Part 3 ..Pag-ibig na Walang Kamatayan

247 15 1
                                    


"Pag-ibig na Walang Kamatayan"

Kumalat ang balita sa buong siyudad ng St. Petersburg ang duelo. Naging bukang bibig ang pangalang Catargan. Nagkagulo sa mansion ni Boris Ivanoff ng iuwi na ang bangkay ng kanyang anak na si Cekov. Nag-iyakan ang mga babae. Galit na galit ang dalawang kapatid. Nagwawala si Boris. Nagngingitngit sa galit.

" Puta! Hanapin ninyo ang pumatay kay Cekov! Hu hu hu! Ang kawawa kong bunso. Hayýy! Walang babalik dito hanggat hindi ninyo dala ang Catargan na yan! Pakilusin lahat ang ating mga tauhan!" atas ni Boris.

" Papa! Baka pwedeng pagkatapos na ng libing namin hanapin si Catargan? " sabi ni Grensky.

" Pak! Argh!" Sinampal ni Boris ang panganay na anak.

" Wala ka bang pagmamahal sa kapatid mo ? Kailangan maipaghiganti si Cekov. Hindi ako matatahimik. Sulong lumakad na kayo!" Hindi na kumibo si Grensky, kasama ang ilang tauhan ay lumakad na sila.

Sa isang hindi kilalang hotel kumuha ng dalawang silid ang magkaibigang Yuri at Pierre. Namili sila ng mga damit. Nalaman na nila na pinaghahanap na si Yuri kaya hindi muna sila gaanong lumalabas.

Sa isang maliit na taberna lang sila nagpupunta para kumain at uminom. Naalala ni Yuri si Sofia. Maaaring nakarating na ang dalaga sa syudad. Hinanap niya ang tahanan ng mga Romanoff. Nakita niya ito sa hilagang bahagi nang syudad. Nalaman ni Yuri na wala ng ina si Sofia. May matandang dalagang tiyahin ang dalaga na nag-alaga sa kanya noong bata pa. Kilala ang ama ni Sofia. Tagapayo ng Czar. Malawak rin naman ang lupain ng mga Romanoff. Marami-rami ang kanilang mga katiwala.

Ilang araw na nag-abang ang binata sa bukana ng lupain nina Sofia. Nagbabakasakali na makita ang dalaga.

Isang hapon ay naghihintay siya sa daang papasok sa mansion nina Sofia. Paalis na sana siya ng mapansin niya ang isang karuwahe papalabas sa lupain nina Sofia. Dahan-dahan niyang pinatakbo ang kanyang kabayo sa tabing daan. Nang malapit na ang karuwahe ay huminto siya. Bukas ang bintanilya. Nakita siya ni Sofia. Kaagad na pinahinto ng dalaga ang karuwahe at bumaba . Bumaba na rin si Yuri sa kanyang kabayo.

Patakbong lumapit si Sofia sa binata na napatakbo na rin para salubungin ang dalaga. Yumakap si Sofia kay Yuri. Humahalakhak sa tuwa ang dalawa. Sabik na makita ang isa't-isa! Binuhat ni Yuri si Sofia habang kayakap ang dalaga at umikot siya.

" O, aking Sofia! Kung alam mo lang kung gaano ako kaligaya sa sandaling ito. Ini-ibig kita aking mahal!" bulong ng binata!

" Mahal ko, ilang gabi na akong hindi makatulog mula ng lumisan kayo sa taberna. Ewan ko ba kung bakit hinahanap-hanap kita! Alam ko na ngayon. Mahal din kita! "

Hinalikan ng binata ang dalaga habang buhat niya ito. Yumakap ng mahigpit ang dalaga. Bumilis ang tibok ng mga puso nila. Humihingal kapwa ng magkahiwalay ang kanilang mga labi.

" Halika mahal ko. Sumama ka sa akin, ipakikilala kita kay Papa. "

"Sa ibang araw na mahal ko. Dadalawin kita."

" Maghihintay ako mahal."

Muling naglapat ang kanilang mga labi, mariin ang halik, painit nang painit. Lalong bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Napaluha siya sa tuwa sa nararamdaman niya. Nagulat na lang sila ng marinig ang tawag ng tiyahin ni Sofia. Nakadungaw ito sa bintanilya ng karuwahe.

" Sofia iha, magagahol tayo sa oras. Tayo na!"

" Opo tiyang! Nariyan na ho! Mahal, aalis na muna ako. Aasahan kita sa Linggong darating. May maliit na salo-salo sa bahay. Para makilala mo si Papa! "

" Oo mahal ko. Darating ako. Kasama ko si Pierre. "

Isang mabilis na halik sa mga labi ni Yuri ang ginawad ng dalaga at sumakay na siya sa karuwahe. Naiwan ang binata na may ngiti sa mga labi. Natagpuan na niya ang kanyang walang kamatayang pag-ibig.

Red Moon (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora