Part 30 . . . Bumaba ang Langit sa Lupa

179 12 4
                                    

"Bumaba ang Langit sa Lupa"

------

Tumalon mula sa pinagtataguan nila sa itaas ng mga puno sina Yuri. Hawak ang kanilang matatalas ay mabilis silang bumaba sa burol.

Patuloy ang labanan ng mga taong lobo at mga bampira. Nagkalat ang mga bangkay sa paligid ng hospital at sa mga bahay.

Naghiwa-hiwalay sina Yuri. Kasing bilis ng hangin ang kanilang mga kilos ay nagsimula sila para ubusin ang mga salot. Bawat daanan nilang taong lobo man o bampira ay tumitimbuwang.

Nakita ni Nick ang isang taong lobo na malakas at mabilis ding kumilos. Bawat makaharap nitong mga bampira ay hindi nagtatagal sa kanya. Winawakak niya sa dibdib Ang mga bampira at kinukuha ang mga puso nila. Tumigil sa pagtakbo si Nick. Nakita siya ng taong lobo habang sakmal nito ang isang bampira. Nakatingin siya kay Nick at kinagat niya sa leeg ang bampira. Halos nangalahati ang leeg ng bampira at lumaylay ang ulo nito. Binitawan siya ng taong lobo at si Nick na ang hinarap.

Isinukbit ni Nick ang kanyang matalas at sinalubong niya ang taong lobo na higit na malaki kaysa sa kanya. Sabay silang tumalon ng mataas. Padakma ang mga kamay ng taong lobo. Nang malapit na siya ay biglang umiikot si Nick. Nag front flip siya at napunta ang halimaw sa kanyang ibaba habang nasa ere pa sila. Hinawakan niya sa ulo ang halimaw at hindi binitawan hanggang sa bumagsak sila sa lupa. Nasa likod ng halimaw si Nick.

Sinakal niya ang halimaw gamit ang kanyang kanang kamay. Pinulupot niya ang kanyang mga paa sa katawan ng halimaw. Inaabot siya ng mga kamay ng halimaw. Bumaon ang mga kuko nito sa kanyang tagiliran. Lalong hinigpitan ni Nick ang pagsakal niya at bigla niyang tinusok ng kanyang mga daliri na mahahaba ang mga kuko ang likod ng halimaw. Pumasok ang kanyang kaliwang kamay. Sinakmal ang mga buto sa loob at binali. Umatungal sa sakit ang halimaw. Nahawakan ni Nick ang puso at sinakmal niya ito. Biglang hinila at nalagot ang mga ugat. Paghugot ng kanyang kamay sa likod ng halimaw ay hawak na ni Nick puso nito at itinapat sa mukha ng halimaw para makita bago siya nalagutan ng hininga. Patay na si Malec.

Ubos na ang mga halimaw at bampira sa labas. Pinasok na nina Yuri ang mga bahay at ang hospital. Makalipas ng isang oras ay nagsisimula ng masunog ang mga ito.

Nakatayo na sina Yuri sa daan at pinagmamasdan nila ang mga nasusunog na mga bahay at hospital.

Habang nakatayo sila ay naalala ni Nick si Arianna. May nakapa siya sa kanyang bulsa. Nakabukol. Inilabas niya. Isang rosaryo! Nagawang ilagay ni Arianna sa bulsa kahapon ng hindi niya namalayan. Ibinulsa niyang muli.

Mayamaya pa ay isang tila higanteng paniki ang lumilipad sa tapat ng naaabong gusali. Lumapag ito sa lupa sa tapat ng nasusunog na gusali. Nawala ang pakpak. Nagbago ang snyo. Nag-iisa lang siya. Nagsisisigaw siya sa galit!

" Ahhhh! Ahhh! Inubos ninyo ang aking mga alagad!" Sigaw ni Jansen na nakaharap sa nasusunog.

Nilapitan ng mag-aama!

" Jansen! " lumingon si Jansen.

" Papa!"

" Huwag mo akong tatawaging papa! Wala akong anak na suwail at halimaw!"

" Bakit Papa? Halimaw rin naman kayo!"

" Kailan man ay hindi kami pumatay ng inosenteng tao! Alam mo yan. "

" Ha ha ha! Yan ang pagkakamali ninyo. Tignan ninyo ako ngayon.!" nagbago ang anyo ni Jansen! Para siyang taong paniki. Iniladlad niya ang kanyang mga pakpak.

" Ngayon Papa ay ako na ang pinakamalakas. Maghahari ako sa mundong ito. Salamat sa mga puso ng mga birhen! "

"Talagang halimaw ka nga Jansen! " sigaw ni Nick.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now