Part 35 . . . " The Boss "

164 13 1
                                    


"The Boss"

----------

Ayala, Makati City. Pumarada ang isang dilaw na Porche sa harap ng lobby ng isang mataas na gusali. Bumaba ang isang matangkad na lalake na mukhang banyaga. Sinalubong siya ng isang matandang nakabarong.

"Good morning Mr. Ivanoff. Welcome ho!"

"Good morning too Atty. Castro. Nick na lang ang itawag mo sa akin. Ready na ba ang penthouse sa itaas?"

"Ready na Nick. Ayaw mo ba sa hotel na kita ibook?

"Hindi na. Mas gusto sa penthouse na lang. Ipinatawag mo na ba ang Board of Directors?"

"Oo Nick. Nasa conference room na sila."

"Good. doon muna tayo pupunta. Gusto kong tapusin na muna natin ang problema bago ako magpahinga."

Tinawag ng abogado ang isang porter at ipinakuha ang mga maleta ni Nick. Maging sa reception desk sa harap ng lobby ay nakatingin kay Nick ang mga receptionists. Hindi nila kilala si Nick. First time ni Nick ang pagpunta niya sa isa sa kanilang kumpanya. Sa likod ng reception desk ay nakalagay ang logo ng kanilang kumpanya. Isang half moon na may cross sa ibabaw at sa ibaba ay nakasulat sa mga malalaking letra ang Red Moon Enterprise ang pangalan ng kanilang kumpanya.

Lumakad si Nick papunta sa mga elevators. May isang elevator na may sulat na For Private Use Only. Direkta ito sa penthouse sa itaas ng building. Sa tapat ng pinto ng isa sa mga public elevators siya tumayo. Nasa likuran niya ang abogado at ilang employado ng kumpanya. Tinitignan ni Nick ang number ng floors ng gusali. Labing anim ang floors at nakikita niyang umiilaw lang ang mga even numbers hanggang sa huminto sa ground floor ang elevator.

Bumukas ang pinto at biglang naglabasan ang nakasakay sa loob. Isang babae ang nasa unahan na naitulak ng isang lalake sa kanyang likuran na muntik ng mapasubsob pero nabitawan niya ang mga dalang mga folders at bumagsak ang mga ito sa sahig. Yumuko ang babae para pulutin ang mga kumalat na folders. Yumuko na rin si Nick para tulungan ang babae at dumampot na rin siya. Habang nakayuko siya ay naamoy na naman niya ang kakaibang amoy. Malakas ang amoy at napatingin siya sa kanyang harapan . Halos nakadikit sa kanya ang ulo ng babaeng nakayuko. Naaamoy niya ang buhok ng babae.

Ärianna?" sa isip niya.

Tumayo ang babae at ibinibigay ni Nick ang mga folders na kanyang nadampot.

"Here."

"Thank You sir!"

"Mag iingat ka sa susunod."

"Marunong kang managalog? Salamat po sir!"

Öo naman. And you are..."

"Mira Salve po sir. Excuse me lang po nagmamadali kasi ako."

Ök go on."

Lumakad na si Mira na nagmamadali. Sinundan naman siya ng tingin ni Nick.

"Kilala ninyo ho ba siya atty.?"

"Oo Nick. Siya ang assistant Chief Auditor natin dito."

Pumasok na siya elevator kasunod si Atty, Castro.

"What a coincidence. Hindi na pala kita hahanapin pa aking Arianna!"sa isip niya.

--------

Sa isang bahay sa pamayanan ng mga taong lobo ay nag aayos ng mga gamit si Kiel. Isa sa apo ni Ka Berong. Luluwas siya ng Maynila para hanapin nya ang isang anak ni Don Yuri. Gusto niyang malaman at manigurado na si Nick ang pumatay sa kuya niya.

"Makikita mo kaya siya Kiel? Napakalaki ng Maynila." sabi ni Ka Berong na naka-upo sa isang upuang gawa sa kawayan. Naglalagay naman ng mga damit si Kiel sa isang malaking bag.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now