Part 4 . . . Konde Drakul

233 18 2
                                    

"Konde Drakul"

Sa malawak na ilog ng Kiev ay nakadaong at nagtatago ang ilang maliliit na barkong pandagat. Sa isang pantalan ay may nakahimpil na limang karuwahe kalapit ng isang bodega. Nasa loob ng bodega ang magkaibigan.

Nagising si Yuri na masama ang pakiramdam. Nananakit ang kanyang ulo at balikat. Nakatali ang kanyang mga kamay sa likod. May naririnig siyang mga boses at nagtatawanan. May umuungol. Nang ganap ng maliwanag ang kanyang mga paningin ay nakita niya ang kanyang kaibigan na nakalugmok sa lupa. Duguan!

" Pierre! Anong ginawa ninyo sa kanya! Mga duwag! Kalagan ninyo ako!" Hinahatak niya ang kanyang mga kamay para makawla pero mahigpit ang pagkakatali nila.

" Ha ha ha! Tignan ko ngayon ang galing mo Yuri. " sabi ni Boris katabi ang mga anak at isang pinuno ng mga pirata.

" Yuri, pagbabayaran mo ngayon ang ginawa mong pagpatay sa anak ko. Pagmasdan mo ang iyong kaibigan! " Inilapit sa harap ni Yuri si Pierre.

Lupaypay sa dami ng bugbog. Itinaas ng isang tauhan ang ulo ni Pierre. Sarado at namamaga ang dalawang mata. Alsado at namamaga ang mga labi. Lagas ang ilang ngipin. Hindi na siya makita ng kaibigan.

" Yuri, kahit anong mangyari sa akin huwag kang susuko. Ipaghiganti mo kami!" Tumulo ang mga luha na may dugo sa mga mata ni Pierre. Napaluha na rin si Yuri.

" Oo aking tapat na kaibigan. Asahan mo. Ipinapangako ko sayo."

Isang tauhan ni Boris ay may hawak na punyal at biglang ginilitan ang leeg ni Pierre sa harap ng binata.

" Whiirllps! Urggghh! "

Bumulwak ang dugo at tumilamsik ang iba sa mukha ni Yuri at katawan. Nagtawanan sina Boris.

"PIERREEEE! AYYYYYEEEEEEIII! Isinusumpa ko magbabayad kayong lahat!"

" Yan Yuri ang kabayaran. Hindi ako masamang tao. Bubuhayin kita. Alam ko na namang hindi ka na makababalik dito sa Rusya. Ha ha ha! Bugbugin siya at huwag papatayin. Pagkatapos ay isakay sa barko ng aking kaibigan. Ha ha ha! "

" Napakawalang hiya mo Boris. Isinusumpa ko! Babalikan ko kayong lahat.

"PAK! PAK! PAK!"

Ughh! Aghh! Hmmp!" Pinagpapalo na ang binata.

Nawalan ng malay tao ang binata. Binuhat siya at isinakay sa barko ng mga pirata. Humahalakhak sina Boris at hawak niya ang isang supot ng ginto bilang kabayaran sa pagbenta niya kay Yuri sa mga pirata.

Agad na naglayag ang barko. Binaybay ang ilog Kiev hanggang sa makarating sa laot. Simula na ang pagbabago sa buhay ni Yuri Ivanoff.

***

Naglayag ang barko ng mga pirata sa karagatan ng Europa. Mabilis ito dahil sa malalaki ang mga layag at makitid ang ilalim ng katawan. May tig-24 na kanyong de-bola sa magkabilang panig ang barko. Tig-dalawa sa hulihan at unahan. Bihasa sa labanang pandagat ang mga pirata na dating mga tripulanteng militar.

Nakakulong si Yuri sa ilalim ng barko. Wala na ang panang nakatusok sa kanyang balikat. Pahilom na ang sugat at mga pasa na lang sa katawan at mukha ang natitira. Nakakadena ang isang paa niya sa isang bolang bakal kahit nasa loob na siya ng kulungan. Kapag araw ay inilalabas siya. Pinapaglinis sa sahig na kahoy sa itaas. Pagsapit ng dilim ay muli siyang ibinabalik sa kulungan.

Malulupit ang mga pirata. Nakita niya minsan ang kalupitan ng mga ito. Isang barkong Aleman na pampasahero ang naharang nila sa karagatan. Naririnig ng binata ang mga pagsabog ng mga kanyon. Mga hiyawan. Nang magkadikit ang dalawang barko ay sigaw ng mga babae at mga bata ang kanyang naririnig. Nagtakip siya ng mga teynga. Naalala niya ang kanyang mga kapatid , magulang at mga pamangkin. Nagtagis ang kanyang mga ngipin sa tindi ng galit na namuo sa kanyang dibdib.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now