Chapter 57

90.9K 5.9K 917
                                    

Chapter 57

Snowman

I've known Keaton Samonte for being manipulative. Simula pa lamang ng mga panahong nagtatrabaho ako sa kanya hanggang sa naging boyfriend ko siya.

His every plan is working the way he expects. Ganoon ko siya nakilala at nabibilang lang siguro sa kanyang daliri iyong mga plano niyang hindi nagtagumpay. Siguro dahil alam niya kung paano umatake sa iba't ibang sitwasyong kinahaharap niya.

O tamang sabihin na alam niya kung saan ang kahinaan ko. I love him, I really do. At sa tuwing lumalapit siya sa akin, inaamin ko na nakakalimutan ko na ang lahat ng kasalanan niya.

I just want to lock him in my arms and coat him by my own ice. Uri ng matigas na yelo na walang sinuman o anuman ang makatitibag kundi ako. Gusto ko siyang ilayo roon sa mundong humihila sa kanya papalayo sa akin.

Kaya sa tuwing bumabalik siya sa akin, sa halip na itulak o manumbat sa kanya, ito ang mga braso ko at handa siyang tanggapin muli.

Foolish? I guess I am foolish in terms of love.

I love him so much, and I hate myself for spoiling him too much. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at paulit-ulit na pagtanggap, alam kong malaki ang posibilidad na mawalan ako ng kapangyarihan sa relasyon namin.

I should stop this. Yes, I should stop this game and face reality. I shouldn't coat our real problem with the mist of silliness. Because at the end of the day, we will still face the problems that we left three years ago. And I should stop denying the fact that I am still afraid of his reasons.

Alam kong kapwa kami takot. He's still afraid of my action after hearing his side, and I am afraid of the realizations that I might hear from him.

We're both afraid of the outcome, and we're purposely diverting it to something that would give us a break. Pero tama na siguro iyong takot, pagpapanggap at pag-iisantabi ng mga problema.

Unti-unti akong gumalaw at hinarap ko si Keaton. We're both lying on the bed sideways.

"Shanti..."

Iginalaw ko ang mga kamay ko at marahan kong hinawakan ang mukha niya. I gently kissed his forehead.

"I love you..." bulong ko sa kanya.

Humalik ako sa tungki ng ilong niya hanggang umabot ako sa kanyang mga labi. It was supposed to be smack, but when his lips moved and responded, my eyes closed slowly, and together we allowed our emotions danced with our own waves.

Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko, kusang humaplos iyong mga kamay ko sa kanyang buhok niya. silently watched the ceiling, thinking about what will happen next.

Maybe Keaton noticed the sudden coldness of my reaction. He stopped, and stared down on me. Mariin siyang napapikit at agad umalis sa pagkakadagan sa akin.

Naupo siya sa kama at gumawa ng distansya sa akin. "I'm sorry..."

Nanatili akong nakahiga. Pinili kong tumalikod muli sa kanya at tumitig na lamang doon sa kurtina na kasalukuyang nililipad ng hangin.

"I think we should stop this, Keaton... the stalling..."

He sighed. "Yes... I am sorry."

Bumangon na ako pero nanatili akong nakatalikod sa kanya. Sinubukan kong pagsalikupin iyong magulong kulot kong buhok, pero hindi ko naman iyon nagawa dahil maiksi pa ito.

"Tell me about the fire..."

"Someone tried to kill me, Shanti." Kumuyom iyong mga kamay ko. Pinili kong manatiling nakatalikod at hayaan ang sariling makinig muna.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon