Chapter 52

90.6K 6K 2.2K
                                    

Chapter 52

Steal

Isang linggo na naman ang lumipas, pero kahit ang anino ni Keaton Samonte ay hindi man lang nagparamdam.

Nakakahiya naman doon sa iPhone niya. May pa-iPhone pa siya, wala naman yatang load o baka hindi maka-connect sa wifi. Nakakahiya naman sa mamahalin niyang relo na isang malaking bahay na rito sa Pilipinas, hindi man lang niya napansin na hindi lang oras ang lumipas simula ng sinabi niyang babalik siya.

Bakit ba hindi na ako nasanay? Simula ng isilang ako rito sa mundo ay scammer na iyong karamihan sa intsik na nakikilala ko.

Akala niya siguro ay madali na lang makababalik sa akin dahil gustong-guto ko siya?

Ano ang tingin niya sa akin marupok? My ideal type of man is Mexican! He's not even a Mexican, he's Chinese. Iyong parang si Sergio sa Marimar!

Nagayuma lang yata ako ng intsik na iyon at kung anong insenso ang pinasinghot sa akin ng mga panahong nagtatrabaho ako bilang sekretarya niya.

"Right! Hindi ako marupok at nagayuma ako! Pahihrapan ko siya sa sandaling bumalik siya sa akin. Gago!"

I harshly closed the car's door. 

I faced the entrance of Montenegro Hotel and Resort. My sisters told me that I should unwind and think of something else.

Mas mabuti na rin siguro ito. Kahit ng mga panahong hindi pa kami nagkikita ng scammer na iyon, matagal-tagal na rin simula ng hindi ako nakapagpahinga.

Since I had already booked a reservation, and I have a friend inside the management, I wasn't surprised about the welcome.

"Ashanti, welcome..." bati sa akin ni Patrick.

He's the son of this famous resort. I couldn't help but admire him. Simula ng bata ay siya ay iminulat na siya sa mundo ng pagnenegosyo, sa bawat pagpunta ko rito ay lagi ko siyang nakikita. Parang dito na nga siya lumaki.

Oddly, I've seen him so small before, but right now, he's taller than me.

"Hi, Patrick!"

Simula rin ng mas tumangkad na siya sa akin, hindi na siya tumatawag sa akin ng ate. Well, boys.

He walked towards me with a smile on his face, his right hand quickly reached my waist as he gently leaned on me to bent a kiss on my cheeks.

"It's been a while, how are you?"

I rolled my eyes. "Nandito lang ako last few months ago."

"You do?" Nagkunwari pa siyang nagulat.

"It feels like a long time..."

Hinampas ko ang balikat niya. "Stop flirting with me, Patrick!"

He chuckled. "So, ikaw lang talaga?"

"Yes."

"May I?" hindi na ako nakapagprotesta nang agawin niya ang malaking bag ko. Tumawag siya ng crew at pinadala na iyon sa kwarto ko.

Habang naglalakad kami patungo sa receptionist table, pansin ko na may lalaki rin na nandoon pero wala sa babaeng nagsasalita sa harapan niya ang atensyon, kundi sa amin ni Patrick.

Both of his arms were leaning on the table, but his whole attention was on us. His brows were arched. Patrick stopped his stories when he noticed that I was not listening and staring with someone else.

"Damn it. I forgot about him." Bulong niya.

Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na nga kami sa harap ng receptionist.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon