Part 49 "Mahal Kita Maging Halimaw Ka Man!"

Start from the beginning
                                    

"Kakaiba ang nararamdaman ko. Naririnig ko ang lahat ng ingay sa labas ng bintana. Parang lumakas ang katawan ko. Nakikita kong tumitibok ang mga puso ninyo."

"Naririnig mo ba ako ngayon Mira. Mula ngayon ay tatawagin mo na akong Papa!" Sabi ni Yuri gamit ang kanyang mental telepathy.

"Oo papa!" Sagot ng dalaga. Natuwa silang lahat.

"Nababasa ko rin ang isipan ninyo Papa. Nakikita ko ang inyong nakaraan."

"Hmmmm! Kakaibang kakayanan. Maaari naming basahin ang nakaraan ng iba kung sila ay aming kakagatin pero ang sayo ay iba. Ang magagawa lang namin ay basahin kung ano ang nasa isipan ng iba. Ano ang nasa isipan ko Mira?"

"'May gusto kayong ipa-inom sa akin. Dugo ng isang taong lobo!"

"Tama. Sofia mahal ibigay mo sa kanya ang dugo."

Kinuha ni Sofia ang tray sa ibabaw ng mesita at iniabot ang isang baso kay Mira.

Kinuha ng dalaga at tumingin siya kay Nick na tumango. Isinunod ni Sofia ang dalawang baso pa.

"Ano ngayon ang nararamdaman mo Mira?" Tanong ni Yuri.

"Parang may pumasok sa katawan ko at nag-init ang aking pakiramdam."

"Tama. Ngayon ay hindi ka na nilalang na magtatago sa kadiliman. Maaari ka ng lumabas kahit may araw pa. Pero mawawala ang bisa niyan ay kung papatay ka ng inosenteng tao at iinumin mo ang kanyang dugo. Malakas ang tukso ng dugo ng tao. Kailangan mo itong malabanan."

"Papa hindi pa siya pwedeng makisalamuha sa mga tao." Sabi ni Nick.

"Alam ko Nick. Dalhin mo siya sa isla. Bumalik kayo kapag handa na siya."

"Halika Mira ng makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Michelle. Tumayo ang dalaga at sumama kay Michelle.

"Nick hindi pa natin alam ang iba niyang kakayanan at kapangyarihan. Turuan at sanayin mo siya kung paano niya mapapalabas ang mga iyon."

"Oo papa. May isa siyang kakayanan kahit noong tao pa siya ay taglay na niya. Isinasara niya ang kanyang isipan ng hindi niya alam. Hindi ko mabasa noon pa." Sabi ni Nick. Palabas sila ng silid.

"Matagal ko ng alam yan Nick dahil ako man ay hindi ko nabasa ang kanyang isipan mula noong una mo siyang ipinakilala sa amin. Kanina ay sarado pa rin. Kakaiba si Mira."

"Papa paano si Jansen.?" Si Ross. Nasa sala na sila at umupo sa mga sofa. Pumasok si Mang Damian at may dalang tray. Ipinintong niya sa gitnang mesita ang tray na may mga kopita at bote ng pulang alak. Tumayo siya sa isang tabi.

"Hindi pa kikilos si Jansen. Malaking kabawasan sa kanya ang pagkamatay ng kanyang mga alagad. Pero aalamin natin kung saan siya nagtatago ngayon."

"Papa gusto kong hanapin si Gerald para masingil ko. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Mira!" Sabi ni Nick.

"Maghintay ka muna Nick. Siya ang susi natin para malaman natin kung nasaan si Jansen. Sina Ross at Vladimir muna ang mamahala sa kompanya para mapalapit sila kay Gerald. Pagbalik mo mula sa isla saka mo gawin ang gusto mong gawin sa kanya."

"Ikaw ang masusunod Papa."

Pumasok sa sala ang mga babae. Bagong ligo at bihis na si Mira. Tinitignan siya ni Yuri. Nagsasalitan sa pagpapalit ng kulay ang mga mata ng dalaga, itim at berde.

"Malakas ba ang kanyang amoy Mira?"

"Opo Papa! Pero makakaya kong pigilan aking sarili sa panunukso niya." Sagot ng dalaga at tumingin kay Mang Damian.

"Magaling Mira. Halika at saluhan mo kami. Ipagdiwang natin na ikaw ngayon ay kabilang na sa aming pamilya panghabang panahon. Sige na Mang Damian pwede mo na kaming iwanan muna." Sabi ni Yuri at kinuha ang isang kopitang may lamang pulang alak at iniabot kay Mira. Itinaas nila ang kanilang mga kopita at sabay-sabay na uminom.

