Part 46 . . . "Corregidor"

Start from the beginning
                                    

"Pwede ba tayong dumaan sa apartment Nick? Kukuha lang kami ng ilang damit namin." Tanong ni Mira.

"Hindi na. Ayokong may makakita pa sa inyo roon. Dadaan na lang tayo sa mall at bumili kayo ng everything you need."

---------

Nasa airport na ang tatlo at nagtse-check in na. Parang ayaw ihakbang ni Mira ang kanyang mga paa.

"Mahal hindi na ba magbabago ang isip mo?" Pagsusumamo ng dalaga.

"This is for your own good mahal! Ilang araw lang naman ito."

"Sige na nga!" Hinalikan siya sa mga labi ng mabilis at pumasok na sina ni Rona.

Nagmadaling lumabas ng airport si Nick. Ilang oras lang ay nasa mansion na siya.

"So ano plano mo papa?"

"We wait and observe muna Nick. Kapag positive na nandoon si Jansen then saka tayo kikilos!"

"Pa malalakas ang mga armas nila." Sabi ni Vladimir.

"How about their hideout sa Corregidor Pa. Marami ng alagad si Jansen doon. Threat sila sa mga tao." Tanong ni Ross.

Nag-isip si Yuri.

"Okey unahin natin ang Corregidor. Pack everything na kailangan natin. Luluwas tayong lahat ng Maynila. Sa safe house muna tayo and plan kung paano natin sila papasukin.

"Mang Damian katulad ng dati. Alam na ninyo ang inyong gagawin." sabi ni Yuri sa matandang katiwala.

"Opo sir."

-------------

Matagal ng nakatambay si Kiel sa tapat ng kanilang apartment. Hinihintay niya ang pag-uwi nina Mira. Datirati sa tuwing 6 pm ay dumarating na sina Mira. Ngayon almost 7:00 na ng gabi ay wala pa sila. Nabuhayan ang kanyang loob ng isang maliwanag na ilaw ng sasakyan ang suminag sa daan. Lumapit siya sa bakal na gate at tumayo upang tignan kung sina Mira na ang paparating. Isang itim na limousine ang huminto sa tapat ng apartment nina Mira. Bumaba ang salamin ng bintana sa likuran at dumungaw ang isang puting lalake. Pinagmamasdan niya ang apartment. Walang ilaw ito. Muling sumara ang bintana at umalis ang limousine.

"Talagang interisado ka rin kay Mira ko! Unahan tayo! Nasaan na kaya si Mira? Magkasama kaya sila ni Nick? Baka nasa penthpuse sila! Mapuntahan nga!" Iniisip ni Kiel. Lumabas siya ng gate upang mag-abang ng taxi.

Nasa park siya sa tapat ng gusali ng Red Moon Enterprises. Hindi niya naamoy si Mira. Pumunta siya sa isang upuang bato at naupo. Maghihintay siya. May naamoy siya. Amoy ng lalakeng puti na sakay ng limousine kanina. Nakatayo ito sa mataas na gusali sa kabilang kantong kinatatayuan ng Red Moon Enterprises. Sumasaludo ang mga secu sa kanya ng pumasok na sa loob ng lobby ng gusali.

"Hmmm! Diyan ka pala labanos umuuwi." Sa isip niya at tumingala siya sa itaas. May penthouse din sa tuktok ng gusali. "Kaya pala magkakilala kayo ni Mira e magkatabi lang ang inyong pinasukang gusali." Bulong niya.

Paalis na sana siya ng maamoy niya si Nick. Bumaba ito sa sinasakyang dilaw na kotse. Pumasok siya gusali ng RME. Tumayo siya at tumawid sa kalsada. Hihintayin niya si Nick sa harap ng lobby. Nagtataka siya kung bakit wala si Mira. Wala pang treinta minutos ng papalabas na si Nick sa private elevator. Nakita siyang nakatayo sa harapan ng lumabas na sa lobby.

"Kiel! Mabuti at naririto ka!" Tanong ni Nick. May bitbit itong isang itim na duffel bag.

"Napadaan lang ako ng makita kitang pumasok. Kaya naghintay na ako rito."

"Gusto mong makaganti kay Jansen? Pupuntahan namin siya ngayon. Gusto mo bang sumama?"

"Sige sasama ako!"

Red Moon (Complete)Where stories live. Discover now