Part 14 ... Bagong Vladimir . . Ang Bampira

182 14 2
                                    

"Bagong Vladimir ...Ang Bampira

-------

Nagsisimula ng bumagsak ang niyebe at nasa huling buwan na ng taglamig sa Europa. Isang karuwahe sa isang kubling lugar malapit sa hangganan ng Rusya at Ukraine hila ng apat na kabayo ang nakahimpil. Sa loob sina Ivan at Yorac  ang naka-upo at sa tapat nilang upuan ay ang tulog na taong lobo. Sa tuwing gumagalaw ang ulo nito ay hinahataw ni Ivan sa ulo ng hawak niyang bakal na pamalo.

"Ano ba ang kailangan ni Ginoong Yuri sa halimaw na ito Ivan? Bakit hindi pa natin siya patayin?"

"Hindi ko alam insan. Basta't hintayin natin siya." Sabi ni Ivan habang minamasahe niya ang kanyang mga paa na parang naninigas na sa lamig.

"Nakita mo ba ang ginawa ni Ginoong Yuri kanina Ivan?  Napakabilis at napakalakas niya. Hindi ako makapaniwala na nagapi niya ang higanteng halimaw na ito ng ganoon kadali."

"Oo nga! Pero kilala na si Ginoong Yuri noon pa. Mahusay siya talaga halos sa lahat ng duelo. Pero ang nakita natin ay parang ibang Yuri!"

"Hindi ka  ba natatakot insan?"

"Saan?"

"Baka malaman ng mga kasama nitong halimaw ang nangyari sa kanya at tayo naman ang hanapin nila."

"Hindi insan. Sakali man na malaman nga nila ay lalaban tayo."

May marahang kumatok sa bintana ng karuwahe. Binuksan ni Ivan ang pinto. Nasa labas si Yuri. Tumingin sa paligid si Ivan muna. Napansin niya ang mga bakas lang ng tao sa niyebe. Naglakad lang si Yuri? Naisip niya. Pero hindi niya alam malayo pa lang si Yuri ay naririnig na nito ang usapan ng dalawa at ngayon ay ang nasa isip niya.

"Ginoong Yuri kayo pala!" Sabi ni Ivan.

Pumasok si Yuri sa loob ng karuwahe at umupo sa tapat nila.

"Dito na kayong dalawa sa loob at ako na sa labas. Masyadong malamig ang panahon. Basta't bantayan ninyo siya."

"Kayong masusunod Ginoong Yuri. Maitanong ko lang ho, bakit kailangan natin siya ng buhay?" Tanong ni Ivan.

"Siguro panahon na para malaman ninyo ang aking lihim. Sasabihin ko sa inyo mula sa simula  at sana ay maunawaan ninyo ako at matanggap kung sino ako."

Sabi ni Yuri at nagsimula siyang magkwento sa dalawa. Habang nagsasalita siya ay pinagmamasdan niya ang reaksyon ng kanilang mga mukha at kung ano ang iniisip nila. Natapos ang kanyang kwento.

Mangha-mangha ang dalawa. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nalaman.

"Kung ganoon ho  ay isa kayong bampira maging sina Madam Sofia? Pagkagitlang tanong ni Ivan.

" Oo Ivan." At nagbago ang anyo ni Yuri para makita ng dalawa.

"Huwag kayong matakot!"

"Hindi ho ako natatakot Ginoong Yuri. Kung halimaw nga kayo ay matagal na sana kaming patay." Sagot ni Ivan.

"Ako rin Ginoong Yuri, naniniwala ako sa kabutihan ninyo!" Ani ni Yorac.

"Salamat sa inyong dalawa. Isinumpa ko na lilipulin ko lahat ng mga alagad ng kadiliman maging ang may likha sa akin."

"Hanggat buhay kami Ginoong Yuri ay katulong mo kami sayong layunin." Sabi ni Ivan.

*****

Sa mansion ng mga Gustav ay  humahangos na pumasok ang isang alagad ni Assov. Nasa bulwagan ang magkapatid.

"Assov, nawawala si Rigor ang isa nating bantay sa hangganan. May mga bakas na nakipaglaban siya!"

"Sino ang nakalaban niya?"

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now