Samantala takot na takot si Gerald dahil sa kanyang nagawa. Tumatawag siya kay Jansen pero hindi sumasagot. Nagpapahinga na si Jansen sa loob ng kanyang kabaong sa isang villa. Isang tawag ang kanyang natanggap.

"Hello Gerald. Si Rene ito!"

""Napatawag ka Rene!"

"May gustong ipagawa sayo si Igor. Gusto niyang pumunta ng Italya. Wala na ang yateng masasakyan sana niya. Gawan mo ng paraan na makaalis siya rito."

"Sige Rene akong bahala. Pero gusto ko sanang magtago muna!"

"Bakit?"

"Napatay ko ang ang nobya ni Nick Ivanoff!" Sabi niya na kahit malamig ang aircon sa loob ng SUV ay pinagpapawisan siya.

"Huwag kang matakot. Bibigyan kita ng mga security aides at ako mismo ang mamumuno sa mga magbabantay sayo! Malaki ang utang sa atin ng mga Ivanoff kaya tama lang ang ginawa mo at matutuwa pa si Jansen kapag nalaman niya. Nasaan ka na?"

"Pabalik na ako sa penthouse ko!"

"Good magkita na lang tayo roon."

Nabuhayan ng loob si Gerald sa sinabi ni Rene. Naisip niya si Mira at nanghihinayang siya. Sa isip niya ay hindi na siya makakikita pang kasingganda ni Mira. Tumingin siya sa labas ng bintana.

-------------

Dumaong ang yate sa pribadong pantalan ng isang pribadong isla sa parte ng Mindanao. Bumaba sa pantalan sina Nick at Mira. Sinalubong sila ng isang matandang lalake at ilang katiwala nina Yuri.

"Magandang umaga po sir Nick!"

"Good morning din sa inyo Mang Benny. Kasama ko ang asawa kong si Mira. Dito muna kami sa isla ng mga ilang linggo o buwan." Sagot ni Nick sa matanda na napatingin kay Mira na nakasuot ng dark shades katulad ni Nick.

"Good morning po Mam Mira! Sir nakahanda na ho ang malaking cottage sa paanan ng burol. Lahat ho ng kailangan ninyo ay naroroon na!" Sabi ng matanda.

"Good morning din ho Mang Benny!" Sagot ng dalaga.

Hindi nakikita ng matanda ang mga mata ni Mira na nagpapalit-palit ng mga kulay pero alam ni Nick dahil dama niya ang paiba-ibang bilis ng tibok ng puso ng dalaga. Nakahanda siya sa ano mang gagawin ni Mira.

"Salamat ho Mang Benny." Sumakay sila sa isang golf cart na minamaneho ng isang katiwala. Ang iba ay umakyat sa yate para kunin ang mga bagahe ng dalawa.

"Mahal ito ang pribado naming isla. May sampung pamilyang nangangasiwa rito. Ang mga anak nila ay nasa Maynila at pinapag-aral namin. Lahat sila ay alam kung sino kami. Doon sa nakikita mong puting gusaling iyon pinoproseso ang mga gatas at dugo at imbakan na rin. May sariling malaking generator itong isla na 24 oras umaandar. Sa kabila ng burol na iyan ay ang luntiang parang para sa mga baka, tupa at kambing na kuhanan namin ng mga dugong iniinom araw-araw. Si Mang Benny ang nangangasiwa rito." Sabi ni Nick habang dumadaan sila sa hilera ng mga cottages malapit sa tabing dagat.

Pagbaba nila sa tapat ng malaking cottage ay umalis na ang katiwala. Yumakap si Nick sa nakatalikod na si Mira at pinagmamasdan nila ang dagat.

"Mahal ito ang ating munting paraiso ngayon. Hindi ka ba nasisisi na ginawa kitang katulad ko?"

"Hindi mahal ko. Naisip ko na ito noon pa. Ayokong tumanda samantalang ikaw ay mananatiling bata pa. Ngayon ay pareho na tayo at maligaya akong makakasama kita hangga't tayo ay may hininga." Humarap siya kay Nick.

"Mahal na mahal kita maging halimaw ka man aking Nick!"

"At mahal na mahal kita maging halimaw ka rin aking Mira." Naaamoy niya sa buhok ang kakaibang mabangong amoy ng dalaga, ang amoy ni Arianna na ngayon ay si Mira na. Hinalikan niya ang mga labi ni Mira na isa ng bampira.

************

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now