na narito kami sa isla." Sagot ng don.

Iginala ni Kiel ang kanyang tingin at nakita sina Nick at Mira sa likuran nina Sofia at Michelle. Nakatalikod sa kanya ang dalaga. Lumapit siya sa dalawa.

"Mira, Nick narito lang pala kayong dalawa sa isla." Sabi niya habang papalapit siya.

"Oh Kiel! Kumusta ka na?" Sabi ng dalaga ng lumingon siya. Kinakain pa rin niya ang singkamas na nakikita ni Kiel.

"Mabuti naman Mira. Balita ko ay buntis ka raw. Totoo ba?" Madyo nakangisi siya.

"Ang bilis naman ng balita. Iilan lang kaming nakaka-alam. Oo Kiel buntis nga ako." Sagot niya.

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon