Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"

176 16 1
                                    

"Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man."

--------

"Miraaaaaa!" Sigaw ni Nick.
Binuhat niya ang dalaga at mabilis na tumakbo. Ilang saglit lang ay pumapasok na sila sa mansion. Nagulat sina Yuri na nasa mansion na ng makita ang kalagayan ni Mira.

"Ipasok mo siya sa silid Nick." Sabi ni Vladimir na isang doctor.

Inilapag ni Nick si Mira sa kama. Tinignan siya ni Vladimir. Malaki ang sugat sa ulo ng dalaga. Mahina na ang tibok ng kanyang puso at dumadalang na siyang huminga ng kusa. Tumingin si Vladimir kina Yuri at Sofia. Umiling siya. Naghihingalo na ang dalaga.

"Hindi mamatay ang mahal ko!" Sabi ni Nick ng makita ang reaksiyon ni Vladimir.

Umupo siya sa gilid ng kama at yumuko. Ipinaling niya ang ulo ni Mira. Pumula ang kanyang mga mata at lumabas ang kanyang mga pangil. Hindi siya pinigilan nina Yuri sa kanyang gagawin. Kinagat niya ang leeg at bumaon ang kalahati ng kangyang mga pangil. Dumaloy ang venom mula sa butas sa dulo ng kanyang pangil at pumasok sa ugat sa leeg ng dalaga.

"Sofia kumuha ka ng espesyal na dugo. Kakailanganin ni Mira na makaa-inom ngayon." Sabi ni Yuri.

Lumabas sa silid si Sofia at pumunta sa lihim na silid. Binuksan niya ang isang kaha de yero at kinuha sa loob ang isa sa mga lalagyang umuusok dahil sa lamig ng namumuting yelong nabuo sa katawan nito . Binuksan niya. Kumuha siya ng pang-ipit at kinuha sa loob ng lalagyan ang isang plastik pack na nakababad sa liquid nitrogen. Tumigas ang pack dahil sa lamig ng nitrogen. Isinara niya ang lalagyan at ibinalik sa loob ng kaha de yero.

Pinainit niya ang plastik pack sa loob ng micro wave oven. Natunaw ang tumigas na dugo sa loob ng pack. Kumuha siya ng tatlong baso at dito niya ibinuhos ang dugo ng taong lobo. Bumalik siya sa silid. Tahimik sina Nick na nakatingin kay Mira na humihinga pa. Ilang sandali pa ay tumigil na ang dalaga sa paghinga. Pinulsuhan siya ni Vladimir.

"Patay na siya!" Sabi ni Vldimir.

Naghintay sila. Umangat ang dibdib ng dalaga. Muling pumintig ang kanyang puso. Napangiti na sina Yuri.

"Nick painumin mo na siya ng dugo mo!" Sabi ni Yuri.

Nakapikit pa rin si Mira. Idinikit ni Nick ang kanyang braso sa bibig ng dalaga. Bumuka ito at lumabas ang mga pangil. Kinagat niya ng buong diin ang braso at nagsimulang sumipsip ng dugo ni Nick. Nahihilom ang mga sugat ni Mira sa katawan at ulo.

"Tama na mahal ko!" Bulong ni Nick at bumitaw ang dalaga. Dumilat siya. Kulay berde ang kanyang mga mata. Nagtinginan sina Yuri st Sofia sa nakita nila ang kulay ng mga mata ni Mira. Umurong ang kanyang mga pangil at. . .

"Nick mahal ko!" Sabi niya at yumakap kay Nick.

"Oh Mira. Hindi ko hahayang mawala ka sa akin!"

Humiwalay si Mira at tumingin siya kina Yuri na nagtataka. Tinignan niya ang kanyang damit. Puro dugo ito.

"Ano ito? Ang naalala ko ay pinagtangkaan akong pagsamantalahan ni Gerald at tumalon ako sa bintana."

"At namatay ka!"sabi ni Yuri.

Tumingin si Mira kay Nick. Sinalat niya ang kanyang leeg. Wala na ang dalawang sugat.

"Ginawa mo akong bampira Nick?"

"Oo mahal ko. Iyon lang ang tanging paraan para mabuhay ka."

"Ginawa mo ako na isang halimaw?"

"Oo at mahal kita maging halimaw ka man!"

"Ohhhh Nick! Mahal na mahal rin kita!" Yumakap siyang muli kay Nick at napangiti na ang lahat.

"Ano na ngayon ang nararamdaman mo Mira?" Tanong ni Yuri. Sumandal sa headboard ng kama ang dalaga.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now