Part 61 . . . "Arielle"

Start from the beginning
                                    

Sumama ang loob ni Kiel pero hindi siya nagpahata. Lumapit si Yuri sa kanila.

"Tayo na Kiel. Sasamahan ko kayo sa titirahan ninyong mga cottages." Sabi ng don.

Naiwan sina Nick at Mira sa pantalan. Sumakay sila sa racer yatch. Palayo na sila ng lingunin sila ni Kiel. Galit pa rin siya kay Nick dahil sa pagpatay ni Nick sa kapatid niya at ang pagbulag sa kanyang mata at alam ito ng mga angkan ni Yuri.

Nasa laot na ang dalawa. Nasa wheel si Nick ng yate at nakayakap sa likod niya ang dalaga.

"Sana ay palaging ganito na lang tayong dalawa mahal ko!" Sabi ng dalaga.

"Huwag kang mainip mahal. Darating rin tayo sa gusto mo. Sa ngayon ay kailangan munang mawala ang mga kalaban ng ating angkan. Kumusta na ang baby natin?" Tugon ng binatang bampira.

"Mabuti naman siya mahal. Sana ay lumaki na siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap at mahalikan. Sana ay kamukha mo at gusto ko ay babae."sabi niya.

Sa loob ng kanyang sinapupunan ay biglang bumilis ang pagbuo ng fetus. Nagkaroon na ito ng kasarian. Isang babae. Nabuo ang mga daliri sa mga kamay at paa. Lumalaki siyang bigla. Isa na ngayon siyang sanggol at sumipa pa.

"Ayyy! Mahal gumalaw siya!" Sabi niya at napangiti siya.

"Ha? Paano gagalaw ng malakas si baby e fetus pa lang siya!" Sagot ni Nick.

"Hawakan mo ang tiyan ko mahal!"

Humarap si Nick kay Mira at tinignan niya ang tiyan nito.

Huh! Mahal umumbok na ang tiyan mo. Lumaki siyang bigla!" Sinalat niya ang tiyan. Wala siyang makita pero nararamdaman niyang gumagalaw ang sanggol.

"Hi hi hi! Babae nga siya mahal. Sinabi ko lang ang gusto ko at naging babae siya at lumalaki ng mabilis. Hi hi hi! Ay! Oo anak ko. Papa mo ang humahawak sa tiyan ko. Dinarama ka niya!" Sabi ni Mira.

"Ha? Nagsasalita na siya?" Gulat si Nick.

"Oo mahal ko! Teka! Pumikit ka mahal." Hinawakan ni Mira ang kamay ni Mick. Pumikit si Nick.

Nakikita na ni Nick ang sanggol. Lumalaki na ito at tumutubo na ang mga buhok sa ulo.

"Anak kausapin mo ang daddy mo!" Sabi ni Mira.

"Daddy!" Sabi ng sanggol gamit ang kanyang isip.

"Ha! Ha ha ha! Ako nga anak si daddy. Mula ngayon ay Arielle na ang pangalan mo. Gusto mo ba?" Sabi ni Nick na tuwang-tuwa.

"Opo daddy! Daddy lolo ko ba si Lolo Yuri?"

"Ha? Nabasa mo ang nakaraan ko? Oo anak kahit hindi natin siya kadugo ay lolo mo siya."

"Isa pala akong bampirang katulad ninyo ni mommy daddy!"

"Oo Arielle isa kang himalang napakagandang bampira. Ayaw mo ba?"

Nakikinig lang si Mira sa usapan ng mag-ama at nakangiti siya. Lumaki pa ang kanyang tiyan. Napansin ito ni Nick.

"Gusto ko daddy."

"Salamat anak. Gusto ko ay maging isa kang mabait na bampira. Nakita mo na siguro ang parehong nakaraan namin ng mommy mo. Kung ano ang ginawa namin ay siyang gawin mo sana anak!"

"Opo daddy!

"I love you Arielle anak ko!" Sabi ni Mira.

"I love you too mommy at daddy!"

"I love you too Arielle. Huwag ka munang magmadaling lumabas. Nasa dagat pa kami ng mommy mo!" Sabi ni Nick.

Inalis na ni Nick ang kanyang kamay sa tiyan ni Mira.

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now