Part 29 . . . Paghahanap kay Jansen

165 10 1
                                    

"Paghahanap kay Jansen"

--------

Napatay lahat ng bampira sa kastilyo ni Duke Constan. Pinalaya lahat ng mga nakakulong sa mga karsel sa ilalim ng kastilyo. Nagbunyi ang mga katiwala at mga mandirigma. Lumabas si Duke Constan sa kanyang pinagtataguang silid. Nagkita sila ng kanyang asawang Dukesa at mga anak. Nag-iyakan ang mag-anak. Masaya sina Yuri at ang mga kapatid ni Nick. Natapos at napuksa nila ang isa pang salot ng lagim. Nasa sala ang lahat at nagsasaya ng makita nilang bumababa sa hagdang bato si Nick at karga ang walang buhay ng si Duke Charles Croft. Biglang nalungkot ang lahat. Lumuha ang mga ayudante at mga mandirigma. Lumuhod sila tanda ng paggalang sa kanilang mahal na duke.

Nagpasalamat si Duke Constan sa lahat. At sinabi niya ang dahilan kung bakit kailangan niyang sundin ang mga utos ni Gustav. Nagpasalamat siya kay Duke Croft. Lumuluha siya habang nagsasalita. Naunawaan ng lahat ang Duke. Gumawa ang mga katiwala ng isang karosa. Sinapinan nila ng puting tela. Nilagyan nila ng maraming bulaklak. Inilagay ni Nick ang mga labi ni Duke Croft sa ibabaw. Inayos, nasa ibabaw ang mga kamay, hawak ang krus at nasa tabi ang kanyang espada. Tinakpan nila ng bandila ng Britanya.

Nagsimula ang prusisyon pauwing Bolstok. Dumaan ang prusisyon sa cathedral ng Vladivostok. Lumabas ang mga pari at ang Obispo. Nalaman nilang napuksa na ang mga bampira. Binasbasan ng obispo ang mga labi ng duke. Nagpatuloy ang prusisyon.

Ikatlong araw ng marating ang monasteryo ng Bolstok. Nasa kalsada ang mga mamamayan. Lumabas ang mga pari at ang obispo. Nalungkot sila ng malamang ang Duke ang namatay.

Lumabas sina Sofia, at Arianna. Sinalubong siya ni Nick. Yumakap ang dalaga. Lumuluha.

" Siya ba si ama mahal?" tanong ng dalaga.

" Oo mahal ko! Mahal na mahal ka niya, yan ang huli niyang sinabi. Nakaganti na siya sa pumatay sayong ina." humagulgol ang dalaga.

Yumakap siya ng mahigpit sa binata.

" Huwag kang mag-alala. Mahal na mahal kita aking Arianna. Hinding-hindi kita pababayaan!"

Inayos ng mga mandirigma ang mga labi ng Duke sa isang tumpok na mga troso. Nakabalot ito ng puting tela. Nakapila sila at dumadaan sa tabi ng bangkay ng duke. Bawat isa ay naghahagis ng mga bulaklak. Halos matabunan na ang bangkay. Lumapit sina Arianna at Nick. Naglagay sila ng mga bulaklak.

" Pinakamamahal kita aking Ama. Masaya na rin ako dahil kapiling mo na si Ina! Paalam Ama ko!" bulong ng dalaga.

Sinilaban ang mga troso. Nagliyab ang tumpok na kahoy. Malungkot ang lahat at lumuha. Wala na ang bayani ng Britanya, si Duke Charles Croft!

Tatlong araw at tatlong gabing nagpahinga ang mga mandirigma. Si Edward ang naging komandante nila. Handa na sila sa kanilang paglisan pabalik ng Britanya. Tapos na ang kanilang misyön. Ibinigay ng obispo ang mga gintong salapi para sa mga mandirigma at sa mga naiwang mahal ng mga namatay. Nagpa-alam si Edward sa mga Ivanoff at kay Arianna. Ibinigay ni Arianna ang espada ng kanyang yumaong ama kay Edward. At lumisan ng ang mga mandirigma.

Naging abala na si Yuri ng dalawang araw. Nasa pandayan siya. Nang matapos ang kanyang ipinagawa sa mga panday ay isinakay nila ito sa isang karuwahe. Tinawag ni Yuri ang kanyang mag anak. Nag-usap-usap sila.

" Oras na para hanapin si Jansen. May kutob akong nasa malapit lang siya ng Vladivostok. Sundan natin ang kanyang dinaanan. " sabi ni Yuri.

" Papa, anong parusa ang igagawad mo sa kanya. ?" tanong ni Vladimir

" Malalaman din ninyo kapag nahuli na natin siya ng buhay. " sagot ni Yuri.

" Papa, mauna na ho ako. Sasalubungin ko na lang kayo kapag nalaman ko na kung nasaan si Jansen. " mungkahi ni Nick.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now