Chapter 39

85.1K 5.4K 1.8K
                                    

Chapter 39

The Planners

After three years...

Akala ko noon ay lagi ko nang maiisip ang lahat ng nagpagdaan ko kasama siya at ang mga kasagutang pilit kong gustong sagutin noon, pero nang sandaling mas binigyan ko ng atensyon ang pamilya ko at ang mga pangarap ko, iyong sakit, pangamba at takot ay unti-unti nang natatabunan.

Napalitan ng bago at masasayang memorya siyang naging dahilan para higit akong mabuo at magpatuloy sa buhay.

My relationship with my sisters went well. I never wished for their relationship break-ups, pero ilang buwan din matapos namin ipangako sa aming mga sarili na gusto naming gibain ang imahe ng mga babaeng La Rosa buong Enamel, nabalitaan ko na lamang na wala na silang mga kalamay na boyfriend.

I never voiced out that I was glad, pero kilala nila ako, kahit hindi ko man iyon sabihin sa kanila, mas masaya ako na katulad ko ay mas binibigyan na nila ng pansin ang kanilang mga pangarap na walang pagtapak sa hagdanan ng iba.

La Rosa women can build their own stairs to climb up. Kung hindi man ganoon ang tingin ng nakararami sa mga naunang La Rosa, kaming apat na magkakapatid ang unang magmumulat sa kanila na iba kami sa kanilang pinaniniwalaan.

It's been months when we had our new house. Hindi naman iyon kalakihan kaya nagawa namin iyon mabili magkakapatid, lalo na't magaganda na rin ang trabaho naming tatlo at si Alissa na ilang taon ay matatapos na rin sa pag-aaral, hindi na rin naman namin problema ang tuition dahil sa scholar siya.

Si Mama naman ay hindi rin tumigil sa pagtatrabaho kahit pinapatigil na namin siya.

My mom's flower shop, La Rosa Blooms is now famous in Enamel. Hindi iilang beses na napapahanga kaming magkakapatid sa malalaking kliyente niya na nagagawa pang dumayo sa Enamel para lang sa flower arrangement ni Mama.

Right now, I could finally say that my family is completely healed and continually moving forward. Isang bagay na siyang ipinagmamalaki ko sa nakalipas na tatlong taon.

Matapos ang nangyaring pag-uusap namin ni Aldus Ferell noon at ang ginawa kong pag-iyak sa harap ni Farrah at ang pangangako namin magkakapatid sa isa't isa, little by little, my hands were picking up my pieces.

Mga pirasong hindi lang para sa akin kundi sa buong pamilya ko.

I am completely happy and satisfied.

Marami rin nangyari sa loob ng tatlong taon, akala ko ay mararamdaman ko ang presensiya ni Aldus dahil sa ginawa niyang pagbabanta sa akin pero iyon na ang huli naming pagkikita, narinig ko rin ang balita tungkol sap ag-alis ni Leiden at pagpapatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa, samantalang nanatili rito sa Pilipinas si Langston. Ilang beses ko siyang nakakasalubong noon sa campus pero hindi man niya lang ako kinakausap o tinitingnan man lang na parang wala kaming pinagsamahan. Hindi ko naman iyon pinaka-isip dahil mas gusto ko pang ganoon ang pakikitungo niya sa akin.

"Ashanti, magmerienda ka muna!" sigaw sa akin ni Ate Aliyah na lumabas sa terrace na may dalang juice at tinapay.

Ibinaba ko muna iyong timba at ang hose bago ako nagmadaling pumunta sa kanya.

She placed the tray of foods on the table before she threw a towel on me.

"Bakit hindi na lang kasi ipa-car wash? Nagpapakahirap ka pa na linisin iyan. Sobrang tipid, Doc?" Ate Ariana rolled her eyes.

Natawa ako sa sinabi niya. "In the making... pinapalaki mo naman ang ulo ko. At ang tagal pa ng proseso."

I am currently taking my master's degree, Major in Clinical Psychology, and happily enjoying it.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon