Chapter 23

100K 7.2K 3.2K
                                    

Chapter 23

Sa tabi

Sa wakas. Nakarating na rin kami sa restaurant. Akala ko ay hindi na ako aabutin doon na tumitibok pa ng tama ang aking puso.

Keaton Samonte is unfair. How could he assault my heartbeats that simple yet terrifying? How could he utter a few words but made me dumbfounded? How could be so quiet but so damn attractive?

Nauna siyang bumaba at inilahad niya ang kamay niya sa akin para alalayan ako. Dahil malakas talaga ang hangin, ang isang kamay ko ay nakahawak pa rin sa sombrero ko na nasa ulo ko.

Nang makababa na ako ay hinayaan niya nang humiwalay ang kamay ko sa kanya. Tinanggal ko na ang sombrero ko dahilan kung bakit ginugulo na naman ng hangin ang kulot kong buhok.

"Ba't ba ang lakas ng hangin?" iritadong sabi ko habang naglalakad na kami patungo sa restaurant.

"But I like the brim hat, very convenient."

Lumingon ako sa kanya. "Convenient, lagi ngang nalilipad---" huli na bago ko naintindihan ang ibig niyang sabihin doon. Shit!

I rolled my eyes. "Convenient, huh?"

"Don't roll your eyes. I can still deduct your salary. I am your boss."

"Sweetheart, I can always roll my eyes to my boss because it's you." I copied some of his line and gave him a wink.

Samonteng lamig crossed his brows as my beautiful smile didn't waver to plaster in front of him.

Hindi na siya nagsalita pero tinanggal na niya sa pagkakabulsa ang kanan niyang kamay. Saglit tumaas ang isa niyang kilay nang mas ibinuka niya ang kanang braso niya. I knew that move, boss.

"H-hindi ako sanay, boss..."

Hindi niya tinanggap iyong sinabi ko dahil mabilis na pumulupot ang kanang braso niya sa bewang ko at mas kinabig niya ako patungo sa kanya. I thought it would be the same position just like what we had at the hotel entrance. Hawak bewang na pala.

"Sasanayin kita..." bulong niya bago siya humarap sa crew ng restaurant na malawak ang ngiti sa amin.

"Good evening, Ma'am, Sir..."

"I have a reservation. Keaton Samonte."

Nang banggitin niya ang pangalan niya parang may tumunog na emergency signal sa utak ng crew na nasa harapan namin. "Very well, sir! We've been waiting for you."

"Good."

Nang makapasok kami sa restaurant nadagdagan na naman ang paghanga ko sa resort na ito. Montenegro Hotel and Resort is not your typical overhype resort na maganda lang talaga ang pictures sa facebook at mga advertisements, dahil bawat detalye rito ay wala napakaganda.

The lighting of the restaurant was not too bright, but not too dim. The tables were mixtures of white and blue linens, and the chairs were comfortable enough with its rattan made style. The walls on the first floor were designed in small rock with some abstract painting hanging, while there were plants and expensive vases on some sides.

The second floor offered a beautiful view that overlooked the sea as its walls were glass made. Ngayon ko lang napansin na may mga upuan din pala sa labas para sa mga tao na hindi yata nilalamig at gusto sa mahangin.

Pansin ko na konti lang tao rito sa second floor kumpara sa first floor, kung hindi pa ako nagkakamali ay tatlong pares lang kami. Pinili ni Keaton Samonte sa dulo kung saan may nakaharang pa na malaking column na nagawa lang naman takpan ang pwesto namin ni Keaton Samonte kung gugustuhin kaming silipin ng ibang guests.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon