Chapter 37

91.5K 6K 1.7K
                                    

Hi, angels! It's been a while. I am really sorry for my supeeer late update! Huhu. Too busy these past few weeks. I'll try my to best to bring back my old pace. I'd like to thank all of you for the consistent support and love! And hey! We've reached 1 Million followers! Until now I couldn't still believe it! Sa tuwing napapatingin ako sa number ng followers natutulala pa rin ako!

I hope everyone is doing well. To all my readers in the Philippines, please take care of yourself (doble ingat po). To all my OFW readers, I hope the warmth of my stories make you feel happy. Ingat din po kayo!

 You are my angels, and COVID-19 wouldn't stop us from seeing each other in 2023. 

Happy reading! Yes! I am back! Haha


Chapter 37

His Secret

I didn't expect his presence, and I never wished for him to come. I pushed him away and wished that we never crossed paths, but why couldn't I stop myself from hurting when I heard the news about him?

He went away to the place where he could find his first love.

I shouldn't think about his decision. I should be happy thinking about my freedom. Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko, hindi na ako mag-iisip parati sa bawat kilos ko at lalong hindi na ako kakabahan na anumang oras ay may sisigaw at magagalit sa akin.

Wala na akong matatanggap na pagbabanta at hindi ko na muling mararanasan pa ang nakakasakal niyang pagmamanipula sa akin.

The moment I opened my eyes after the accident, I've been trying to convince myself that I made the right decision. Tama iyong ginawa kong pagtaboy sa kanya, hindi na maganda ang sitwasyon ng relasyon namin.

It's not healthy for us anymore, but my tears knew how to betray me. Walang pasabi iyong bumuhos ng marinig ko ang balita na pumunta na siya sa ibang bansa.

Sa parehong bansa kung saan naroon si Autumn. His first love. Dapat ay pigilan ko ang sarili kong isipin ang naging desisyon niya. Dapat ay hindi na ako nag-iisip na ngayo'y kapwa sila malungkot ni Autumn, umalis ng bansa dahil sa parehong dahilan at naghahanap ng bagay na maaaring makapagpalimot sa kanila.

Si Autumn na gustong lumayo kay White Arellano at si Keaton na ipinagtabuyan ko.

Bumilis ang pagpindot ko sa remote at halos ibato ko na iyon nang wala akong mapili na channel.

Autumn and Keaton is a good pair. Dahil bukod sa hindi malayo ang estado ng kanilang mga pamilya, hindi man sinabi sa akin ni Keaton noon, pero alam kong gustong-gusto siya ng mga Olbes para kay Autumn higit kay White Arellano na hanggang ngayon ay kaaway ng kanilang pamilya.

"Ashanti, wala na tayong pera tapos sisirain mo pa ang remote ng hospital." Sita sa akin ni Ate Aliyah.

Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang ilibing si Papa pero hindi pa rin nababago ang pakikitungo sa akin ng dalawa kong kapatid. Hindi man nila sabihin sa akin, hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi nila.

Matapos ang libing, tatlong beses na akong nadadala sa hospital. Una ay dahil sa nangyaring aksidente sa akin na halos dalawang linggo akong nanatili rito, sumunod ay ang pagkakasakit ko at biglaang pagkawala ng malay.

Ibababa ko na sana iyong remote nang biglang ipalabas sa tv ang Marimar. Ilang beses akong napamura sa isip ko, nangangatal na ang kamay ko at nang akma ko na talaga iyon ibabato sa tv, lumapit na sa akin si Ate Aliyah at inagaw na ang remote sa akin.

"Tigilan mo na nga iyan!"

Pinatay na niya ang tv at naniningkit ang mga mata niya sa akin bago siya bumalik sa kanyang upuan.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon