"Hindi naman kita iniiwasan, ah?"

"Hindi dapat."

Hinawakan na niya ang kamay ko at tinuruan niya ako kung paano ang tamang hawak ng gitara.

"Relax your fingers, Shanti..."

"Like this?"

"No... I said relax it."

"Teka, may alam akong itugtog, Keaton. Listen..."

"Really?"

Binitawan na nga niya ako at pinanuod niya ang gagawin ko. Hindi naman talaga ako marunong at wala akong alam.

I am not a good singer or a musician, but I really love this song and I wanted to sing it for him. Kahit mali pa ang pag-strum ng gitara ko.

I see your monsters
I see your pain
Tell me your problems
I'll chase them away
I'll be your lighthouse
I'll make it okay
When I see your monsters
I'll stand there so brave
And chase them all away

I wanted to let him know how I sincere I was to chase his monsters, and his fears. Kung hindi niya iyon kayang gawin para sa sarili niya, ako ang gagawa para sa kanya.

I'll fight the dark Keaton... I'll save him.

Kahit gaano kalamig...

Nang maintindihan ni Keaton ang kinakanta ko ay ipinatong niya ang kanyang mukha sa balikat ko.

"I don't want you to fight for me. I just want you to stay beside me..."

Umiling ako. Kung hahayaan ko na ganito na lang kami, sandaling sumabog siya hindi lang siya ang maapektuhan, pareho kami.

If he's afraid, I'll try to be braver. Kasi ganoon naman talaga ang pagmamahal, kung ang isa sa inyo ay nanghihina, hindi mo siya pwedeng sabayan at manghina rin sa harapan niya.

I would brave all his fears with my head held up high, and my heart beating for him. Sa abot ng makakaya ko.

"Don't..." ulit sa akin ni Keaton.

Pero simula nang makilala ko siya, minsan ba ay nakinig ako sa lahat ng sinabi niya? I was born stubborn. At hindi na iyon magbabago.

Keaton Samonte didn't let the lyrics linger on my lips. The guitar went into silence, and everything seemed to stop. Our lips met, and no matter how cold his eyes were, his words, and his personality, when I felt his kisses, I couldn't ask for any softness in this world, but his lips savoring mine.

Our one last kiss that I wished never lasted.

**

Maaga akong inihatid ni Keaton. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa gate ng campus. He kissed my cheeks before I ride off his car.

"I'll fetch you later. Be a good girl, seloso ako."

Ngumiti ako sa kanya. "Be a good boy rin."

Tipid lang na tumaas ang sulok ng labi niya bago niya itinaas ang bintana ng sasakyan at umalis na sa harapan ko.

The class went perfectly fine. Lunch break nang makita ko sa canteen si Kalas, isang malaking himala na wala siyang kasabay na babae o kaibigan man lang, sa tuwing nakikita ko kasi siya ay lagi siyang kasama.

Baka nadiskubre na nilang isa siyang malaking Kalas. Malapad ang ngisi ko sa kanya pero agad ko rin iyong itinago nang lumingon siya sa akin, muntik ko nang makalimutan na may mga mata nga pala ang magkapatid na Samonte sa kanilang likuran.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon