Chapter 22

107K 7.8K 3.6K
                                    

Chapter 22


Mexicana

I blinked a lot of times. Did he call me, sweetheart?

I tried to open my mouth to breathe a word, but I ended up closing it again. If he really did call me that, didn't he supposed to act awkward or something?

But look how handsome he was right now, with his brows crossed, cold eyes, some signs of prodding veins on his temple, and his hands tightly shut inside his pockets like he was about to strangle my neck if he'd not strain it.

Did I just offend him or something? But he called me sweetheart! He should be smiling, but look how devilishly hot he was with his 'mainit ulo' look.

Since I wasn't sure if that endearment was really meant for me, I awkwardly tried to look around and find a possible prospect for his well... sweetheart.

My heartbeat skipped faster when I found no one. Shit!

What's with Keaton Samonte and his word 'Stop that'? I remembered the same words when I was inside his office playing my ball pen.

"Well?" he said.

"W-what?"

He didn't wait for my answer, and he continued to walk, leaving me behind. "W-wait lang!"

When I finally reached him at the entrance of the hotel, I expected that he'd glance at me, and he would tell me something, but he pretended that he didn't utter that word.

"Akala mo hindi ko narinig?" I said in my low voice, but audible enough for him to hear.

Hindi siya sumagot sa akin at nagkunwari na naman siyang hindi ako narinig. Magaling talaga magpatay malisya itong si Samonteng lamig.

Nanatili kaming tahimik dalawa ng mga ilang minuto nang mapansin ko na tipid niyang iginalaw ang kanan niyang braso pero nanatili pa rin siyang nakapamulsa. What is that?

Nagtataka akong sumulyap sa mukha niya na hindi naman nababago ang ekspresyon. Gusto niya ba na humawak ako roon? Hmm.

Napanguso ako at tinanaw ko ang kasabayan namin na lumabas sa hotel, nakasakay na sila sa beach cart, nandito pa rin kami ng boss ko na hindi nagsasalita. Nasaan na ba iyong susundo sa amin? Kung hindi ako nagkakamali ay may dadaan sa beach cart din kami sasakay na siyang magdadala sa amin sa restaurant.

Sumulyap ulit ako sa kanya, ganoon pa rin ang posisyon ng braso niya. Baka nangalay lang kaya binago niya ang posisyon ko. Pinili ko na manatiling nakatayo at hindi gumalaw. Paano kung mali na naman ang pagkakaintindi ko roon? Paano kung nag-iinat lang siya?

"Miss La Rosa."

"B-boss?"

Hindi siya nagsalita pero iyong galaw ng mata niya ang nag-utos sa akin na humawak na nga ako roon sa braso niya. Kaya agad akong sumunod sa kanya sa nangangatal kong kamay.

Tumikhim lang siya at hindi na naman nagsalita. This is so awkward!

Tatlong minuto na kaming nakatayo roon ni Samonte, hindi pa rin dumadating ang sundo namin. Ilang beses na rin siyang tumitingin sa relo niya.

"Lakarin na lang kaya natin, boss?"

"What?" pinasadahan na naman niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Isang minuto ulit ang lumipas na katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa, hanggang sa tanggalin ni Samonte ang nakakawit kong braso sa kanya at humarap siya sa akin.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon