Chapter 24

102K 6.8K 3.5K
                                    

Chapter 24


Milk Tea

I thought the kalong would last until we've done eating, but Keaton Samonte let me go. Not too disappointed, though. Kain is life.

"Boss, you should eat."

Nakailang subo na ako ng pagkain pero nakikita ko na ilang beses palang siya sumusubo.

"You should eat a lot to build your stamina." Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko.

"Believe me. I have plenty of stamina, Shanti."

"That's good, then."

Katulad ng laging nangyayari, mas nauuna siya sa akin matapos kumain habang hindi pa ako nangangalahati. Hindi na naman siya nagsasalita at pinagmamasdan niya lamang ako.

It's awkward, kaya napipilitan akong kausapin siya kahit mas gusto ko munang kumain. Abala talaga ang mga instik.

Nagsalin ulit ako ng wine. Ang mga Mexicana na katulad ko ay mataas ang tolerance sa alak, besides, this is just a wine.

"Umiinom ka ba talaga, Shanti? Namumula ka na." I faked my laughter.

"Boss, sanay ako. Come on, typical Mexicana..."

"I see..."

"So... you're staying for good na, boss? Malaking balita nang bigla kayong bumalik sa Enamel, isama pa na kasabay n'yo rin bumalik ang mga De Mesa sa iisang taon."

"Yes."

"Hmm..."

"Tell me about Autumn, bakit kayo nag-break?" natigilan ako sa paghiwa ng steak sa tanong ko. Shit. Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko? Isinubo ko agad ang steak at mabilis na uminom sa una kong nahagip na baso para agad ko iyong malunok.

"Let's not talk about her."

"Oh, sorry... but..." bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko?

Noong panahon na kami pa ni Langston ang naglolokohan, ilang beses ko silang magkasama ni Autumn and they seemed nice. Hindi ba masama ang magtaka?

Bumuntong hininga siya. "She's a nice girl. Very pretty. But we didn't end up well."

"Nagtataka lang ako. We're so different, chinita siya, hindi sobrang tangkad, sexy at maputi!"

"Are you jealous?"

"N-no! I am just curious. What's the sudden change of preferences?"

"Mas gusto ko na ang mga Mexicana..."

"You mean my curls? Nagpakulot din si Autumn tanda ko! Sa dulo. Gusto mo ba ay mga kulot na babae?"

Nakita ko na muntik na siyang tumawa pero mabilis niyang kinuha ang tubig at uminom siya.

"You're funny when you're—" sumulyap siya sa bote na wine na malapit nang maubos. "Nevermind."

"You tell me..." sumubo ulit ako ng pagkain.

"It's not about the curls, La Rosa. Silly..."

Ngumuso ako at naghanap ulit ako ng pagkain, nagsimula akong hiwain ulit iyon nang may naalala ako.

"Dalawa na pala ang manliligaw ko..."

"What?!"

I looked at him. "Si Leiden Arellano."

"Arellano na naman..." bulong niya.

Bigla kong naalala na naging ex din ni Autumn Olbes si White Arellano at hiwalay na sila ngayon matapos ang eleksyon. Buong akala ko talaga ay hindi makakatapos mag-aral iyong si Autumn dahil nabuntis ni Arellano. Kaya nakakagulat na naging boyfriend niya pa si Keaton sa sobrang landi nila White Arellano.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon