Part 16 . . . Paghahanda sa Pagsalakay

184 12 1
                                    


"Paghahanda sa Pagsalakay "

-------------

Hinayaan muna nina Yuri sina Ross at Michelle sa kanilang pagtulog. Gumanda na ang kutis ng dalawa. Nagpahanda si Yuri ng dugo ng tupa para sa dalawa. Lumipas ang maghapon ay pinuntahan ng apat ang dalawang bagong bampira. Ginising sila.

Pagtataka ang nasa mukha ng dalawa ng makita nila sina Yuri. Pinagmasdan nila ang isat-isa. Huling sandaling may malay sila ay nasa kabina sila ng barko.

"Michelle mahal ko." Bulong ni Ross at yumakap siya sa asawa.

"Sino kayo at saan kami naroroon?" Tanong niya kina Yuri.

Lumapit si Yuri sa dalawa at hinawakan niya ng sabay ang kanilang mga kamay. Dumaloy sa kaisipan nila ang mga pangyayari mula ng makita sila nina Yuri at pati na kung paano naging bampira si Yuri.

"Kung ganoon ay mga bampira na rin kami!" Sabi ni Ross.

Tumango ang apat. Lumapit isa-isa sina Sofia, Vladimir at Lucia. Ipinabasa rin nila sa dalawa ang kanilang naging buhay. Hindi na naging  mahirap kina Ross at Michelle na matanggap ang pagiging bampira nila ng matapos ipabasa sa kanila ang isipan ng apat na bampira. Wala ng ibang paraan pa para mabuhay sila. Tinanggap nila kapwa ang kanilang naging kapalaran. Nagpasalamat sila kina Yuri sa kanilang bagong buhay. Nanatili muna sila sa loob ng silid  sa itaas ng mansion. Maya't maya  ay pinupuntahan sila nina Yuri para samahan hanggat hindi pa nakakakuha ng lunas  para sa kanila.

Sa kabilang banda sa siyudad umiikot ang dalawang alagad nina Assov. Hinahanap nila si Yuri. Nagtatanong sila sa mga tao pero walang may kilala kay Yuri. Nakarating sila sa pantalan.Nakita nila ang mga taong naghihintay na makasakay sa isang barkong malapit ng maglayag. Lumapit sila sa mga tao at nagbakasakaling nagtanong. Isa sa mga pasahero ang nakarinig sa kanilang pagtatanong.

"Mga ginoo. Hinahanap ninyo ba si Ginoong  Yuri Ivanoff?" Tanong ng matanda.

"Oo sana."

"Bakit ho?"

"Magpapatulong sana kami sa kanya!"

"Mabait ngang tao si Ginoong Yuri. Makikita ninyo siya sa isang manor sa timog ng syudad malapit sa hangganan."

"Ganoon po ba! Maraming salamat at tutuloy na kami ginoo."

Nagmadaling umalis ang dalawa.

"Mauna ka ng umuwi. Magkaiba ng direksyon ang ating pupuntahan. Sabihin mo na lang kina Assov ang nalaman natin. Pupunta ako kina Yuri para magmatyag. Magkita tayo bukas sa plasa.

"Sige. Dito na ako."

Nagkahiwalay ang dalawa at nagmadali sakay ng kanilang mga kabayo.

***

Sa manor ay iniikutan ni Yuri ang nasasakupan ng kanyang lupain para makasigurong ligtas sila sa peste ng mga daga. Ilang mga katiwala niya ang kanyang nakakasalubong at nakakausap.

Inaalala pa rin niya sina Ross at Michelle. Alam niya ang pagnanasa ng isang bampira na makatikim ng dugo ng tao. Kaya binilinan niya sina Sofia at Vladimir na laging babantayan ang dalawa. Kailangan masanay sina Ross at Michelle sa pag-inom ng dugo ng hayop.

Nasa kural siya ng mga tupa ng may maramdaman siyang kakaiba. Pinahinto niya ang kabayo. Inamoy niya ang hangin. Nakinig siya. Isang mahinang tinig  ng isang kaisipan ang mahina niyang naririnig.

"Sofia! Naririnig mo ba ako?" Sa isip niya.

"Oo Yuri! Bakit?"

"Puntahan mo ako dito sa kural ng mga tupa ngayon din."

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now