Chapter 2

152K 6.8K 1.1K
                                    

Chapter 2

Threat

"Walang sundo? Ihatid na kita." Leiden Arellano winked at me.

I smirked and continued to walk. Hindi ko siya pinansin katulad ng lagi kong ginagawa. He's too overconfident, rude and well a walking trouble.

Paulit-ulit ko itong ipinapasok sa isip ko sa tuwing lumalapit siya sa akin. Isa siya sa kilalang apo ni Governor Arellano, isa sa tatlong pinakamayayabang sa St. Luciana, isama na si White at Gilbert. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit lagi siyang lumalapit sa akin.

Not that he likes me or something, dahil nakikita kong kung sinu-sinong babae ang kasama niya kapag nakakasalubong ko siya at talagang magaganda at sexy kumpara sa akin.

It's just because he heard something years ago when I was talking with my sisters before. Maybe that caught his attention or curiosity kung itutuloy ko ba ang mga sinabi ng mga kapatid ko.

No way.

"Ashanti, listen to our mother. Try to get White Arellano's attention. He's single." Muntik na akong masamid sa sinabi ni Ate Ariana.

Why to all people? White Arellano? Seriously? Kahit sinong may mata rito sa St. Luciana, madaling malalaman na patay na patay si White Arellano kay Autumn Olbes, like, duh? Besides, mapuputi ang gusto no'n.

"Ate, I can't. Hindi ako matitipuhan ni White, gusto niya mapuputing babae. And he only got his eyes on someone else. And please... I hate politics."

"What about the other Arellanos?" tanong ni Ate Aliyah.

"W-what? No." Giit ko.

"Yes, it's a no. Kung Arellano na lang din, mas mabuting iyong sa paboritong apo." Sagot ni Ate Ariana.

Ngumiwi ako, I hate favoritism.

Sa huli iniwan ako ng dalawa kong kapatid mag-isa sa canteen. Buong akala ko ay maitutuloy ko ang pagkain ko ng maayos nang may isang lalaking naupo sa harapan ko. Tuluyan na akong nasamid nang makilala ko siya. He grinned before giving me his unopened mineral water.

Pinangalahati ko iyon bago ako nakahinga nang maayos at magsalita sa lalaking nasa harapan ko.

"Thanks..." I said.

"You're a La Rosa, right?"

Sa tanong niyang iyon, alam ko nang narinig niya ang pinag-uusapan naming magkakapatid. He'd definitely think that the rumors were indeed true. We're a family of social climbers which was partly true, shamefully.

"Yes, why?"

"I am my parent's favorite, does it count?" My eyebrows crossed.

Simula ng araw na iyon, ginawa ko ang lahat para iwasan si Leiden Arellano, hindi ko gusto ang paraan ng una naming pagkakakilala sa isa't-isa, lalo na at alam kong iisa lang ang tumatakbo sa isip niya sa tuwing nakikita ako.

Social climber, and I hate it.

"No need, Arellano. Susunduin ako ni Lants."

Sumipol si Leiden sa sinabi ko. "Are you sure that he's serious on you? Or--" sinadya niyang bitinin ang sasabihin niya.

I glared at him. "Don't judge me."

Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere habang nakangisi sa akin. "I am not judging you. You're just paranoid, La Rosa."

"Leave me alone." I said before turning my back on him. Hindi ko alam kung iyong pang-aasar ni Leiden sa akin ang bumubuo ng buhay niya sa araw-araw.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon