Part 59 . ."Mira"

200 14 4
                                    


"Mira"

---------

Kinabukasan ay napatayo si Nick sa kanilang higaan ni Mira. Wala na naman ang mahal niya. Bampira siyang laging naiisahan ng dalaga. Laging nawawala sa tabi niya ang dalaga ng hindi niya namamalayan. Palibhasa ay hindi niya mabasa ang isipan ni Mira. Napapailing na lang siya.

Ngayon ang ensayo nilang lahat. Lumapit siya sa palamigan. Kumuha siya ng dalawang bote ng dugo. Magkasunod niyang nilagok lahat ang laman ng mga bote. Nagshower muna siya bago pumili ng maisusuot. Isang strechable na tight fit na overall ang kinuha niya. Katulad ng isinusuot ng mga scuba divers. Pumili siya ng kanyang matalas. Ang paborito niya ay ibinigay niya kay Mira. Wala ito sa kanyang lagayan. Inisip niyang dinala na ng dalaga. Kumuha siya ng kaparehong samurai. Isinuot niya ang flat sole na leather boots. Tiyak mapapalaban siya sa takbuhan kina Yuri. Iba ang ensayo nila. Sila-sila ang naglalaban para lumakas silang lalo. Noong nakaraan ay nasaksak siya ni Ross nakabawi siya. Nasaksak rin niya ng dalawang beses si Ross. Lamang lang siya dahil tumatakbo siya sa tubig kapag nagigipit siya at pinagtutulungan nina Vladimir at Ross. Hindi sila makahabol na pinagtatawanan niya. Iniisip niya ngayon kung ano na naman ang kanilang gagawin. Hindi alam ni Mira kung paano sila mag-ensayo. Lumabas siya ng silid at pumunta sa elevator.

Lumabas siya sa guwang at naramdanan niyang nasa dalampasigan na ang lahat. Tumakbo siya ng mabilis at ilang saglit lang ay nasa dalampasigan na siya. Kausap ni Yuri ang mga kapanalig nila kasama sina Renaldo at Beto. Napansin niyang panay ang tawa nina Michelle, Lucia at Sofia. Pinagtatawanan nila si Mira at napatingin siya sa kanyang mahal.

"Ano ba naman itong mahal ko!" Bulong niya at napakamot siya ng ulo.

Nasa ibabaw ng isang malaking bato si Mira. Nakahiga sa isang malapad na rubber mat at nag-iistretch ng katawan. May music pa. Nagdala ng maliit na recorder. Lumapit siya kay Mira.

"Mahal ano ba baman iyang suot mo?" Tanong niya. Tumayo siya sa tabi ng nakahigang dalaga.

Nakamaikling short na may slit pa sa gilid at hanggang midrib ang maluwang na shirt. Pero may suot siyang maikling  black cycling short. May yellow head ban pa. Naka white sneakers na mataas ang makapal na medyas. Mukha siyang sumba dancer.

"Bakit mahal mag-eensayo tayo hindi ba? Nag eexercise na ako." Sabi niya kasabay ng taas ng dalawang paa at ipinapadyak sa ere na parang nagbibisikleta. Tawa ng tawa pa rin sina Michelle.

"Hindi ganyan ang ensayo namin at tignan mo ang mga suot nila. Ikaw lang ang kakaiba!" Sabi ni Nick.

"Hindi ko ho kasi alam mahal kong señor Nick, Hayaan mo sa susunod alam ko na." sabi niya na nakangiti at kinindatan pa si Nick."

"Nakuuhhhh kung hindi lang kita mahal!" Sa isip ni Nick.

"Hi hi hi!" Tawa ng dalaga.

Tinawag silang lahat ni Yuri. Bumaba sa malaking bato ang dalawa at sumama sa naka pabilog na grupo. Nasa gitna si Yuri.

"Malalakas na ang ating kalaban. Hindi gaya ng dati na madali natin silang natatalo. Natututo na sila. Lamang tayo kung sa araw ang laban. Tiyak sa gabi sila sasakakay. Para manalo kayo kailangan ay daladalawa kayo sa isang kalaban. Huwag ninyong iiwang buhay pa.  Lahat tayong mga bampira ay may kakayanang tumakbo ng mabilis. Panalo kayo kung mas mabilis kayo sa kalaban katulad ni Nick. Maghahati tayo. Sasama ang iba sa akin at ang iba kina Nick at Mira. Tumakbo kayo sa kaliwa at kami ay sa kanan. Magtagpo tayong lahat sa kabila ng isla. Gamitin ninyo lahat ang inyong kakayanan para manalo. Alam na ninyo ang bawal na tira. Ang tamaan ng malubha ay talo  na at huwag ng tatayo. Sina Mang Benny ang tutulong sa inyo na may dalang mga boteng dugo na.  Nasa kabilang isla na sila. " sabi ni Yuri.

Red Moon (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant