Part 55 . . . "Duelo"

Start from the beginning
                                    

Sa mga mata ni Nick ang tingin niya sa kilos ni Morfori ay slow motion. Mabagal na maiilagan niya. Kaya nagside step lang siya. Sinuntok niya sa panga si Morfori.

Nakita ng mga bampira na biglang nawala si Morfori ng sumugod kay Nick pero bigla ring nawala si Nick. Lumitaw si Morfori na biglang napangiwi ang mukha at tumalsik ang dugo mula sa kanyang bibig. Lumitaw si Nick na nasa tabi lang ni Morfori. Umikot ang buong katawan ni Morfori na nakataas ang kanang siko upang tuhugin si Nick. Inilag na paatras ni Nick ang kanyang ulo. Lumampas ang sikong may naka-usling buto. Sinuntok ni Nick ng kanyang kaliwang kamao ang tagiliran ng kalaban. Bumaluktot ang katawan nito na lumagutok ang dalawang tadyang. Lumayo siya kay Nick.

"Mahusay Nicholai! Hindi ko inasahang gumaling ka na rin pala." Hinahaplos niya ang kanyang tagiliran.

"Hindi mo pa nakikita Morfori ang talagang kakayanan ko. Isa lang ang makikita mo. Kaya kitang tapusin nang minsanan kung gugustuhin ko pero hindi ko gagawin."

Si Nick naman ang biglang nawala. Kumilos agad si Morfori pero nagulat siya nasa harap na niya si Nick. Umiwas siya at lumihis ng takbo pero biglang sumulpot sa harapan niya si Nick. Kahit anong bilis niya sa mga pag-iwas ay si Nick ang lumilitaw sa kanyang harapan. Nataranta siya nang ang nakikita niya ay tatlong Nick na. Nagsimula siyang makaramdam ng mga sakit sa buong katawan. May bumabaong mga suntok na dinudurog ang kanyang mga buto. Nabali ang mga naka-usling buto sa kanyang mga siko. Biglang nahihiwa at nabubutas ang kanyang balat at kalamnan. Inuunti-unti siya ni Nick.

Sabay silang lumitaw. Duguan ang buong katawan ni Morfori. Hawak ni Nick ang dalawang putol na buto na may bahid pang dugo.

"Ahhhhhh! Patayin silang lahattttt!" Sigaw niya at nawala siya.

Sumugod na ang bampira. Sumalubong sina Mira at Renaldo. Hawak ang dalawang matalas iniwasiwas ni Renaldo ang kanyang mga kamay habang umiikot ang kanyang katawan. Dalawa ang tama ng bawat kalabang nadidikitan niya. Tuhog ang puso at wakwak ang leeg na halos maputol na. Sa anim na bampirang sinalubong niya lahat sila ay nagliyab at naging abo.

Agad na bumagsak sa semento ang walong bampirang sinalubong ni Mira. Hindi nila nakuhang makalapit. Hawak nila ang kanilang mga ulong namimilipit sa sakit. Pagkalampas ni Mira sa kanila ay sumabog ang kanilang mga ulo, nagliyab ang mga katawan at naging abo. Nakataas ang kanyang kanang kamay na sa bawat makaharap na bampira ay tumitilapon ng malayo habang sumasabog ang dibdib. Pagbagsak ay nagliliyab na ang katawan. Nagulat ang ibang mga bampira sa nakita nilang kakayanan ni Mira at napaatras sila pero isa-isa naman silang bumabagsak. Dinadaanan sila ni Nick na sa paglampas niya sa kanila ay wala na silang ulo.

Hindi ang tatlo ang nakulong sa loob ng villa kundi ang mga bampirang bisita at tauhan ni Morfori. Sa takot nila ay nagtakbuhan na sila at naghahanap ng daan para makatakas kina Nick. Pero makapal ang mga bakal na shutters sa mga bintana at pintuan. Wala silang malalabasan. Iniisa-isa sila ng tatlo. Naubos ang mga bampira sa loob ng bulwagan ng villa. Umakyat sa ikawang papalapag ang tatlo at inisa-isa nila ang mga kwarto. May ilang nagtatago na si Renaldo na ang tumapos sa kanila. Nawala si Morfori.

"Sa basenent mahal! Ramdam ko siya!" Sabi ni Mira.

Bumaba sila sa bulwagan. Hinanap nila ang daan patungo sa basement. Nakita ito ni Nick sa isang pasilyo. Bumaba sila sa basement at sumalubong sa kanila ang apat na natirang mga tauhan ni Morfori. Nguni't bago sila nakalapit kina Nick ay hindi na sila makagalaw.

"Sayo na sila Renaldo!" Sabi ni Mira at napangiti si Renaldo. Nilampasan nina Mira st Nick ang apat na bampira na napangiwi ang mga mukha sa sakit na nararamdaman. Tinapos ni Renaldo ang paghihirap nila.

Wala ng lagusan sa basement at wala rin si Morfori.

"Dito mahal sa kabila ng dingding na ito. "Sabi ni Mira.

Isang malaking kabinet ang nakatayo sa gilid ng dingding. Hinawakan ni Nick ang kanto ng kabinet at hinila. Natumba ito. Isang makapal na pintuang bakal ang tumambad sa dalawa. Nakalocked ito sa loob. Itinulak ni Nick ng kanyang dalawang kamay at nayupi ito sa gitna. Natumba ito papaloob sa lihim na silid.
Napatayo ang isang tauhan ni Morfori na nasa harap ng mga monitors at controls ng mga cameras at shutters na bakal.

Sumugod siya kay Mira pero bigla siyang tumilapon pabalik. Sinipa siya ni Nick sa dibdib. Isang tunog ng makina ng lantsa ang kanilang narinig.

"Mahal tumatakas si Morfori!" Sabi ni Mira.

"Renaldo sayo na ang isang ito. Hahabulin namin si Morfori." Sabi ni Nick. Tumakbo silang dalawa ni Mira papasok sa isang pasilyo.
Tumilapon ang pintuan sa ibaba ng villa sa likod. Lumabas ang dalawa. Tumakbo sila papunta sa pribadong pantalan. Wala na ang lantsa. May isang daang metro na ang layo ng lantsa sa pantalan. Mabilis ang takbo nito. Isa siyang racing boat na may apat na makina sa likod. Naka-angat ang unahan dahil sa bilis ng takbo.

"Hindi na natin siya maabutan!" Sabi ni Nick.

"Kaya natin siyang abutan mahal!" Parang hamon kay Nick ang sinabi ng dalaga.

"Tara!" Ang tugon niya at bigla silang tumakbo.

Nauuna si Mira. Binilisan ni Nick ang pagtakbo. Nagkulay ginto na ang kanyang mga mata pero nauuna pa rin si Mira. Halos hindi na sila tumatapak sa ibabaw ng tubig. Naabutan na nila ang lantsa. Ilang metro na lang ang layo ng lantsa sa kanila ng umigkas silang dalawa at lumapag sa ibabaw ng lantsa.

Nagulat pa si Morfori ng makita sina Mira at Nick. Humina ang takbo ng lantsa hanggang sa huminto ito. Pinahinto ni Mira ng hindi ginagalaw ang mga kontrols.

"Kahanga-hanga ang lakas ng kakayanan ni Mira Nicholai." Nasabi niya ng may tanda ng pagsuko.

"Sayang at nagkamali ka ng pinanigan Morfori. Alam mo na ang parusa sa isang katulad mo!"

"Alam ko Nick. Gawin mo ng mabilis ...Ughhh!"

Hawak na ni Nick ang kanyang puso. Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin. Nagliyab siya at naging abo kasabay ng kanyang puso.

Umandar ang mga makina ng lantsa. Iniliko ito ni Nick pabalik sa pantalan.

"Mahal habang tumatagal ay lumakas ka!" Bulong ni Nick at inakbayan ang dalaga.

"Ewan ko mahal. Basta't inisip ko lang na magagawa ko.

Pinabagal ni Nick ang takbo ng lantsa at hinalikan sa mga labi ang mahal niya.

***********







Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now