Part 66 . . . "Limang Espirito ni Arielle"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit hindi ka tumingin sa likuran mo?"   sabi ni Arielle.

"AHHHHH!" Nagulat si Jansen. Nasa likuran nga lang niya ang bata. Binilisan niya ang kanyang paglipad. Puma-itaas pa siyang lalo. Pero hindi umaalis sa kanyang likuran si Arielle.

"Bawasan kaya natin ang pakpak mo!" sabi ni Arielle. Hinawakan niya ang isang pakpak ni Jansen. Bigla itong nasunog. Kulay asul ang apoy.

"YAHHHHHHH!" Nawalan ng balanse si Jansen. Umikot ang kanyang katawan. Binilisan niya ang pagkampay pero iisa na lang ang kanyang pakpak. Mabilis na natupok ang isa.  Bumulusok siyang pababa sa lupa. Lumagapak ng malakas ang kanyang katawan sa lupa.

"AHHHHHH!" Naramdaman niya ang sakit sa buo niyang katawan.

Lumapit si Arielle sa kanyang tabi. Namimilipit si Jansen sa sakit. Nagpupumilit siyang makatayo. Wala siyang balanse. Umurong ang isa niyang pakpak saka lang siya nakatayo. Gusto niyang ipakita na malakas siya kaysa sa bata.  Pumula lahat ang kulay ng kanyang balat. Mukha na siyang demonyo. Sungay na lang ang kulang sa kanya.

"Sugurin ninyong lahat ang bata  at patayin!" atas niya sa kanyang mga alagad gamit ang kanyang isipan  na narinig nina Yuri ng hindi niya alam dahil kay Arielle. Akala ni Jansen ay may harang ang kanyang isipan laban kina Yuri. Binuksan ito ni Arielle.

Sumugod ang kanyang mga alagad na bampira sa bata kasabay ang mga asong lobo. Lumabas ang limang espirito sa katawan ni Arielle na ikinagulat ni Jansen ng kanyang makita. Lumipad ang mga ito at sinalubong ang mga asong lobo at bampira. Pinasok nila ang mga katawan ng dalawang grupo.  Biglang nagharapan ang mga bampira at  asong lobo  at sila-sila na ang nagpatayan.

Pasugod na sana sina Yuri sa mga alagad ni Jansen pero ng makita nilang bigla na lang nagpapatayan ang mga ito ay nanood na lang sila. Parang natulala si Jansen. Naubos ang kanyang mga alagad. Iisa na lang ang natira sa mga Russong asong lobo, si Mikhail at duguan. Sinugod na siya ng mga alagad ni Kiel at pinagtulungan. Wakwak ang leeg at katawan ni Mikhail ng tigilan siya ng mga itim na asong lobo. Nilapitan siya ni Kiel na nasa anyong taong lobo na. Hinawakan ang ulo at pinilipit ang leeg. Hinila hanggang sa maputol ang leeg. Nagbago ang anyo ni Mikhail. Isa na siyang taong pugot ang ulo.

  Naisip ni Jansen ang  tumakas nang makitang ubos na ang kanyang mga alagad. Pero lumitaw  ang limang espirito ni Arielle na nakapalibot sa kanya. Wala siyang pupuntahan.

"Anong ginawa mo sa kanila?" tanong niya kay Arielle na nasa kanyang harapan.

"Pinasok ko ang kanilang mga  isipan at inutusan ko silang patayin ang isa't isa. Nawala  sila sa kanilang mga sarili."sagot ng bata.

"Sino ka ba talaga?"

"Anak namin siya ni Mira Jansen!" Si Nick ang sumagot.

"AHHHHHHH! HINDI MAAARI! " Nanlisik ang kanyang mga mata. Hindi niya matanggap ang kanyang pagkatalo sa isang bata lang at anak pa ng kanyang kina-iinggitan at kinamumuhiang bampira.

"Nakita ko ang lahat ng iyong nakaraan simula ng ikaw ay isilang. Isa kang masamang binhi na hindi dapat nabuhay. Ipinapatay mo ang sarili mong mga magulang at kapatid dahil lang sa iyong kasakiman. Hindi nakita ni lolo ang ipinagawa mo. Nagpanggap kang isang mabuting anak sa kanya. Pagbabayaran mo ngayon ang lahat ng iyong mga kasalanan." sabi ng bata.

Biglang nawala si Jansen. Kasing bilis ng hanging sumugod siya kay Arielle. Sinunggaban niya ang bata. Pero nawala itong bigla sa kanyang mga kamay. Bigla siyang nanigas at hindi makakilos. Lumitaw siya.

Lumitaw din si Arielle. Pilit na gustong kumilos ni Jansen. Nakikita nina Yuri ang nangyayari kay Jansen. Hindi nila pinigilan si Arielle.

"YAHHHHHHHHHH!"

Red Moon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon